Final Chapter

12.7K 196 10
                                    

CHAPTER ELEVEN

"ANONG GINAGAWA mo rito Rei?" saad ni Aya sa lalaking pumasok ng pinto

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan, Aya?" wika naman ni Rei

Madilim ang mukha ng binata nang humarap ito sa kanya. At kahit anong gwapo pa nito sa suot na white tuxedo ay nakaramdam pa rin siya ng kaba sa presensiya nito.

"What's this all about, Aya? This is not a part of the plan!" wika naman ni Yuuna na may halong takot rin ang boses

"What plan? About you, being Aya's substitute on her wedding? Do you think I wouldn't know about this?" saad ni Rei na bakas pa rin sa mukha ang galit na nararamdaman

Nanlaki ang mga mata ni Aya sa narinig. Hindi na niya masigurado ang nangyayari. Alam niyang hindi maaaring malaman ni Rei ang tungkol doon dahil sa pagitan lamang niya at ni Yuuna ang ginawang plano. Hindi kaya si Yuuna ang nagsabi sa nobyo? Kaya lang ay malabo rin dahil ng mga panahon na iyon ay nakikita niya ang takot sa mata ni Yuuna at galit naman ni Rei.

"Ano ba talaga ang ginagawa mo rito Rei? At paano mo nalaman ang tungkol sa plano?"

Sa pagtatanong niyang iyon ay sinalubong naman ng binata ang tingin niya. Siya na rin ang nakaramdam ng takot sa naging pagbaling nito sa kanya.

"Hindi ako ganoon kabobo, Aya. I have my sources too, pero ang tanong, bakit mo gagawin sa'kin 'to? Bakit mo nagawang isipin na ibigay ako sa babaeng iyan?" wika ni Rei na tinuro si Yuuna

"Now, you're talking at my back. Will you—"

"Shut up Yuuna! I'm not talking to you! Let me first deal with this girl and then I'll deal with you" wika ni Rei na may kataasan ang boses

Nagulat siya sa sinabi nito. Maski si Yuuna ay napaatras sa naging tono ng pananalita ng binata.

"Ano, Aya? Sabihin mo sa'kin hanggang huli ba balak mo pa rin akong takasan?"

Puno ng hinanakit ang boses ni Rei nang kausap siya. Gusto niyang maawa dito pero ano bang ginawa niyang masama? Hindi ba't ibibigay lamang niya ang kagustuhan talaga nito. Kung may dapat mang masaktan, siya iyon at hindi si Rei.

"Hanggang ngayon ba maglolokohan pa rin tayo, Rei? Hindi ba dapat nga maging masaya ka sa ginawa ko? I'm giving you freedom to be with the girl you truly love. Hindi mo kailangang pakasalan ako para lang sa ikagaganda ng kompanya" wika naman ni Aya

Naiiyak at nanghihina na ang tuhod niya pero tinitibayan niya ang kanyang loob. Sino pa ba ang magtatanggol sa sarili niya kung hindi siya lang?

"Ano bang pinagsasabi mo? Saan mo nakuha ang mga bagay na iyan? At sinong nagsabi sa'yo na mahal ko si Yuuna? I did have feelings for her before pero matagal nang nawala iyon nang mahalin kita. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yong mahal kita? Ilang beses, Aya, para lang maniwala ka?" nagsusumamo na ang boses ni Rei sa pagkakataong iyon pero hindi siya susuko, ngayon pa ba siya magpapaloko ulit kung kailan alam na niya lahat?

"You really want to know kung bakit ko ginawa ito? You still want me to believe in your lies? Naman Rei! Hanggang kailan? Hanggang kailan mo ko dapat pahirapan ng ganito? Si Yuuna na mismo ang nagsabi sa'kin na until now may relasyon kayong dalawa" puno na rin ng galit ang nararamdaman niya. Lumabas ang tapang niya lalo sa sarili ng maalala ang mga bagay na ginawa niya dito pero ito lamang ang ipinalit sa kanya

"And you believe her without asking me first?" mahina na ang boses ni Rei nang lumapit ito sa kanya at mariing hawakan ang braso niya

"I didn't. Pero nung time na pumunta ako sa opisina mo. I was planning to ask you but I saw you kissing her. Ano pa bang magagawa ko? I only accepted the fact na hindi ako ang mahal mo. Now, please let me go" humina rin ang boses ni Aya

I Do or I DieWhere stories live. Discover now