Chapter 41

30.9K 635 30
                                    

Chapter 41: The Jealousy

Trevor POV

I didn't expect Diana to be here... with Clare. How did the two know each other? Humugot ako ng malalim na hininga saka lumapit, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Diana saka siya hinila without answering who she is, si Clare naman ay napakunot ng noo dahil sa ginawa ko.

Hindi nagpumiglas si Diana sa akin, hinayaan lang niya akong kaladkarin siya palabas ng restaurant, hindi ko alam kung bakit siya nandito... noong nasa harapan na kami ng kotse ko'y tinignan niya ako ng masama.

"Baka hinihintay ka ni Clare." Malamig na sabi ni Diana sa akin.

"Bakit mo siya kilala?"

"Does it matter?" She retorted.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka siya pinapasok, wala naman siyang angal na sumakay. Dumiretso ako sa kabila at umupo sa driver's seat.

Hindi ko alam pero natutuwa ako sa akto niya ngayon, I've never seen this side of hers. "Diana..." tumingin siya sa akin saka siya bahagyang nagtaas ng isang kilay-which failed-"are you jealous?"

Bigla siyang tumawa, "tignan mo nga naman! Ikaw na nakikipagkita sa ibang babae pa ang may ganang magtanong nyan? Gago ka ba o sadyang gago lang talaga? Hindi ako nagseselo-"

Bago pa man niya matapos ang kanyang gustong sabihin ay nilagay ko sa likod ng ulo niya ang isang kamay ko, I pulled her head towards me at siniil ko ng malalim na halik ang kanyang labi. Nanlaki ang mga mata ni Diana ngunit bigla itong pumikit, matapos ang halik ay suminghap si Diana.

"You're jealous." Ngumisi ako at namula ang tenga ni Diana, tumingin siya sa may bintana upang maiwasan ang tingin sa akin. "You have to trust me, Diana. Clare was just a fling."

"Dati mong fling? At hanggang ngayon nakikipagkita ka pa sa kanya?" Mahinang usal niya.

I chuckled. "Damn, you being jealous makes me want you more."

Bahagya siyang natigilan dahil sa sinabi ko, "just drive the damn car." Malamig na saad niya. Nagbuntong ako ng malalim na hininga.

"Saan mo gusto?"

"Sa lugar na wala ka." Pamimilosopo niya.

"There's no such place that exists, no matter where you go I'll be there."

She rolled her eyes, "balikan mo na ang babae mo." Akmang lalabas siya nang ni-lock ko ang pinto, she tried to open the car's door but failed, "why did you lock the car?!"

"Huwag ka nang magselos." Natigilan siya dahil sa sinabi ko, "the more you become jealous, the more I want to kiss you."

Kumuyom ang kamao niya, "hindi ako nagseselos!"

"Huwag kang magselos, damn Diana, I know this is cheesy but you're the only woman!" Nagulat ako dahil sa sinabi ko, I can't believe I said that.

Diana's head turned to face me, her jaw dropped, "h-hindi nga ako nagseselos..."

Ngumiti ako sa kanya, "ok, let's say na hindi nga, but with the things I'm seeing right now... you are." Tumigil ako, "seeing you jealous makes me happy. Kailangan ata kitang pagselusin araw araw para maging masaya ako."

Pinandilitan niya ako ng tingin kaya naman natawa ako ng mahina.

"But you know what makes me happy the most?"

Napatingin siya sa akin habang hinihintay ang mga susunod na katagang bibitawan ko.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya doon, "seeing you care makes me happy the most."

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon