Chapter 38 (August 20, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bye Jhone." Sabi niya sa kaibigan at hinalikan sa pisngi.

Bumulong naman si Jhone habang nagbebeso sa kanya.

"Later Fibboy ha... Will text you... Let's see Philip!!" sabi nito.

Maya-maya pa. Mabilis din silang nakauwi ni Kent. Di niya alam kung nagmamadali lang ito para sa shooting oh nabadtrip ito sa kung ano man ang nakaing masama.

Bahala ka badtrip ka na naman! Makikipagkita talaga ako kay Philip!

Pinagbuksan nga siya ng pintuan ng kotse ni Kent. Pero hindi naman ito tumitingin sa kanya.

"Bye..." sabi niya.

"Bye." Sumagot naman ito pero mabilis na nagdrive papaalis ng village.

Nagtext na rin si Jhone na malapit na ito sa labas. Naghintay lang siya ng konti at lumabas na rin.

"Phoebe saan ka pupunta?" tanong ni manang ng makitang papalabas siya ng gate.

"Ahh manang kina Jhone po... Nandyan na po siya sa labas."

"Ahh. Ingat ka."

Pumayag naman agad ito. Kilala kasi ni manang si Jhone.

Nang makarating siya sa labas ng gate. Mabilis na pinaharurot ni Jhone ang sasakyan nito pabalik ng school.

"Saan ba siya?" tanong ni Jhone ng makitang may iilang kotse din na nakapark sa di kalayuan.

"Nakuu wala na yata si Philip... Ay hindi ayun, yung nandoon sa may blue na Subaru na kotse!"

"Wow ang ganda ng car!!! Tara na..."

Maingat na nagpark si Jhone malapit sa kotse nito.

"Bakla ka! Eh bakit ang cute naman pala ni Philip akala ko matanda na." sabi ni Jhone bago sila bumaba.

"Shhh talandi ka talaga!"

Nang makababa sila. Biglan ngumiti si Philip. Pero nagulat din yata ito kay Jhone.

"Ahh. Akala ko di ka na dadating eh." Sabi nito.

"Kaibigan ko nga pala. Sinama ko, okay lang ba?"

Tinignan muna ni Philip si Jhone.

"Sige sige... Akala ko nga si Kent kasama mo eh. Pasok tayo sa kotse, baka may makakita pa sayo eh. Ma-issue ka na naman."

Nang makapasok na silang tatlo sa kotse. Nagsalita na agad si Philip.

"Marami akong sasabihin... pero gusto ko munang magsorry sayo Phoebe... ako kasi yung kumuha ng litrato niyo ni Harley Villaluz"

"WHAT?!" sabay na sabi ni Jhone at Phoebe.

"I'm really really sorry."

"My God! Ikaw naman pala ang may pakana. Jhone! What are we doing here? Tara na umalis na tay—"

Lalabas na sila ng kotse nito.

"SI ELISA ANG NAGPLANO NUN?! MANIWALA KA INUTUSAN NIYA LANG AKO NA SUNDAN SI HARLEY VILLALUZ AT KUNAN ITO NG PICTURE. SI ELSIA ROMUALDEZ DIN ANG MAY PAKANA NG PAGKALAT SA PRESS, PATI NA RIN ANG NANGYARI SA AIRPORT!" sigaw ni Philip na pumigil sa kanila sa paglabas.

"Ano?! At bakit niya naman gagawin yun? At bakit mo siya sinunod?" naupo ulit si Phoebe

"I like her very much. Model ko siya lagi kapag may mga small photography projects kami. Akala ko I've got her attention too."

"Nagustuhan mo yun?" sabi ni Jhone

"Pero I found out na she's just using me. And she likes both Kent Fuenabella and Harley Villaluz. Kaya nga naiinis din ako sa dalawang yun. Ano bang nagustuhan ni Elisa sa kanila?" pagpapatuloy ni Philip

"Ay ay teka! Hwag mo namang idamay yung dalawa! Ang sabihin mo saksakan pala ng kalandian yang Elisa na yan. Dapat yata sarili mo ang tinatanong mo, kung bakit nagustuhan mo siya!!! Sayang cute ka pa naman!!" tuloy-tuloy na sabi ni Jhone habang dinuduro-duro si Philip.

"Napakasama niya! I won't forgive her!" sabi ni Phoebe.

"Kaya mag-iingat ka Phoebe. Marami siyang galamay. Malaki ang clout niya. Hindi lang sa press kundi sa iba't ibang sectors ng lipunan. Magaling siya."

"Anong gagawin ko?"

"Magiingat ka sa mga galaw mo Phoebe. I've heard nilinis na ni Harley ang pangalan mo kanina. Pero hindi titigil si Elisa."

***

Hinatid na ni Jhone si Phoebe pauwi. Marami-rami rin ang napagkwentuhan nila ni Philip.

"Will you tell Kent about this?" tanong ni Jhone

"Tska na... Baka magalit pa sa akin yun at hindi ko sinunod ang utos niyang wag makipagkita dun kay Philip. Tsss. Si Sungit."

"Nakakaasar yan. Tapos magkasama pa sila ngayon sa shooting nuh?" palala ni Jhone.

"Sige na byebye na! Thank you. Wag mo na ako asarin"

Naglakad na siya ulit papasok ng village.

***

Mainit ang ulo ni direk kaya mabilis at maayos nilang nagagawa ang bawat take. Maraming araw ang nasayang noong wala si Kent kaya minamadali nila ang bawat eksena.

Pagod na pagod si Kent. Naupo siya sa isang swivel chair at ipinikit ang mata. Nagulat na lang siya ng magsalita si Elisa.

"I know who's behind all of this..." sabi nito.

Di siya kumibo. Pagod siya at kung anu-ano na naman ang sinasabi ni Elisa.

"There's an amateur photographer... na gusting sumikat na kumuha ng pictures nila Phoebe at Harley... he's name is Philip Castro"

Philip?? Philip...... Nagkataon lang ba?

Napadilat siya.

"HUH?! Anong sinasabi mo?!"

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon