Chapter Three

12.6K 207 5
                                    

CHAPTER THREE

HINDI NA nagawa pa ni Aya na kumain ng dinner dahil wala talaga siyang gana. Nang magsawa naman siya kakapanood sa Theater Room ay lumipat siya sa kwarto at binuksan ang laptop niya. Inopen niya ang account niya sa messenger at magandang balita naman dahil online ang tatlo niyang bestfriend. Finally at may mahihingahan din siya sa lahat ng bigat na pinagdadaanan niya.

"How's life in Japan, Aya?" tanong ni Abby na siyang pinakatahimik sa kanilang tatlo

"What would you say if I ask you na sunduin niyo na ko dito so that I could go home there?" malungkot naman na sagot niya

"Basta libre sa pamasahe, go ako kahit sa Europe pa" sagot naman ni Katie na pinakakwela sa grupo

"Why bestfriend? May problema ka ba?" si Shirley naman, ang mabilis makaramdam

"A huge problem mga katoto" sagot naman niya

"And that is?" si Abby

"I'm getting married"

"WWWHHHAAATTT???!!!" tinanggal niya bigla ang headphone na nakalagay sa tenga niya sa sobrang pagkabingi at pagkabigla

"Huwag naman kayong magsabay-sabay, nakakabingi kaya"

"Eh kasi naman Aya, break it to us gently" sagot ni Katie na unang nakabawi sa pagkabigla

"Kailan naman daw?" si Shirley

"3 months from now" seryosong sagot niya

"That is at the end of the year. Hindi naman nagmamadali parents mo niyan?"si Abby

"But then who's the lucky guy?" tanong naman ni Katie na ikina-curious ng lahat

"A family friend"

Alam ni Aya na kapag daretsahan niyang sinabing si Rei iyon ay siguradong mabibingi nanaman siya.After all, ang tatlo niyang bestfriend na ito ang tumulong sa kanyang iwasan si Rei sa loob ng mahabang panahon.

"How old is he? Baka naman matanda na" si Abby

"Same age, twenty-five"

"Wow, fresh and young pa. Yummy naman ba?" si Katie naman

"Ibahin nalang natin ang term but he's handsome plus he's rich"

"My goodness Aya! Problema pa ba sa'yo yan?" tanong naman ni Shirley

"Syempre naman ano" pagtatanggol niya, palibhasa hindi pa alam ng mga ito kung sino talaga ang pakakasalan niya

"Eh alam ba ni Rei yan? Isn't it time to meet him Aya, as in as a friend nalang? Past is past after all" pagsushestisyon naman ni Shirley

Alam ng mga ito kung gaano siya naghirap kay Rei and lahat ng mga ito nag-agree na i-meet muna niya ito bago siya magpakasal. Really, ang ironic talaga ang buhay niya.

"Nagmeet na kami, alam na naman niya"

"Oh really? How? Nasa Japan din pala siya" si Katie

"Yup, we met earlier. Kasama niya ang dad niya and I have my dad with me. It is an arranged marriage. Si Rei ang pakakasalan ko"

Hindi niya nakuha ang reaksiyon na inaasahan niya rito. Ang totoo, wala pa nga talaga itong mga reaksiyon at ang masama pa ay ng isa-isang naglalog-out ang tatlong bestfriend niya starting from Katie to Abby.

"Ano naman kayang problema ng tatlong ito? Ni wala man lang sabi-sabi tapos mawawala nalang bigla" tanong niya habang kinocontact sa iba pang site na may pareho-pareho silang account. Hindi niya mahanap sa online list ang Charlie's Angels niya ngunit ilang minuto pa ang lumipas, padagdag ng padagdag ang mga laman ng personal email niya. Coming from her batch mates and friends in college at high school, pare-parehas lang ito ng mga sinasabi. "Congratulations Aya!", "I know you'll be married with Rei, Congratulations!", "Love really conquers all"

I Do or I DieWhere stories live. Discover now