The Superstar: Finale

Depuis le début
                                    

"Galing talaga magplano, tsk tsk." Iling-iling na sabi ni Ethan.


"Hindi ako ang nagplano nito, ako lang ang umaaksyon. 'Di ba, Kuya Howard? Dapat hindi ka na lang naging CEO, dapat naging wedding planner ka na lang." Pang-aaasar ni Ahron at ngumiti lang si Howard.


"Sometimes you need to manipulate people. Mahirap ang ikaw ang mamanipulate, lalo na kung hindi mo ikakabuti. I know na magagawa mo namang maigi 'yan Ahron." Paninigurado ni Howard, si Ethan naman ay kinakalikot ang cellphone at text ng text.


"'Wag mong kakalimutan ang baril na kapalit nito." Hindi na sumagot si Howard bagkus ay tumango na lang ito kay Ahron habang nagtatype rin ng text para kay Jade.



JADE'S POV:


Ito na ang simula ng sembreak namin at kasalukuyan akong nasa activity center ng barangay, sadly ay hindi ko nakita si Angelo, ang hirap kasi kapag wala kang makakwentuhan. Si Oning Bading naman ay laging may trabaho.


Si Mama naman ay hindi ko makakwentuhan dahil busy ito sa bago nitong tuklas na laro sa App Store. Hindi ko naman kayang libangin ang sarili ko dahil kahit anong alis sa isip ko, alam kong ikakasal pa rin si Paulo ngayong hapon.


Siguro nga ngayon ay wala pa rin talagang para sa'kin, I almost gave myself to JR before at pagkatapos naman n'on ay gusto ko ng umasang mayroon sa'ming dalawa ni Paulo.


Bumuntong hininga ako at napatingin sa cellphone ko. May isa akong text message, pero feel kong 8888 lang naman yan. Hinayupak!


Hindi ko ito pinansin bagkus ay nagpatuloy ako sa panonood ng mga batang naglalaro ng volleyball. At nang ilang sandali pa ay nagulat ako ng sunod-sunod na umilaw ang cellphone ko at doon ko nakita na number pala ito ng isang tao at hindi ni 8888.


From: 0905*******

Pumunta ka sa likod ng simbahan kung saan ikakasal si Paulo. This is Ahron Dela Fuente, kapag hindi ka kumilos ngayon, maraming nakatingin sa'yo at kapag walang ginawa within 10 minutes may kakaladkad sa'yo.


Halos umabot ng isang-daang message na puro ayun lang nakalagay. Ahron Dela Fuente? Kuya niya? Siya lagi yung nababalitang nakakahuli ng kung ano-anong sindikato sa TV kaya medyo pamilyar siya sa'kin.


Naisip ko ang text message nito, ano naman ang gagawin ko sa likod ng simbahan kung saan ikakasal si Paulo? Sign ba ito na ipinapamukha sa'kin na wala talang chance?


Hindi ko pinansin ang nasa cellphone ko at pinatay ko ito tsaka nilagay sa bulsa. Pinanood ko ulit ang mga batang naglalaro, paano namang may kakaladkad sa'kin rito?


Nang mag-spike ang bading na kanina ko pa tinitignan ay nagulat na lang ako ng may dalawang lalaking humawak sa braso ko.


"Ten minutes na ang nakakalipas." Sabi nung isang nasa kaliwa ko. May itsura naman silang dalawa pero malalaki ang muscles.

The Superstar (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant