"Kuya... Kuya! Papicture at pa-autograph." isang babaeng naka uniform pa ng isang unibersidad at may hawak ng libro na aking ginawa ang lumapit. Nagulat ako dahil sino ba naman ang mag-aakala na may fan pala ako dito. Fan lang pero di fans.

"Okay." Tumabi ako sa kanya at kinuha nya yung phone nya at pinikturan nya kaming dalawa gamit ang front camera ng phone nya. At kinuha nya ang ballpen na nasa bulsa ng kanyang palda at binigay nya sa akin iyon at agad akong pumirma.

Minsan talaga ang mga kabataan ngayon mahilig sa technology pero di parin nakakalimutang gumawa ng mga bagay na di makukuha sa kahit anumang teknolohiya.

"Salamat po!" naka-ngiti nyang pag-alis.

Kung sana ganyan lang ang mga tao ngayon naka-ngiti. Hindi naka-simangot na parang sinakluban na ng langit at lupa.

At sa wakas tama na ang pag-hihintay! Ang inorder ko nandito na. Inilapag ito ng waiter sa table ko.

"Here's your order sir."
"Salamat. Tip mo" pag-bigay ko rin ng tip sa lalagyanan na hawak nya.
"Naku sir wag na po."
"Okay lang yan. Sige. Sige balik ka na sa trabaho mo."
"Salamat po."

Ang mga tao talaga ay sadyang masipag kaya lang minsan di napapagbigyan ng pagkakataon. Pagkakataong patunayan ito.

Kaagad ko kinuha ang paper bag na naglalaman ng pagkaing inorder ko at umalis. At mabilis na nag-lakad papunta sa bahay namin at binuksan ko ang pinto at agad pumasok at agad nilock ito.

"Mommy. Daddy. Nandito na po ako." pag-alis ko ng sapatos ay dumeretsyo ako sa glass dining table namin at nilapag ko doon ang aking mga pinamili.

"Mom? Dad?" Walang sumagot kanina pati ba ulit ngayon?

Lumakad ako patungo sa kwarto nila at kumatok.

"Mom? Dad?" Wala paring sumasagot. Tahimik. Balot ng katahimikan. Kinabahan na ako ng kaunti.

Binuksan ko ang pinto. Walang tao. Walang tao sa silid. At tila may malamig na hanginang dumampi sa aking makinis at maputla-putlang balat na exposed. Siguro marahil ay umalis lamang sila ng sandali. Wala akong dapat ipag-alala. Sure na ko doon. Sila pa ba kaya? Eh bagay na bagay nga sila maging team mates. Syempre kilala na nila ang isa't-isa. Mag-asawa kaya sila. Kaagad kong sinarado ang pinto ng silid nila. At umalis para makapag-handa na ako ng pagkain nila pag-dating nila mamaya.

At bumalik ako sa kwarto at umupo sa chair na nasa study table ko. Susyal ako may study table pang nalalaman. Sasaglit muna ako sa pagbabasa ng librong aking nabili kanina. Eclipse daw. Ano yun? May murder bang mangyayari sa panahon ng eclipse? Mukha syang bloody. Has. Ang saya!!!!

Binuklat ko ito at nakita ang book three pala ito. Gosh dapat tinanong ko muna sa tindera kung may series ba ito. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader! Ano ba naman ito oh! Nagagalit ako sa sarili ko!!!!! Dapat nabasa ko na yung unapara kilala ko na yung characters. Kaya agad kong sinara at binaba yung libro. Kung sana nasa isip ko lang ang ginagawa ko kanina. Parang wala kasi ako sa sarili noon. Dapat ibenta ko nalang itosa online. Para kumita ako mabawi ko yung pera ko. Dagdag tubo. Ang hirap kaya kumita ng pera ngayon. Kahit anong sipag no binabalewala ka ng iba.

Mahirap umasa ng increase sa sweldo.

*Toot toot

Nag vivibrate ang cellphone kong Iphone6. Pero de keypad. Never pa Kong nag-ka IPhone. Delikado nga yung mga salamin sa akin eh.

Unbreakable (Under Plot revision)Where stories live. Discover now