Chapter 3 - Official Ng Barkada

364 5 2
                                    

Nathan's POV

Nagising ako sa tilaok ng manok.

Haay. Dito lang sa Pilipinas meron neto.

Ilang araw na ako dito pero araw-araw parin akong namamangha.

Parang walang manok sa US eh o baka hindi ko lang naririnig kasi tanghali na ako nagigising.

Tinignan ko si Mama. Tulog pa s'ya.

Mula bata ako, dito na ako natutulog sa tabi ni Mama.

Nung buhay pa si Harold, este si Papa, galit na galit 'yun sakin eh. Hahaha!

Kasi natutulog ako sa gitna nila ni Mama.

Hindi s'ya makascore eh! Hahaha! Eh bakit ba kung gusto ko sa tabi ng Mama ko?

Kaya siguro hindi na ako nasundan. Ako 'yung bunso. Gusto ko pa naman sana ng kapatid na mas bata sakin.

Kaya gustong gusto ko sa mga bata eh. Nakaka-aliw kasi sila.

Pumunta muna ako sa CR, naghilamos at nagbihis.

Bago ako bumaba tinext ko na muna si Hon.

Pagbaba ko, naglilinis na 'yung kasambahay namin.

"Good morning Ate!" masigla kong sabi sa kanya.

"Good morning Nathan! Aga mo namang magising."

"Jetlag siguro Ate. Hehe." sumilip ako sa labas. "Ate, labas muna ako ha." sabi ko ng palabas na ng pinto.

"Oh! Hintayin mo pinsan mo!"

"Hindi na Ate! Kaya ko na 'to. Hindi naman na ako bata 'no! Ikaw naman Ate! Hehe!" sinabi ko habang nakasilip sa bintana. Hahaha! Alangan naman bumalik pa ako diba.

Ganito na talaga ang gawi ng mga taga-rito. Lumalabas rin sila pag umaga.

May naglalakad-lakad katulad ko. Meron ding nagjojogging, nagbibike, naglalakad kasama mga aso nila... at meron nading mga nagsasampay na.

"Good morning Nathan!" sabi nung kapitbahay naming medyo may edad na.

"Good morning rin po!" ngumiti din ako.

Ang aaga nila nagigising dito sa Pinas.

Umikot ako sa may swimming pool.

"Goooooood mooorniing Papaa Naathaaan!" malamyos na sabi nung dalawang babaeng magkasabay.

"Good morning." nginitian ko rin.

Dumiretso ako sa gazebo at umupo muna. Linasap ko muna ang simoy ng hangin. 

Kinapa ko 'yung bulsa ko.

Sakto! Meron pa akong singkwenta dito.

Bili na kaya ako ng pandesal para hindi na isturbo sa pinsan ko mamaya.

Tinext ko na agad pinsan ko para humaba naman ang tulog n'ya.

'Yung pinsan ko na 'yun, s'ya lang kasama ni Mama dito sa Quezon City.

Kung hindi lang kasi ako pinipilit ng mga ate kong mag-aral sa US eh,

ako na lang sana ang sumasama kay Mama. Mas pipiliin ko parin talaga dito.

...

"Good morning Kuya!" sabi ko dun sa security guard ng subdivision nung pabalik na ako ng bahay.

I Was Her, She Was MeWhere stories live. Discover now