Chapter 31

33.7K 754 67
                                    

Chapter 31: The Announcement

Diana POV

Binaba ako ni Trevor noong nasa brick path na kami, tahimik lang kaming naglakad, may mga floating green balloons na nakatali sa fences ng path, talaga nga namang nag-effort si Tita, I admire her work.

Noong nasa entrada na kami ng reception hall kung saan gaganapin ang engagement party ay agad kong narinig ang ingay ng musika, maraming mga tao sa loob na halata ang pagkamaharlika. They're all showing off wealth through their green outfits, even though maraming bisita na mostly businessmen-the party seemed to look simple to me making me feel more comfortable.

Trevor intertwined our fingers together and locked it, napatingin ako sa kanya, he just nodded and forced a smile saka kami naglakad papasok, all eyed us-rather me. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Let us all welcome my son Trevor Mariuz Montejarre and soon to be daughter in law Diana El Derostova for their engagement party!" Tita announced, mukhang siya ang gaganap bilang emcee sa event, kumindat si Tita sa akin sabay turo sa dalawang vacant chairs sa mini-stage na parang upuan ng hari't reyna.

Doon kami dumiretso ni Trevor at umupo. Nakaharap ang upuan sa mga bisita, lahat sila'y tumigil sa pagsasalita't nagkaroon ng katahimikan. May dalawang babae na lumapit sa amin at may hawak silang kahon, binuksan nila ito't bumungad ang korona na may emerald at ruby stones, sinuot nila ang korona sa ulo namin ni Trevor at agad umalis.

We look like a king and queen.

Isa isa silang naglakad palapit sa amin ni Trevor at nag-congratulate, may ibang nagbigay ng regalo na tinago lang namin ni Trevor sa ilalim ng silya, hinanap ng mata ko ang crowd at nakita sina Mama, Papa, Paris, at Michelle na magkasama sa iisang silya, kumaway sila sa akin noong napansing nakatingin ako. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang mga midya na nandito at mga news reporters.

"Dude!" Napatingin ako sa isang lalakeng masayang bumati kay Trevor, halos malaglag ang panga ko. Damn whoever this guy guy is, he's so handsome!

Nakipag-bro fist si Trevor sa lalake.

"Grey!" Ngumisi si Trevor. Wait... siya si Grey?! Parang kumikinang ang mata ko habang nakatingin sa kanya, iyon bang tingin na parang matutunaw ka.

May magulong buhok si Grey na nakatakip sa noo't kilay niya, he have this hazel brown eyes na medyo katamtaman lang ang pagkakasingkit, may matangos at maliit siyang ilong at mapupulang labi, mula sa peripheral vision ko'y hindi nakatakas ang chiseled jaw niya.

Lumunok ako. Bakit pinagkait sa akin si Grey ng tadhana?!

Mukhang napansin ni Trevor na nakatitig ako kay Grey kaya sumimangot siya, dahil nakatingin siya sa akin ay napatingin rin si Grey sa pwesto ko, "hi. You must be my bestfriend's bride." He held his hand, tatanggapin ko sana iyon para makipagkamay ngunit tinabig ni Trevor ang kamay ni Grey.

Kumunot ang noo ko at sinamaan ko siya ng tingin.

Tumikhim si Grey at tumawa ng marahan, ang sarap pakinggan ng tawa niya! Oh my gosh sana si Grey na lang ang kasama kong nakaupo ngayon! Hindi ko akalain na may lalake palang gwapo sa mundo kahit papaano.

Tumingin ako kay Grey at nagtama ang mata namin, he offered me a kind smile, "I'm Grey. Grey Javierres."

"Hi." Halos makilig na saad ko.

"Layas ka na nga Grey, panira ka ng view e." Trevor hissed.

Tumango si Grey, "sige dude, lalayas na ako dahil kasama ko sina Kuya Travis at ang asawa niyang si Kaira, mainit ang ulo ni Kaira at gusto nang umuwi ng maaga, buntis eh. Pumunta lang ako para magpakita baka sabihin mo hindi ako dumalaw."

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon