KABANATA VIII

250 15 2
                                    

"Bro, makakapunta ka pa ba? Aalis na kasi yung magtatahi, eh."

Yan yung text na nareceive ko galing kay Jack na nagpabalik sa ulirat ko. Kanina pa kasi ako nakatitig sa binigay na invitation ng secretary ko.

Dahil dun ay napatingin ako agad sa wrist watch ko. Sh*t! Isang oras na pala akong late sa usapan namin. Ibig sabihin  isang oras na rin akong tulala. Ugh, Nakakahiya kay Jack.

"Im on my way, bro, traffic lang." Pagsisinungaling ko sa text sa kaibigan ko. Pagkatapos nun ay kinuha ko kaagad yung susi sa coat ko saka ako dumeretso sa parking lot kung nasaan yung sasakyan ko.

Napabuntong hininga pa ako nung makita kong maluwag ang daan. Haays! Buti nalang talaga ay hindi traffic ang kalsada, kundi baka di na ako makaabot sa fashion botique kung nasaan sila Jack ngayon.

In just 15 minutes ay narating ko kaagad yung botique, luckily, hindi pa umaalis yung designer.  Abot tenga naman si Jack nung makita niya ako. Todo kantyaw pa sya sa akin nung mag-usap kami.

"Akala ko hindi ka na darating." Sabi ni jack sa akin. Ngumisi ako.

"Pasensya na talaga, bro, traffic, eh." Sagot ko saka siya tumawa.

"Haha, ano pa bang magagawa ko." Sabi niya.

"Pasensa na talaga, ako pa talaga yung hinintay nyo." Sagot ko naman.

"Hindi lang ikaw, actually." Sagot ni Jack. Napakunot naman ako ng noo.

"Ha? Sino pa? Si Brenda?" Tanong ko uli.

"Hindi, tapos na si Brenda kanina."

"So, sino bro?"

"Si Christina" sagot niya na biglang nagpatigil sa mundo ko. S*it! Maari kaming magkita ni Christina ngayon!

"Oh, ayan na pala siya, eh. Sakto." Sabay turo ni Jack sa likod ko. Halos maestatwa ako ng mga oras na iyon.

Biglang pang kumabog yung dibdib ko nang marinig kong may papalapit sa amin na tunog ng takong ng sapatos ng babae.

Sh*t!

"Sorry, Im late, Jack." Sabi ng pamilyar na boses.

Sh*t! Sh*t! Sh*t! Yung boses na iyon! Yun yung boses na ilang taon ko ring hindi narinig. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw dahil atlast, sa parehong hangin na kami humihinga ng taong mahal ko.

Hindi ako makapaniwala na nasa likod ko lang siya. Hindi ako makapaniwala na ilang dangkala lang yung agwat namin sa isa't isa. Gusto ko siyang hagkan!

Halos mataranta ako nung mga oras a 'yon. Hindi ko  alam kung anong gagawin ko. Lilingon ba ako? O mananatili na lang akong ganito?

Napatigil ako nang biglang magsalita si Jack.

"Okay lang , Chris. Atleast, umabot ka... What I mean kayo. Have a seat." Sabi ni Jack na nagpakunot sa noo ko. Sh*t! So, may kasama siya? S..sino? Y..yung fiance ba niya?

"Grey.. Christina's here, hindi mo lang ba siya kakamutahin?" Tanong ni Jack sa akin na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko. Para akong nakasakay sa roller coaster ride. Everything's not fine.

"Ah.."

"Christina's here, bro." Pag-uulit niya. I nodded saka unti-unting lumingon sa likod ko. And bang!

Isang gorgeous woman ang bumalandra sa akin. Halata rin ang pagkagulat sa mukha niya pero she still managed to smile at me na para bang wala siyang tense na nararamdaman. Ugh! I really hate this feeling.

"H.Hi, Christina.. it's been a long time, h..how a..are you?" Nauutal kong sabi. Ngumiti naman siya sa akin. Ugh. Yung ngiting yun, yun yung ngiting namiss ko.

"Everything's fine, how about you?" Tanong niya.

"E..Everything's fine too" Sagot ko naman.

"Guys, tatawagin ko lang yung designer ha?" Pagsingit ni Jack. Napatango kami pareho.

Ilang minuto ring nagkaroon ng awkward silence sa pagitan namin. Ugh.

Maya-maya pa ay nagsalita uli siya

" I heard ikakasal na raw kayo ni Brenda? Congratulations." Bigla akong napabaling ng tingin sa kanya, gusto ko sanang itama yung maling akala niya kaso bigla uli siyang nagsalita." By the way, Im with my fiance today." Pakilala niya dun sa lalaking katabi niya. Biglang kumirot yung puso ko.

"Alexis pare." Pakilala nung lalaking saka ito naglahad ng kamay sa akin, kinamayan ko naman siya.

"Grey pare.. A..anyways, congrats sa inyong dalawa. Y..you look good together." Sabi ko. Napabaling ako ng tingin kay Christina. She's now smiling na para bang okay lang lahat sa kanya.

Ang sakit lang. Hindi yun yung reaksyon na gusto kong makita sa kanya. Mas gusto ko pang umiyak siya sa harap ko ngayon para sisihin ako sa mga ginawa ko noon kaysa ganito. Ang sakit lang isipin na na nakamove on na nga talaga siya.

Nakakalungkot lang dahil ako, hindi pa. At hindi ko alam kung makakamove-on pa ako. Parang hindi ko yat kaya.

Ugh!

Oo, mahal ko pa ang nag-iisang Christina Lucas ng buhay ko na ngayon ay ikakasal na sa ibang tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GIRLFRIEND KO SI SISA ( UP FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon