The Superstar: 7

Mulai dari awal
                                    

"Oo! At dahil diyan sa putang inang sex video na 'yan, malayo ng maging kami!" Lumabas na ang mga luha ko, tangina lang kasi! Alam kong hindi ako 'yan.


Biglang padabog na tumayo si Kuya Howard sa upuan niya at akmang susuntukin ako, ito kasi ang unang beses na sinagot ko siya. Handa akong tanggapin ang suntok na ibibigay nito pero napigilan ito ni Kuya Ahron.


Umiiling si Kuya Ethan sa mga nangyayari, "We just want to remind you, Paulo, na hindi palaging nasa iyo ang chance para maitama ang lahat." Tumayo ito at tinapik ang kamay ni Kuya Ahron at ibinaba nila ang mga kamay nila.


"We're brothers! Dapat nagkakaisa tayo, hindi naman pagkakamali ni Paulo ang video na 'yan! Hindi niyo kasi iniintinding wala nga siyang matandaan." Angal ni Kuya Ethan at nagbago ang itsura ni Kuya Howard at Ahron.


"What are we going to do?" Hopeless kong tanong sa kanila.


"Seryoso ka ba d'un sa bakla?" Tanong ni Kuya Ethan, naisip ko si Jade, alam kong masama na ang tingin nito sa'kin.


"Oo, seryoso ako. Akala ko noong una kontento na ako sa pangi-stalk lang pero nagulat ako at siya pala ang kasama ko sa isla, and when I've known him better naisip ko na hindi naman masama na mahalin siya kahit bakla siya." Litanya ko at napahinga ng malalim si Kuya Howard.


"What the fuck are you saying? E 'di bakla ka na rin?" Sunod-sunod na ratsada nito.


"Wala akong pakiaalam kung ganun ang tingin sa'kin ng tao o kahit ikaw pa Kuya, someday you'll realize that love is worth risking for."


Hindi na sila nakasagot at narinig kong may tumatawag sa cellphone ni Kuya Ahron. Lumapit naman sa'kin si Kuya Howard.


"You better be ready, Paulo. Medyo mahirap 'to, dalawang araw ka nang hindi lumabas at dalawang araw na ring nagpapa-interview si Czarina." Payo nito tsaka ako tinapik sa braso.


"Gago 'yun! Gagawin talaga ang lahat para lalong sumikat!" Gatong pa ni Kuya Ethan na ikinailing ko.


Nang matapos ang pakikipagusap ni Kuya Ahron sa cellphone nito ay agad itong lumapit sa amin. "Nakarating na daw d'un sa agency namin ang video and under investigation na rin kung edited ba 'yun o hindi. Dahil kasi sinabi mong wala kang natatandaan."


Bumalik na sa pagkakaupo si Kuya Howard at si Kuya Ethan naman e may katext sa cellphone nito.


"Paano ba kayo nagkita ni Czarina?" Tanong ni Kuya Ethan habang tutok pa rin ito sa cellphone niya.


"Sa bar, uminom lang naman ako dahil hindi natanggap ang demo CD namin. Siya ang nag-approach sa'kin." Kwento ko habang pinipilit ng utak kong alalahanin ang lahat pero wala talaga, ang natatandaan ko lang ay nung nagsayaw kami.


"Ayun lang, maraming milagro sa bar. Tsk tsk." Napahinga na lang ako ng malalim, ang laki mo talagang gago, Paulo.

The Superstar (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang