KABANATA I

502 18 0
                                    

"Congrats, Bro, ikakasal ka na atlast!" Bati ko kay Jack nung magkita kita kami sa coffee shop. It's been years simula nung makasama ko tong taong 'to. Nakakamiss rin, lalo na ngayon na may kanya-kanya na kaming buhay.

Siya bilang isang supervisor ng isang marketing firm at ako naman bilang Head ng accounting firm. Magka-iba kami ng kumpanya kaya naman hindi na kami madalas magkita kagaya ng dati.

"Salamat, bro. Wag kang mawawala ha?" Sabi nito sabay tapik tapik sa braso ko.

"Oo naman." I answered.

"Ikaw, kelan ka naman magpapakasal?" Sabi ng isang pamilyar na boses sa likod namin. Napalingon kami agad ni Jack sa taong iyon. Nagningning agad yung mata ko ng makita ko si Brenda. College friend namin siya ni Jack. May kasamang foreigner na lalaki. I think it's her fiance.

"Oh, Brendss! Kamusta !" Bati namin. Para tuloy kaming nagrereunion ng college friends ko. Sobrang nakakamiss.

"Okay lang. Well okay na okay kasi Im getting married next year." Sabi niya saka niya itinaas yung wedding ring sa palasingsingan niya. "By the way, guys, this is my fiance, Richard." Pakilala niya sa lalaking kasama niya. Kumaway yung lalaki sa amin.

Kinamayan naman namin iyon then we sat again. Nag-order na sila ng another set o coffee.

"Usapang kasal na pala, 'to. Out muna ako diyan." I said while laughing.

"Haays!Kelan ka ba kasi magpapakasal, ha?" Tanong ni Jack na nakapirmi ang kamay sa kapeng iniinom.

"Oo nga, kelan ba? Who's the lucky girl?" Sabat ni Brenda.

"Hahahaha magpapaka-single blessedness ako mga guys." Tumawa na lang ako. Kaso di sila natawa.

"Seryoso? Until now wala ka pang gf?"

"Oo nga, bro, akala ko may pinalit ka nasa baliw mong ex-girlfriend." Sabi ni Jack. Tinignan ni Brenda si Jack ng masama.

"Sorry, my bad." Pambawi ni Jack.

"Teka nga, bakit nga ba wala ka paring pinapalit ka Christina? Don't tell me di ka pa nakamove sa kanya?" Tanong ni Brenda. Ngumiti ako saka humigop ng kape sa harap ko. Mali sila, may pinalit ako kay Christina pero hindi nila nakilala iyon. Kasi hindi rin naman kami nagtagal.

"Committing to a relationship is not easy as it seems, akala natin sobrang dali lang. Ayokong maglaro. I want my next Girlfriend to be my last." Sabi ko kaso nagkatinginan lang yung dalawa sa harap ko. Ayaw nila maniwala sa words of wisdom ko.

"Sus, sabihin mo, mahal mo pa rin si Chritina." Hasik ni Jack. Umiling ako.

"Hindi na 'no. Nakamove-on na ako." Sabi ko.

"Ah, so, okay lang pala na magkita kayo sa kasal ko? I invited her, actually." Sabi ni Jack. Bigla akong kinabahan. I faked my smile saka tumango while saying "oo naman, bakit hindi."

"Balita ko, may-ari na siya ng isang restaurant ngayon." Jack said. Napatango naman ako. Ngayon lang ako nakarinig ng balita sa kanya, after kasi naming magbreak at gurmaduate ng college ay hindi na kami nakapag-usap.

"Good for her." Sabi ko. Nagkatinginan sila Jack at Brenda sa akin.

"May Boyfriend na rin kaya si Christina?" Sabat ni Brenda. Napatitig ako sa kanya.

"Maybe.. Mukha naman siyang masaya nung nakasalubong ko siya one time." Sabi ni Jack. Nakikinig na lang ako sa usapan nil ngayong dalawa.

"Oh, nakamove-on na pala siya, eh, ikaw Grey, kelan?" Tanong ni Brenda sa akin.

"Oo nga, mag-girlfriend ka na rin bro." Si Jack.

"Ayoko muna." I said.

Hindi naman sa di pa ako nakamove-on sa relasyon ni Christina. Sadyang ayaw ko lang kasi munang makipaglaro.

Kasi naniniwala ako na dapat kung makikipagrelasyon ka, dapat mature ka na.
Yung relasyon kasi namin dati, parang laro lang.

Yes, we love each other so much pero kulang kami sa pasensya. Yun yung kulang ko. Gusto ko munang ma-gain yung pasensyang yun bago ako ulit papasok sa isang relasyon.

Yung tipong matatag na ako at hind basta-basta sumusuko kung ano mang problema ang dumating sa amin ng magiging karelasyon ko.

Ganyan kasi yung wala sa akin noon nung kami pa ni Christina Lucas. Wala akong mahabang pasensya.

At dahil dun, nasaktan ko siya. Sumuko kasi ako agad sa pag-iintindi sa kanya. At ayoko na munang ulitin 'yon sa ibang babae. Ayoko muna..

Kasi kung babalikan ko kung paano ako sumuko sa kanya, maling-mali talaga ako.

"Teka, bro, paano nga pala kayo nag-break?" Napatigil ako sa pagda-drama ng biglang magtanong sa akin si Jack. Napabaling ako ng tingin sa kanya.

"Ha?" Sabi ko.

"Paano nga uli kayo nag-break ni Christina?" Napatigil ako sa tanong niya.

Muli akong nagbalik tanaw ng mga nangyari noon. And okay. The story goes this way.

GIRLFRIEND KO SI SISA ( UP FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon