Chapter 36 (August 18, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Gusto ko lang linisin ang pangalan... ni Phoebe Isabelle Bernal." Madiin na sabi ni Harley.

***

Anong kasalanan ang pinagsasasabi niya?!?! Naisip ni Phoebe.

"What is he saying Kent?!" tanong ni Phoebe kay Kent.

Pero si Kent ay nakatingin lang ng seryoso sa tv. Parang hindi naman ito nabigla sa mga pangyayari. Napapailing lang ito.

Tinawagan niya muna ako bago ang pressconference? What is he thinking? You dumb Harley, hindi ko sinabing ipagtanggol mo ako!

***

"Pwede mo bang iexplain ang mga sinasabi mo Harley Villaluz?"

"Wala siyang kasalanan. Di totoo ang lahat ng ibinibintang sa kanya.  Sinusubukan ko lang siyang agawin kay Kent Fuentabella. Yes, we shared a kiss. Pero I provoked that. At hanggang halik lang yun. Nothing more... Ang mga ibang rumors, wala na yung kototohanan."

"Bakit mo siya gusting agawin kay Kent Fuentabella?"

"Just like in this industry... we have the same timeslot, same projects, nagkataon din na we also love the same girl..."

"So sinasabi mong totoong may relasyon si Kent Fuentabella at si Miss Bernal?"

Nagisip si Harley. Hindi niya pa rin alam kung anong makakabuti o makakasama kay Phoebe pagdating sa relasyon nila ni Kent.

"Itanong mo na lang sa kanila" safe na sagot niya sa reporter.

"Mapapatunayan mo bang hindi hooker si Phoebe Bernal?"

"Stop that hooker issue! Ako ang may kasalanan sa mga nangyari. Wala siyang ginagawang masama!" napasigaw na si Harley.

"Tama na Harley." Awat ng manager niyang si Sam.

"Anong masasabi mo sa ibinintang sa kanyang sex scandal?"

"Tigilan niyo na ang maduduming isip niyo! She's the most amazing girl I've ever met."

Nagbulung-bulungan ulit ang mga reporter.

"Bakit mo siya sinundo sa airport kung wala kayong relasyon?"

"It just happened na I'm there."

"Nasaan si Kent Fuentabella ng mga panahong iyon? Bakit ikaw ang sumundo?"

"Hindi ko siya sinundo. Just like I've said it just happened na nandoon ako, at nakita ko siyang dinudumog niyo!"

"That's it for now thank you for coming.." awat na ng manager niya. "Let's go Harley."

Lumakad na rin si Harley paalis sa mga ito.

"Harley! Anong message mo para sa fans?"

"Mr Harley, di ka ba natatakot na masira ang career mo?"

"Saan kayo nagkakilala ni Phoebe?"

Humabol pa ng mga tanong ang mga reporters pero umalis na si Harley.

***

"What did just happened? Bakit siya nagsisinungaling?" sigaw ni Phoebe kay Kent

Umiling-iling lang si Kent.

"Tara na Phoebe, we are late for school." Sabi na lang ni Kent at hinawakan ang kamay ni Phoebe at hinila sa kotse.

"Gosh how can you ignore this??" sabi ni Phoebe nang nasa loob na ulit sila ng kotse.

"Phoebe... I love you... I want the best for you..."

"Nasasabi mo yan?? Pero si Harley... he said... he said he loves me... ginawa niya yun?"

"I don't know Phoebe. Let's just go to school first. You....you can talk to him..."

"Papayagan mo akong makipagusap sa kanya?"

"I trust you... at mahal kita. I don't know he can actually do that. I thought he's the worst for trying to take you away from me, pero... hindi ko alam na gagawin niya yun. Makikipagusap ka lang ha... mahal mo naman ako?? "

"Mahal kita Kent!! Pero hindi ko alam ang gagawin ko... Nagiguilty ako."

Hinawakan na lang ni Kent ang isang kamay ni Phoebe hanggang makarating sila sa school.

Madaming press ang nahakarang. Hindi nila alam kung nakarating na din kasi si Harley sa school. Hindi na makapasok ang sasakyan nila kaya nagpark na lang si Kent sa malayu-layo.

"Just hold my hand... okay?"

"Makakapasok ba tayo?" nagaalangan si Phoebe.

"Let them see, who you are to me..." lumapit si Kent sa upuan ni Phoebe at hinalikan ito sa noo.

Bumaba na sila sa may kalayuan ng may humarang na isang lalaki.

Nagulat si Kent.

"Phoebe..." sabi nung lalaki.

"What do you need?" na-alarma si Kent.

"I'm Philip..."

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon