Chapter 10

3.3K 77 4
                                    

Cassie's POV

Di ako nakatulog ng maayos, umalis si Bestlie kagabi, ni wala siyang dalang cellphone, tumawag ako sa bahay nila pero wala sila tita, may party daw na pinuntahan sa tagaytay., wala din daw dun si Megan, ang alam ng yaya niya, sa bahay siya natulog, tinawagan ko nadin si Kaye pero hindi daw nagpunta si Megan doon. Naikot ko nadin ang buong village pero wala siya. Mga 2am na ako nakatulog, di ako mapakali, baka napano na yon. Pumunta ako sa bahay nila dala ang mga gamit niyang naiwan. Halos sabay lang kami ng Parents niya.

Anong nangyari Cassandra? tanong ni Tita Marianne. Nag aalala ang tuno nito. Tinawagan ako ni Nena, nawawala daw ang anak ko?

Pumasok muna tayo sa loob. seryosong sabi ni Papa niya.

Kasi po Tita, Tito may tampuhan lang po kami, hindi ko naman po akalain na aalis siya, di ko din po siya matawagan, naiwan niya ang cp niya. Akala ko po umuwi siya dito pero tumawag ako dito kagabi wala din po siya. Tinawagan ko din po yong ibang kaibigan niya pero hindi daw po siya nagpunta sa kanila. Nasan na kaya siya?

Dont worry Mama, Papa nandito na po ako. sabi niya sabay lapit at halik sa Mama at Papa niya.

My God, Megan Louise, saan ka galing at pinag alala mo kami lalo na ang Ate Cassie mo. sabi ng Mama niya.

Im sorry kung nag alala kayo sa akin, sa isang kaibigan lang natulog. Natawagan ko na halos ang kaibigan niya sa school.

Pero anak, sana tumawag ka manlang. Kagabi kapa hinahanap ni Ate Cassie mo,parang wala pa nga siyang tulog.

tumingin siya sa akin at..

Im sorry.. sabi niya lang.

Aakyat na po ako at maliligo may quiz kami today, baka makahabol pa po ako. at umakyat na siya sa kwarto niya.

Mukhang may tampo padin siya sayo Cassie, pag usapan niyo nalang yan mamaya, don't worry hindi ka matitiis non. si tita.

Oo nga Cassie, tara at magbreakfast. sumabay nalang ako kumain sa kanila, hindi pa naman talaga ako kumakain. Maya maya bumaba nadin si Megan, naka uniform na siya.

Aalis na po ako. Si Megan.

Hindi ka pa kumakain Megan, si papa niya.

Kumain na po ako sa bahay ng kaibigan ko, sige po late na po ako. kiniss niya lang si mama at papa niya. at akmang aalis na.

Megan Louise, nakalimutan mo yata andito si Ate Cassie mo. Si Tita.

Papasok na ako, Ate Cassie. mahina niyang sabi tapos idinikit niya ang pisngi niya sakin at umalis na. Alam kong malaki ang tampo niya, eto ng nga ba ang iniiwasan kong mangyari. nagpa alam nadin ako kina Tita kailangan ko ding pumasok sa opisina.

Megan's POV

Hindi ko gustong nag aaway kami ni Bessy pero masama padin ang loob ko, pwede namang hindi siya maglihim. Pero mas pinili niya pa ding magsinungaling sa akin.

Pumasok na ako ng school mabuti at sa 2nd subject pa ang quiz namin sa Marketing, ayoko din manatili sa bahay nandon kasi si Bessy.

Megan, ayos ka lang ba? tanong ni Kaye. Hinahanap ka kagabi ni Ate Cassie ah, hiningi niya pa nga ang number ng mag classmate natin. Saan ka ba nagpunta?

Wala Kaye, nagpalamig lang. Wala ako sa mood na mgkwento.

Tara na, may quiz tayo diba? Pumasok na kami at kumuha ng quiz, madali lang naman eh, mabuti nalang nakag review ako ng konti kagabi. napatingin ako kay Nathan. Kung hindi siya dumating kagabi baka kung ano na ang nangyari sa akin.

Broken Promise (Completed)Where stories live. Discover now