Chapter 8

50.1K 1.1K 71
                                    

Chapter 8: The Restaurant

Diana POV

Noong natapos ko na rin sa wakas ang sketch na pinagkaabalahan ko ng ilang araw ay napagdesisyunan kong bumalik na sa loob ng mansion lalo't nagiging mainit na ang araw, hindi ko nadatnan si Trevor sa kwarto namin, siguro nasa tabi lang siya.

Dahil wala naman matinong gagawin ay tinanggal ko na lahat ng damit ko at nilagay sa vacant slots ng walk-in closet, bale nahati ang walk-in closet, sa akin lahat ang right side at kay Trevor naman ang left side, malawak ang espasyo ng silid, para akong nasa isang malawak na botika.

Hindi ko maiwasang pumunta sa side kung nasaan ang mga damit ni Trevor, bigla kong nalanghap ang pamilyar na bango ng amoy niya na nakakalunod, maayos ang pagkakasampay at tupi ng mga damit niya at hindi ka na mahihirapan pa sa paghanap dahil na-seperate ang mga pambahay, long sleeves, slacks, pants, at... namula ako noong makita ko ang underwears niya.

Lumunok ako at mabilis na lumabas sa walk-in closet, bumungad naman ang tatlong kasambahay na sumalubong sa akin noong dumating ako dito at sila'y abala sa paglilinis kaya hindi nila ako napansin, "asan si Trevor?"

Tumingin sina Teresa, Jorie, at Auby sa akin. "Ma'am, pinasabi nga pala ni Sir Trevor na aalis siya at may aasikasuhin raw siya." Sagot ni Teresa.

"Mukhang nagmamadali eh." Ani Jorie na nakahawak ng duster. "Baka naman pumunta sa kompanya ng mga magulang niya para tumulong?"

"Ah! May kausap siya sa telepono kanina, sabi ni Sir eh magkikita raw sila, kung hindi ako nagkakamali ang pangalan na tinawag niya sa kausap niya ay..." kumunot ang noo ni Auby habang ang mga kamay ay humahaplos sa kanyang baba, ngumiti siya noong naalala niya, "ah! Michelle! Tama, Michelle ang pangalan ng kausap niya!"

Michelle?

"Naku ikaw talaga Auby hindi ka pa rin nagbabago sa pakikinig mo ng walang paalam." Iling ni Jorie, "Ma'am, pasensya na po kayo kay Auby ah, ganyan talaga 'yan. Nakikinig sa usapan ng may usapan."

Ngumiti lang ako at umiling, "ayos lang Jorie."

Sumimangot si Auby, "hindi ko naman sinasadya, nagkataong naglalakad lang ako kanina nang makita ko si Sir sa veranda, naku nakangiti pa siya habang nakikinig sa kausap sa telepono! Ang gwapo niya!"

Agad na tumakbo si Teresa para takpan ang bunganga ni Auby, "naku ikaw talaga Auby, kung ano ano ang nakikita at naririnig mo..." halatang kinakabahang sabi niya, tumingin siya sa akin at halatang nagdadalawang isip, "p-pasensya na Ma'am Diana, ang daldal talaga ni Auby..."

"Hmmft!" Impit ni Auby habang pilit tinatanggal ang kamay ni Teresa na nakatakip sa kanyang bunganga.

Mabilis pa sa alas kwatrong lumabas ang tatlo sa kwarto ko habang hila hila si Auby. Noong sinara nila ang pinto'y hindi ko maiwasang mapaisip at magtaka, bigla na lang umalis si Trevor at hindi man lang nagpaalam sa akin, makapagsabing 'I'm your future husband so act like my future wife' e kung umakto siya parang wala lang naman. Bigla akong inatake ng inis. Peste!

Bakit naman ako naiinis? Pake ko kung nakangiti siya habang may kausap na babae sa telepono? What's her name again? Michelle? And Trevor is going to meet her? I'm betting she's another vixen of Trevor or worst. Gawd! Why are you acting like a jealous wife, Diana? This is so not you. Keep your head together, maybe she's just someone Trevor knows...

Biglang tumunog ang call ringtone ng cellphone ko na nakakalat lang sa kama kaya naman natigil ako sa pagguni.

Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag, halos lumundag ang puso ko noong makita ang tumawag, dali akong tumakbo palabas sa veranda ng kwarto at saka ko sinagot ang tawag.

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon