Ano daw? kahit maghubad?

Talaga? kahit mas Sexy siya sa akin? tanong ko. He smiled.

Hoy lalaki, anong ngini ngiti mo dyan? Para tong timang.

Ang cute mo magselos Babe.. ayan na naman siya sa babe niya.

Sinong me sabi sayong nagseselos ak? ang kapal ng panget na to.

Yong puso ko kasi ang nagsabi, sabay hawak niya sa kamay ko at nilagay sa chest niya.

Ramdam mo ba? tanong niya., kyaaaahhhhh, bat ang lakas ng tibok ng puso niya parang yong akin lang.

Dahil sayo yan, kaya ganyan kalakas ang tibok niyan. I love you Megan. Hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit sino pa dyan, kahit kay Liza Soberano pa.

Hala siya dinamay pa si Liza. Pero ang saya ko, mahal na din ako ng lalaking to.

I Love you too Nathan..nabigla din ako ba't ko nasabi yon?

Ano ulit Meg? tanong niya, nagliwanag ang mukha niya. Ayyysssst bingi to.

Wala, ewan ko sayo. sagot ko. Hala ba't ang init ng mukha ko?

You just said' you love me too, di'ba tama yong dinig ko? Yong mga mata niya parang ang saya saya na. wala na yong lungkot.

Babe, i love you' please' say it again. sabi niya pa. Sheeeeeeeeeettttttt kinikilig ako.

I love you too, isa pang ulit' Nathan, babawiin ko nalang. sabi ko.

YES! YES! MAHAL NIYA DIN AKO! sigaw niya.

SHHHHHHHHH Ano ka ba' ang ingay niya kasi. Tapos bigla nalang niya ako niyakap.

I love you Baby ko, Salamat. Im so happy Meg. sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Masaya talaga siya at maging ako.

No, thank you Nathan. Thank you for making me feel so love. Im happy too. Tapos we kissed, parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya.

Pero paano ang parents mo Meg? Gusto mo ba kausapin ko sila?

No' Nathan, ilang buwan nalang din naman ga graduate na tayo. Please' satin nalang muna to.

Ok baby, I understand. He held me close and hugged me. He also kissed my forehead. Ngayon mas naiintindihan ko na si Bessy, I was in the same situation like her, ang itago muna sa mundo ang relationship nila.

I know mali ang magsinungaling sa parents ko but hindi ko na din mababawi ang sagot ko kay Nathan. Yon kasi yong nararamdaman ko, matagal na actually. Pumasok na kami ng klase ng parehong naka ngiti, we decided to keep our relationship a secret hanggang sa makagraduate kami.

Totoo ba Nathan?, salubong sa amin ni Kaye..

Ang ano Kaye? si Nathan. Kinabahan ako, may nakakita ba sa amin kanina? para wala namang ibang tao dun ah.

Na kayo na ni Stacey?

What!?? halos sabay naming tanong ni Nathan.

Saan mo naman nasagap' ang walang katuturang balita na yan Kaye? galit na si Nathan.

Kanino pa' e di don kay Stacey, may hawak siyang picture, naghahalikan pa nga kayo. oh my God, kanina lang yon, tapos may picture na agad?

Makakatikim talaga sa akin ang babae na yon. kinabahan ako sa sinabi ni Nathan, alam kong galit siya, sinundan namin siya ni Kaye palabas ng room.Haissst bakit kasi wala pa si Ms. Santos.

May pinapakita si Stacey sa mga nakapalibot sa kanya, ang bilis niya para mapa print agad ang mga picture na yon. Desperada na talaga ang babaeng to.

ANONG PINAGKAKALAT MONG KASINUNGALINGAN STACEY? pasigaw na tanong ni Nathan sa kanya. Nabigla eto pero agad na ngumiti.

Than' Baby, buti andito ka. Pinapakita ko lang sa kanila yong picture natin. Oh diba ang sweet.

Baliw kaba Stacey? Alam mo ang totoo, itigil mo na yang kabaliwan mo kung ayaw mong mapahiya. namumula na si Nathan sa galit.

Bakit Nathan?, hinalikan mo naman talaga ako ah. sabay pakita sa picture.

Hinablot ni Nathan ang picture at pinunit. Kailanman Stacey, hindi ako nagpahiwatig na gusto kita. May ibang nagmamay ari ng puso ko. Hinawakan ko ang sleeve ng polo shirt niya at hinila baka may masabi tong iba. Pero pinisil niya lang ang kamay ko, para siguro mapanatag ako.

May mahal na ako Stacey at walang sino man na makakahigit sa kanya kaya itigil mo na to. at tumalikod na si Nathan. Napangiti ako.

Hihihi, ikaw yon Meg for sure. bulong ni Kaye sa akin.

SSshhh, tumahimik ka nga, saway ko sa kanya, buti nalang at dumating na si Ms. Santos. Nagsipasukan na kami, pero hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ni Stacey, para itong nagbabanta. Busy ako sa pakikinig sa discussion ni Ms. santos ng magvibrate ang cp ko. Pasimple kong tinignan at binasa ang text na galing kay Nathan.

Baby, punta tayo sa park after school. Luv u po. napangiti nalang ako. Dina ako nagreply. Malapit nadin naman ang uwian.

Nathan's POV

Ako na yata ang pinakamasayang tao ngayong araw na to, sinagot na ako ni Megan. Mahal niya nadin ako. Natakot ako kanina ng makita niya kami ni Stacey. Pero dapat ko yata ipagpasalamat ang nangyari na yon.

Naging blessings pa kasi. Nandito kami ngayon sa park. First date namin to as a couple, at busy siyang kumakain ng cotton candy. Naging pink pa tuloy ang lips niya, nakaka gigil lang.

Baby say ah!... sabi niya at sinubo sakin ang cotton candy.

Bakit ba gustong gusto mo niyan? ang tamis tamis naman. Para siyang bata.

Masarap kaya, alam mo bang paborito namin to ni Bessy, kapag malungkot ako, lagi niya akong binibili nito. Tapos may lumapit na bata sa amin.

Ate pahingi naman. sabi niya kay Megan. Nag eenjoy pa naman to sa kinakain niya.

Kinuha ko ang wallet ko at bibigyan ko sana ng pera yong bata, pero kinuha ni Megan ang pera. Hala ang damot ng babaeng to. Pero tumayo siya at bumili ng dalawang burger kay manong sa gilid tapos binigay niya sa bata. Tinanggap naman ng bata at nagpasalamat saka umalis.

Sabi ni Bessy, dapat kung magbibigay sa kanila, pagkain nalang, kasi ang iba sa kanila, pinaglilimos ng sindikato para pagkakitaan o di kaya baka ibili lang nila ng di dapat.

Kaya mas mabuti ang pagkain para mabusog pa sila' sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain ng cotton candy. Kaya pala' maya't maya sinusubuan niya din ako ng cooton candy.

Ayan pink nadin ang lips mo, pareho tayo. siya.

Ginawa akong babae. Tapos sabay naming pinanuod ang paglubog na araw. Nakahilig lang siya sa balikat ko. Hawak hawak ko ang kamay niya.

Promise me Baby, walang tayong secrets, magiging honest tayo sa isa't isa. Bigla kong naalala si Kuya James, pero hindi pa sila totally okay. Bahala na.

Promise Baby. Basta promised mo din na lagi mo muna akong pakikingan bago ka magalit o magreact kung anu man ang mangyari ha baby.

Sige' promised. sagot niya. Sana talaga hindi kami magka problema kapag nalaman niyang magkapatid kami ni Kuya. Kailangan ko nadin kausapin si Kuya.

Broken Promise (Completed)Where stories live. Discover now