KABANATA V

261 12 1
                                    

Flashback Continues..

"Bro, okay ka lang?" tanong sa akin ni Jack sabay tapik sa kanang balikat ko. Napabaling ako ng tingin sa kanya saka bumuntong hininga.

Kanina pa ako tulala, actually.

"Break na kami ni Christina, pare." Sabi ko saka ko kinwento yung buong nangyari kanina.

"Di na ako nagulat, pre. Nakinita ko na mangyayari sa inyo 'to, 'di ko lang inexpect na sobrang aga." Sabi niya napakunot ako ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Napabuntong hininga pa ito saka umupo sa tabi ko. Nasa bench kami ngayon ni Jack kung saan pinangyarihan yung away namin Christina kanina. Hindi talaga ako umalis kasi umaasa akong babalik siya, kaso hindi.

"Wag mong masamain, bro, ah? Pero hindi kasi healthy yung relasyon nyo. Lalo na sa part ng Gf mo. 'Di siya normal, bro." Sabi niya.

"Pero kahit ganun siya, mahal ko pa rin siya." Sabi ko. Napailing naman si Jack sa akin.

"Sinasabi ko sayo, bro. Darating ang araw na mas magpapasalamat ka na nag-break kayo ng GF mo ng mas maaga." Sabi niya. Napatingin ako sa kawalan.

Napaisip naman ako ng malalim. Marahil tama si Jack. Siguro tama na rin na nagbreak kami ni Christina. Hindi na rin kasi maganda na puro away na lang kami, eh. Masyado na siyang sumosobra.

"Ang gawin mo ngayon, kalimutan mo muna siya. Magfocus ka muna sa foundation day." Sabi niya. Tumango naman ako.

Alam kong hindi magiging madali pero sana kayanin ko. I should be strong enough to deal with this kind of stuff.

Nang matapos kaming mag-usap ni Jack ay dumeretso kami sa office. Nadatnan namin si Brenda dun habang pakanta-kanta pa. Nagtaka ako bigla kasi mukha naman siyang okay. Parang di siya nakipag-away, hindi kagaya nung sinabi ni Christina kanina.

"Oh, anyare sa mata mo, Grey? Umiyak ka?" Panimula nito. Yumuko ako. Do I still need to tell her? Ugh! Paano ako magsosorry  sa ginawa ni Christina sa kanya?

"Break na sila ng GF niya." Sagot ni Jack na kinagulat ni Brenda.

"Ha? Anyare? Bakit?" Narinig kong tanong ni Brenda. Wala ba siyang alam na siya yung pinagawayan namin?

"'Di ba dapat ikaw nakakaalam nito? Sabi ng Girlfriend niya ay este ng ex niya nakipagsabunutan raw siya sayo." Sagot ni Jack. Nakikinig lang ako sa usapan nila.

"Ha? Nakipagsabunutan? Ako? Makipagsasabunutan sa Girlfriend niya? Di ko pa nga na-meet ng personal yun,eh,  sabunutan pa kaya?" Sabi niya. Napalingon ako sa kanya.

"Bro, nababaliw na talaga yung ex-girlfriend mo, galing gumagawa ng kwento, 'di naman pala sila nagsabunutan ni Brenda, eh." Sabi ni Jack sa akin saka sila nagtawanang dalawa. Bumaling ako sa kanila ng tingin saka nagsalita.

"Hindi baliw si Christina." Sabi ko. Bigla silang napatahimik. Pagkatapos nun ay lumabas ako ng office saka ko hinanap si Christina.

Gusto kong malaman kung bakit siya gumawa ng kwento. Gusto kong ipa-intindi niya sa akin lahat.

Alam kong may dahilan siya, at yun ang kailangan kong alamin sa ngayon.

Nang makarating ako sa room nila ay hindi ko siya nakita. Tinanong ko pa sa kaibigan niyang si Emilyo kung nasaan si Christina kaso hindi niya raw ito nakita mula kanina. Sinubukan ko na siyang tawagan kanin kaso nakapatay yung phone niya.

Aalis na sana ako ng bigla kong maisip na baka may alam siya sa naging plano ni Christina kanina. At hindi nga ako nagkamali. May alam nga siya.

"Nag-usap kami kaninang umaga. Kwento niya nag-away raw kayo last saturday kaya sbrang nag-self pity siya. Akala niya pinagpapalit mo na siya kay Brenda. Kaya gumawa siya ng plano. Sabi niya magpapanggap siyang nakipag-away kay Brenda.." Sagot nito.

"Ha? Bakit? Bakit siya nagpanggap?"

"Ang sabi niya, gusto niyang malaman yung reaksyon mo. Sabi niya kapag nagalit ka, ibig sabihin mas mahal mo si Brenda. Pero kapag naging concern ka sa kanya, ibig sabihin nun mas mahal mo siya." Pagpapaliwanag nito. Napasabunot ako sa buhok ko. Ugh! I made the wrong reaction.

"Bat naman niya naisip yun?" Balisa kong tanong sa kanya.

"Ewan ko ba sa kanya, pinigilan ko na siya actually pero hindi siya nakinig sa akin. Alam mo naman yun, medyo may pagkaparanoid. Ayaw niya kasing matulad sa mama niya, eh." Sabi ng kaibigan niya na nagpakunot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihin? Ayaw niyang matulad sa mama niya? B..bakit?" Tanong ko.

"Hindi ba niya nakwento sa'yo 'yun? Akala ko ba alam mo?" Sabi niya. Umiling ako.

Sa apat na taon na pagsasama namin ni Christina, hindi siya nagkwento sa magulang niya. Kilala ko yung mama niya at kilala rin ako ng mama niya pero hindi niya nabanggit yung tungkol sa sinabi ni Emilyo. And I admit na kasalanan ko 'yun dahil ako yung boyfriend pero wala man lang akong time para alamin yung tungkol sa pamilya niya.

"Takot mag-boyfriend yan sa Christina kasi ayaw niyang matulad sa mama niya na iniwan ng tatay niya dahil sa ibang babae. Sa totoo lang, noong nanliligaw ka sa kanya nung first year tayo, palagi niyang sinasabi na hindi ka niya sasagutin, pero nagulat nalang ako nung kayo na pala." Sabi niya. Napangisi ako. Naalaal ko tuloy nung pahirapan ko siyang niligawan nun.

"Kaya ba masyado siyang napaparanoid sa akin?" Tanong ko.

"Unfortunately, oo. Nakakaawa nga siya kasi parang disorder na yun, hindi na yun basta-basta. Kasi may mga kilala naman akong babae, pero hindi sila kagaya ni Christina. Kung by leveling ang usapan, siguro nasa top 1 si Christina ng pagiging over acting pagdating sa dyowa." Sabi niya. Tumango ako. Ngayon, medyo naiintindihan ko na lahat.

She's probably sufferring from emotional trauma na dala ng pang-iwan sa kanya ng lalaking pinagkakatiwalaan niya. And Im too stupid kasi para ko na rin siyang iniwan kagaya ng ginawa ng tatay niya sa kanila.

Ugh!

I need to fix this.

I need to fix our relationship.

Gusto kong ibalik yung tiwala niya sa mga lalake sa pamamagitan ng pagmamahal ko.

But how could I even do that kung sumuko na ako sa kanya?

End of Flashback..

GIRLFRIEND KO SI SISA ( UP FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon