KABANATA II

434 21 0
                                    

It all started sa isang text na galing sa kanya na naging embarassing moment ng college life ko.

"Mr. Grey Sebastian!!! "

Tinginan sa akin lahat ng klasmeyt ko nang unti-unti akong tumingin sa Prof. Kong nanlalaki na ang mata sa akin. Naku patay! Nakita niya akong nag-cecellphone.

"s..sorry, sir." Nahihiya kong sagot.

"Give me your Cellphone! "

"Sir?" Bigla akong namula ng sobra.

"Give me your cellphone or get out?"

Hindi na ako nakaimik pa, agad akong tumayo at binigay ko nalang yung cellphone ko sa professor ko. Ugh. Please, not this time.

"Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na I do not allow my students to use cellphone in my class!"

"S..sorry Sir, emergency lang po kasi." Nanginginig kong sagot habang nakayuko.

"I know na ikaw ang nangunguna sa klaseng ito, pero hindi ibig sabihin niyan na pwede ka ng magcellphone sa klase ko."

"Sorry talaga sir. Emergency lang po talaga." I answered.

"Okay, tignan nga natin kung talagang emergency ito ,kung hindi lang .."

Sana wag basahin ni Sir. Kundi patay ako..

Ka-text ko kasi yung Girlfriend ko. At may pinag-uusapan kaming maselan na bagay. Not that "nabuntis" ko siya stuff. It's the other way around.

Maya-maya pa ay napapikit ako ng sinimulang basahin ni sir yung text sa akin ng Girlfriend ko sa loob ng klase.

"Grey,babe Bilhan mo ko ng Napkin, please, andito ako ngayon sa Cr ng girls, sa C building."

Yun lang naman ang laman ng text na binasa ni sir with feelings na dahilan para magtawanan yung mga kaklase ko. Ugh!

"Oh ! Grey daw! Bilhan mo daw si Girlfriend ng Napkin at umaagos na ang red blood cells nya." Tukso ni sir sakin tapos tawanan ulit sila.

Nagvibrate uli yung cellphone ko hudyat na may nagtext.

Nakuuu!!

"Oh, may pahabol pa!, eto oh, Babe, with wings pala hah?." Tawang tawa si Sir habang binabasa nya.Grabe! Invasion of privacy!

Nakakahiya!

Hindi ko na alam gagawin ko, todo yuko nalang ako sa sobrang kahihiyan.

Kung pwede sana lamunin na ako ng lupa, ginawa ko na!

Bat naman kasi of all people, ako yung tinext ni Christina ? Pwede naman yung bestfriend nyang si Emilyo.

Maya-maya pa lumapit sa akin yung prof namin tapos iniabot yung cellphone ko. Sabay sabing..

"Oh, ano grey? Tutunganga ka na lang ba dyan? Hindi mo ba irerescue yung Gf mo? Puntahan mo na!. " sabi ni sir.

Yan yung isa sa most embarassing na pangyayari na naganap kani-kanina lang.

Imagine? Saklap 'di ba?

Ngayon andito na ako malapit sa Cr ng grls, habang nakasukbit yung  napkin sa bulsa ko na inutos ng girlfriend ko.

Nang biglang..

"Sabi ko na,eh, dadating ka." Saka nya ako niyakap..

"O, akala ko ba may ano ka?" Tanong ko bigla naman siyang tumawa.

"Okay, sorry it's not true, alam ko kasi na hindi ka pupunta kapag sinabi kong gusto lang kitang makasama."

"Bat mo ginawa yun?." Seryosong tono ng boses ko.

"Ha? Bakit? Big deal ba para sayo yun? Ayaw mo ba akong makasama?"

"Alam mo ba na napahiya ako sa ginawa mo, binasa ni Sir yung text mo kasi nahuli nya akong nagte-text."

"So, ako pa talaga ang may kasalanan? Okay fine!" Akmang aalis na sya ng pigilan ko sya.

"Okay ,sorry nadala lang ako." Sabi ko.

"Hindi! Umalis ka na lang." Sabi nito. Tss! World war 2 na naman 'to.

"Ano bang problema mo, ha? " sabi ko. Napalingon siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"Ikaw ang problema ko!" Sabi niya.

"Paano naging ako? Okay lang naman tayo kanina 'di ba?"

"Kanina yun, hindi na ngayon." Sabi niya saka naglakad palayo. Wala akong nagawa kund habulin siya.

"Babe naman, eh. Sorry na." Sabi ko. Tss. Kagaya ng palaging nangyayari, ako na naman yung nanunuyo sa kanya kahit alam kong siya yung may kasalanan.

"Sorry mo mukha mo." Sagot niya habang naglalakad ng matulin.

"Pag di ka tumigil, aalis ako." Sabi ko saka siya tumigil.

"Kainis ka kasi, eh!" Sabi niya. Hinampas pa niya ako sa braso.

"Sorry." Panimula ko.

"Sorry din, namiss lang kasi kita e, hindi na kasi kita nakakasama simula nung naging officer ka ng Student's club na yan!" Napaismid siya.

"Heto na naman tayo, eh, akala ko ba okay na sayo na naging officer ako? " sagot ko.

"Okay naman sana sa akin, eh, pero hindi na kasi tayo nakakalabas." Sagot nito.

"Sorry, busy lang kasi talaga. Promise, babawi ako sayo." Sabi ko. Nagbago na naamn sya ng facial reaction. From nagtatampo to pabebe mode.

"Okay!  simulan mo mamaya, sabay ba tayo mag-lulunch ah?"  Sabi niya. Napailing ako.

"Hindi ako pwede, eh, marami pa kasi kaming tinatapos nila Brenda at jack sa club. Ahm, sa Saturday okay ka ba?"

"Ahh, ganun ba? Sige. Okay,madali lang naman ako kausap e, (*ngumiti sya sabay sabing)...

...Dyan ka na lang ha?, si Brenda na lang babe mo!." Nakakalokong sagot nya.

"Halla, yan ka na naman Babe, eh, ilang beses ko bang sasabihin sayo na ikaw lang ang mahal ko, si brenda kasamahan ko lang yun, nothing to worry, okay?"

"Che! Ano pa bang magagawa ko?" sabay irap ng mata niya.

Hanep no?

Ganyan siya,

Ganyan si Cristina Themothea Chrisha Lucas, pero dahil sa haba ng pangalan nya "Sisa" nalang ang tawag ko sa kanya.

Alam nyo kung saan galing?

Wala lang.

Naisip ko lang, para kasi syang baliw e. Palagi niya kasi akong hinahanapan ng mali ko. Para siyang naghahanap ng Crispin at Basilyo.

Pero kahit ganun yun mahal na mahal ko pa rin siya. Wag lang sana siyang sumobra. Dahil ayokong dumating yung point na mag-break kami nang dahil sa pagiging sisa niya.

GIRLFRIEND KO SI SISA ( UP FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon