Bitiw

463 14 4
                                    

Bibitiwan na kita.
Hindi dahil wala na akong kailangan sa iyo,
Hindi dahil wala akong utang na loob.
Hindi dahil wala ka nang halaga
Bibitiwan kita dahil ako'y pagod na.

Pagod na akong maging kagaya mo
Pagod na akong magkunwaring masaya ako
Pagod na akong intindihin ka
At lahat ng problema mo na inililihim pa.

Hindi ko na kaya --
Naging katulad ka na rin nila.
Isang robot, gumagalaw at nagsasalita --
Nabubuhay sa batas na itinakda ng iba.

Akala mo ba'y malaya ka?
Mali ka. Maling-mali ka.
Ang totoo ay nakasuot ka ng maskara.
Nakangiti ngunit hindi naman masaya.

Ang mga luha mo ay mga luha ko.
Ang kalungkutan mo ay mga sugat sa puso ko.
Kaya naman dahil dito, ako'y bibitiw
Sa pag-asang magkakaroon ng 'tayo' balang-araw...

Broken Heart (Poem Collection)Where stories live. Discover now