Chapter 21

35.2K 676 24
                                    

Chapter 21: The Visit

Diana POV

Hindi ko alam kung ano ba ang sumagi sa isip ko basta pagkagising ko kinabukasan ay kinuha ko agad ang art materials ko saka ako dumiretso sa may patio ng backyard garden, nagsimula akong mag-sketch ng hanging bridge, habang ginuguhit ko ito'y naalala ko ang lahat ng nangyari sa daanang tulay.

Naalala ko kung paano ko binuksan ang libro ng buhay ko para mabasa ni Trevor, naalala ko kung paano ko siya hinayaang pumasok sa buhay ko, I showed him my weakness that I always hid in the darkness and when I released all out, I felt like the heavy weight and burden I've been carrying lessened.

I flipped the sketch pad to the next blank page upon finishing the hanging bridge. Pinikit ko ang aking mga mata at naalala ang labi ni Trevor, his lips pressed against mine-the warmth of his lips felt like home, so comfy.

Unconsciously, nagsimula akong magguhit ng labi. As I finish my sketch, it became more familiar... hindi ito ang labi ni Trevor!!!

Speaking of him, maaga siyang umalis at dahil maaga hindi pa ako gising, he must be a busy man since he's an architect and heir at the same time, I really envy him so much. Sa pagkakaalam ko, may project siyang hinahawakan-my guess is renovation of family resort, so I bet he's going to visit the construction site AKA resort.

Dahil wala naman akong gagawin ay bumalik ako sa kwarto para iligpit ang mga art materials, after that, lumabas muli ako at nagtungo sa art museum ng mansion, I'll give Trevor a credit for this, he really have an eye for art, parehas kami ng hilig.

Malawak ang art museum at may seperations ang paintings, sculptures and statues, designs, sketches, antiques, at marami pang iba. I engrossed myself praising the beautiful artworks, clearly, this is like a replica of a real museum!

Noong nakaramdam ako ng pagkagutom ay lumabas na ako sa silid at dumiretso sa kusina, nadatnan ko roon si Auby-isa sa mga kasambahay na kilala ko-na kumakain ng cookie, noong nakita niya ako ay agad niyang nilunok ang kanyang nginunguya sabay takip sa labi, ngumiti ako sa kanya. "It's ok, I just came to get some foods."

Dinig ko ang kaluskos sa likod ko, pumasok sa may entrada sina Teresa at Jorie, "ikaw talaga Auby! Kaya ang taba mo! Di ba sabi namin sa 'yo hindi mo pwedeng kainin ang kahit anong laman ng ref?" Sermon ni Teresa, noong napansin niya ako ay ngumiti siya ng pilit at parang nahihiya.

"Gutom ako e. Isang cookie lang." Lumabi si Auby.

"Aysh," tumingin si Teresa sa akin, "Ma'am, pagpasensyahan mo na po si Auby, ha? Patay gutom talaga." Nilapitan ni Jorie si Auby sabay tiris sa tenga at hila nito, lumabas ang tatlo sa kusina't naiwan akong mag-isa.

Lumapit ako sa may ref at tumingin ng pagkain, kumuha ako ng cereal at nilipat ang laman sa isang bowl sabay lagay ng fresh milk, with that, I started eating.

After finishing, nilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko, huhugasan ko sana pero pinigilan ako ng isang kasambahay na hindi ko kilala at inagaw ang gagawin ko, umalis na lang ako't bumalik sa kwarto, damn-I'm bored to hell.

And when I'm bored, what do I usually do? Sleep!

***

Trevor POV

"I'll call you later Dad, I'm going to check on the progress of our renovation, ok?" I ended the call, I parked my car and hopped out, mula sa hindi kalayuan ay kitang kita ko ang mga cottages na pinapatayo at renobasyon mismo ng resort, naglakad ako palapit, some who recognized me greeted me and bowed their heads, some were curious but did the same thing otherwise.

"Sir," bati nila sa akin, I just nodded and told them to continue their works.

So far, everything is going as what I expected.

"Hey! Did you come to visit me?" May isang linta na biglang pumulupot sa braso ko, tinignan ko ang babae at kumunot noo, "glad to see me?" She smiled sweetly.

Tinabig ko ang kamay niya, "don't assume Ms. Harret, I'm in charge of the construction, it's normal for me to come and pay a visit to see and observe."

Ngumisi si Clare, "are you free later?"

"No. I have appointments." Malamig na sagot ko at nagsimulang maglakad, humarang si Clare kaya naman tumigil ako, "what?"

Umismid siya, "are you stressed? I can help relieve tonight." She winked at me.

"Ms. Harret, stop being such a nuisance and do your work or else I will personally fire you." Asar na giit ko sa kanya, mabuti na lang at abala ang lahat ng mga construction workers at ibang engineers sa pag-aatupag sa trabaho nila kaya walang nakakarinig o kita sa aming dalawa.

"You can't do that, only the department I'm working in can fire me." Clare sneered, "c'mon, ngayong gabi lang 'to, I actually missed riding your hood."

Damn, this vixen!

Kumuyom ang kamao ko at pinandilitan ko siya ng mata, "Ms. Harret, I'm going to call your department and personally say to your boss to replace you."

With that, nilampasan ko siya at naglakad.

"Is this because of your bride? I'm better than her!" Maangas na pagmamayabang niya, nilingon ko siya at nakataas ang isang kilay niya, as if provoking me.

"You don't even know her." I chuckled, "-and you're really nothing compared to her, start packing your things, you're no longer in charge here."

Her lips parted, as if unable to believe what she was hearing, nagsimula ulit akong maglakad, after doing some check ups, I decided to pay a visit to Dad.

I knocked on his office's door, "pasok." Dad muttered.

Binuksan ko ang pinto at nakita si Dad na abala sa pagbabasa ng mga papeles, the sound of papers flipping invaded my hearing sense, "oh, kumusta ang resort?" He asked.

"Nothing special. As expected, everything's going well."

"How about the woman in charge?" Tanong niya. I already know whom he was pertaining.

"I replaced her." Sagot ko.

Tumawa si Dad, "I knew you'd do it."

"Hijo," lumingon ako at nakita si Mama, pumasok siya mula sa entrada ng opisina, "I missed you, son! Madalang na lang tayong nagkikita, I feel so sad that you're slowly drifting away, come pay a visit to the mansion, ok? Visit us with Diana."

"Mom." I acknowledged and nodded.

"Thania, bakit ka andito?" Dad asked.

Mom raised an eyebrow, "bakit Theo, bawal na bang bumisita rito?"

Umiling na lang ako sa dalawa, "I'm going. Bye."

***

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon