"Honey..."tawag ko sa kanya, lumingon siya at nanlaki ang mata.

"Anong ginagawa mo dito James baka makita ka ni Dad! Paano ka nakapasok?"

"SShhhhhh, si Dad mo nga ang nagpapasok sakin dito.Tapos na ang problema natin Hon, pwede na tayong magpakasal." Namilog ang mga mata niya at parang hindi naniniwala. Sinabi ko sa kanya ang magandang balita.

"Gosh Hon! Hulog sila ng langit kung sino man ang may ari ng kompanyang yon." at niyakap niya ako.

"I love you Cassandra, Dininig din ng Diyos ang mga panalangin natin."

"I love you too James. Wala na din tayong problema. Sana magkaayos nadin kami ni Megan."

"Don't worry Hon, magkaka ayos din kayo. Manalig ka." Bumaba kami, sinalubong naman kami nila Tito At Tita. Masaya sila para sa amin.
Naintindihan naman ni Tita Camille. Walang katumbas ang ligaya ko, higit pa yata sa nanalo ako sa luto. Utang ko lahat to sa taong tumulong samin.


Cassie's POV

Wala na kaming problema ni James. Sobrang saya ko. Natapos nadin ang bangungot namin. Okay na kami kay Mommy at Daddy. Naintindihan naman nila kami. Magiging lubos na ang kaligayahan ko kung magkaka ayos kami ni Megan. Almost four months na siya sa States. Si mommy niya lang ang nakaka usap ko busy daw kasi siya sa OJT niya. Pero baka iniiwasan niya lang ako. Tita said malapit na din silang umuwi for her graduation. Cumlaude ang bestlie ko, ang galing niya. Matalino naman kasi talaga si Megan. Malapit nadin pala ang 19th birthday niya. Sana magka ayos na kami. At sila din ni Ceddy.

Mahal pala talaga siya ng kapatid ni James. Ceddy change a lot, he became responsible para daw maging karapat dapat siya kay Megan. Biro mo nga naman, si Ceddy ang panget na crush ni Megan. Tadhana nga naman kong maglaro.


Megan's POV

Home sweet home, tuwang tuwa si Yaya na naka uwi nadin kami ng Pilipinas after almost 4months.

Sobrang na miss ko ang bahay namin. Pero mas na miss ko si Bessy, kamusta na kaya yon? Wala akong balita sa kanya, tumatawag daw siya sabi ni Mama pero pag wala naman ako, baka ayaw niya talaga ako makausap.

Akala ko hindi ko kakayanin na wala kaming communication, nasanay kasi ako na lagi siyang andyan. Kinaya ko naman. Sa wakas gagraduate nadin ako sabi ni Papa pwede daw muna ako magbakasyon after graduation saka ko nalang ituloy ang training ko sa paghawak ng kompanya, bata pa naman kasi ang Papa ko, matagal pa siya bago magretire.

Andito na ako sa room ko, wala naman masyadong nagbago, nakita ko si Baby Teddy, hindi ko alam kong bakit niyakap ko siya, na miss ko lang siguro si Baby teddy o dahil miss na miss ko nadin siya.

"Kamusta na kaya siya baby?"  nababaliw na yata ako. Teddy Bear kina kausap ko.

Kinabukasan nagpunta ako ng school. may mga kailangan kasi akong aayusin na requirements for graduation.

"MEEEGGG!!!!!!!" kilala niyo pa siguro yan. "OMG!!!!!!!! lalo kang gumanda! Nag OJT kaba ha?? Ba't parang hindi ka manlang na hagard kahit konti??"

" Kaye yang bibig mo talaga walang kupas"..Niyakap ko nalang siya.

"Na miss kita Kaye...."

"Ako din Meg. Ang tagal mong nawala. Sexy na ako oh..." pakita niya sakin ng body niya.

"Wow, oo nga Kaye, parang pumayat ka ah, diet?"

"Dapat lang baka palitan ako ni Sweetypie ko. Teka asan na ba yon.?" Ay lumalablayp.

"Ako ba ang hanap mo Sweety?" Si Miguel. Sila na pala, buti pa sila, mukhang masaya sa isa't isa.

Broken Promise (Completed)Where stories live. Discover now