Chapter Nine

8.6K 121 2
                                    

CHAPTER NINE

"ORE TO kekkon shite kudasai"

Noong una ay medyo naging slow si Aya at hindi pa naintindihan ang meaning ng binasa pero sa huli ay narealize din niya ang ibig sabihin ng mga letrang ito. Napatingin siya kay Rei na nang mga panahon na iyon ay nakaluhod na sa harap niya. Habang sa harap din niya ay dahan-dahan nitong binubuksan ang maliit na box na naglalaman ng isang bagay na hindi niya akalaing makikita bago pa ang mismong araw ng kasal.

"Ni minsan hindi ko pormal na tinanong sa'yo kung pwede mo ba akong pakasalan dahil na rin sa isang arrangement ang lahat nang ito pero ngayon, ayoko nang iasa sa business deal na ginawa ng pamilya natin ang magiging pagsasama natin. I love you Aya Siren Shiwa! At kung sa walong taon ay nagawa kong mahalin ka ng walang kapalit, mas magagawa kong ipangako sa'yo ngayon na kahit tumaba o pumayat, pumangit o mas gumanda ka man ay hinding-hindi ako titingin sa ibang babae. I love you so much because you are you at bonus nalang sa'kin ang itsura mo, now I wanted to formally ask you. Ore to kekkon shite kudasai, Please marry me, Aya?"

Natuptop niya ang kamay sa kanyang bibig. Tumutulo na rin ang luha niya. Sa labas ay patuloy pa rin ang fireworks pero higit pa sa kasiyahan na nararamdaman niya kanina ang nararamdaman niya ngayon. She never expec to get a proposal from him at sobrang saya niya sa ginawa nito para sa kanya.

"It'll be my pleasure" sagot naman na inilahad ang kamay, sinuot naman sa kanya ni Rei ang singsing na simbolo nang nakatakda nilang pagsasama

Mahigpit din ang naging pagyakap sa kanya ni Rei. Ramdam din niya ang saya na natatamasa nito. Pinunasan nito ang luha ng dumadaloy pa rin sa mga mata niya at muli ay binigyan siya niyo ng halik na tunay na nakakapagpaikot ng mundo niya.

Kung pwede lamang patigilin ang oras ay hihilingin na niya talagang mangyari iyon. Hindi man siya nakatanggap ng isang candlelit dinner or other quotable proposal lines ay ayos lang. What Rei did for her was the best in her heart and mind.

"HERE, have some coffee first" iniabot ni Rei kay Aya ang binili nitong kape bago pa man sila sumakay muli sa eroplano. Patungo na silang Japan at sa loob ng dalawang linggong natitira ay aasikasuhin nila ng personal ang kanilang kasal.

Maayos naman nila parehong naiwanan ang kanilang mga trabaho. Hindi man alam ng mga tauhan ni Aya na sa muli nilang pagkikita ay isa na siyang tunay na asawa ni Rei ay ayos lang sa kanya. Excited na rin naman siyang makita ang mga reaksiyon nito pag-uwi niya dahil siguradong ibabalita at ibabalita rin naman sa Pilipinas ang mangyayaring kasal nila.

"Ano ba yang pinagkaka-abalahan mo?" tanong muli ni Rei kay Aya dahil kanina pa siya sa pagbabasa ng mga magazine

It was all about planning a family and how to be a good and responsible wife. Nakakahiya mang aminin ay nagre-ready na rin talaga siya. Well, gaya ng ginawa ng mga magulang nila sa kanila, she was planning to raise her future child in the same way. With little by little training sa pamamahala dahil na rin ang magiging anak nila ni Rei ay hahawak ng dalawang kompanya. She also wanted her child to be free para matupad rin naman nito ang sariling mga pangarap.

"Secret" sagot naman niya dito

"Asawa mo ko pero nagagawa mo pa ring magsekreto" pagpapaawa nanaman nito na ikinangiti nanaman niya

"Magiging asawa palang, Mr. Kawari, as of now, you are talking to a Shiwa" sagot naman niya na ikinalungkot ng mukha nito

"Ouch naman" pagdadrama pa ni Rei

Tinawanan nalang ulit niya ito, sanay na siya sa ganung pag-iinarte ng mapapang-asawa. Ito kasi ang ginagawa nitong paraan para mapansin niya ito. Isa pa, hindi rin naman nagtatagal ang pagmamaktol nito dahil maya-maya lang ay balik na ito sa normal na parang walang nangyari.

I Do or I DieWhere stories live. Discover now