Teaser : Akira and Stephen

1.1K 24 0
                                    


Stephen Maharlica, siya ang forever ni Akira Yuzon at ako iyon. Walang ibang pwedeng umangkin sa kanya, babae man o lalake, o kahit bading bawal. Sa akin lang si Stephen Maharlica. He was made for me and I to him. Kung hihingi siya ng patunay, ibibigay ko sa kanya ang resulta ng 'FLAMES HOPE CAMEL' na ginawa ko.

FLAMES HOPE CAMEL
AKIRA YUZON – 5 – ENGAGED – HAPPY - LOVE

STEPHEN MAHARLICA – 6 – SWEET – OF COURSE PWEDENG-PWEDE – CHERISH

TOTAL = 11 CHERISH
CHERISH – to show great love for something or someone.

Si Kumareng Merriam Webster lang naman ang reliable source ko, ibig sabihin kami talaga ang meant-to-be. You see, kami talaga ang para sa isa't-isa.


NANDITO KAMI ngayon sa bahay ng bestfriend ko na si Maxxine o Maxx. Actually buong barkada ang nandito, ako si Maxx, Yani, Mona, at Hush.

"Kailangan ko na yata na iuntog ang ulo mo sa pader para lang matauhan ka. Aki, bakla si Stephen but you still keep on chasing him. Desperada much?" sabi sa akin ni Mona.

"May pag-asa pa, saka hindi ko pa naman naibibigay ang hundred percent best ko." Sagot ko naman. Hindi ako magpapatalo. Ako pa ba?!

Pagkalunok ng cake na isinubo ni Hush ay saka ito nagsalita. "Ano ang pang-hundred percent mo, katawan mo?! Luka, baka mas lalo kang ayawan ng baklitang 'yon." Mahabang sabi niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Ang slow. Malamang kasi mai-insecure siya sa 'yo kasi may dede ka, may vajayjay ka, eh siya?! Wala!"

Natawa kaming lahat dahil sa sinabi na 'yon ni Maxx.

"Huwag kayong magsasalita ng ganyan, may kasama tayong bata." Sabi ni Mona habang tinuturo ang abala sa cellphone niya na si Yani.

She's the youngest, Yani and Mona are cousins and also best of friends. We all instantly click, and here we are now. Best of friends.

"Sumuko ka na kasi, tigilan mo na ang baklitang 'yon. Saka malay mo naman, kahit na straight siya hindi ka pa rin niya type." Seryosong sabi ni Yani habang abala pa rin sa cellphone niya.

Batuhin ko nga ng bote ng mineral water na dala ko. "Ang supportive mo ha, salamat kaibigan." I said in sarcastic voice.

"You're always welcome my friend." Sagot pa niya.

"Kung iisiping mabuti, Yani has a point. Baka naman talagang hindi ka niya type kahit pa maging tunay na lalake siya. Tigilan mo na, suko ka na." Mahabang sabi ni Hush.

"Ano ng plano mo ngayon?" Tanong ni Mona sa akin.

"Ilalabas ko na ang huling alas ko, ang katawan ko."

"Kadiri ka!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Maghunusdili ka nga Akira, saksakin kita ng straw sa mata at baka sakaling mamulat ka sa katotohanan." Eksaheradang sabi ni Mona.

Nilapitan naman ako ni Maxx, at saka mahinang iniuntog ang ulo ko sa lamesa. "Masakit? Hindi diba? Gusto mo lakasan ko pa para magkaron ka na ng amnesia at makalimutan mo ang kahibangan mo kay Stephen Bading?!" Seryosong sabi niya.

Titingnan ko lang siya ng masama. "Need help Maxx?" Biglang tanong ni Yani.

"Seriously?!" Hindi ko napigilan ang mag-react, at saka ko sila nilayasan.

All The Single LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon