Chapter Seven

8.2K 124 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"MA'AM, nasa Earth pa po ba kayo? Ma'am...Ma'am Aya!" untag kay Aya ng isa sa mga crew niya sa restaurant. Nakatulala nanaman kasi siya at nakatingin sa kalawan.

"O anong meron?" tanong ni Aya rito

"Pinapatanong po ni Chef Ricky kung gusto niyo daw po bang matikman na yung bagong recipe na balak nilang idadagdag sa menu"

"Sige, sabihin mo pupunta nalang ako sa kitchen mamaya" sagot naman niya rito

"Ma'am, napapansin ko po ay hindi lang pala ako, napapansin po namin ng mga kasamahan ko dito na halos dalawang linggo na po kayong nagkakaganyan ah"

Sa totoo lang ay nata-touch siya kapag ganito ang mga tauhan niya. Lagi kasi itong nag-aalala para sa kanya. Kaya nga naman imbis na magalit ay pinasasalamatan pa niya ang mga ito.

"Pasensiya na kayo hah, may iniisip lang kasi ako. Salamat sa concern niyo, pakisabi na rin sa kanila" nginitian niya ito

"Naku Ma'am kung ang dahilan ng pagkakaganyan niyo ay si Fafabol-Hotness-Yummy-Juicy-Delicious Fiancee niyo ay gumawa na po kayo ng paraan. Minsan sa buhay kailangan din pong kumilos ng mga babae alang-alang sa pag-ibig" tipong ala Gabriela Silang pa ang itsura nito habang pinapayuhan siya, natawa naman siya dito

"Alam mo Chezka, sa susunod na subukan mong gumawa ng tsismis tungkol sa'kin, sisisantehin na talaga kita. Kung ano-ano kasi iyang pinagsasabi mo, sige na nga at lumabas ka na. Sabihin mo kay Chef na pupunta na kong kitchen" tatawang-tawa naman niyang wika sa makerengkeng niyang crew.

Tinawanan rin lang nito ang pananakot niyang sisisentahin niya ito, sanay na kasi ang mga tauhan niya na pag siya ang naha-hot seat ay tinatakot niya ang mga ito.

Bumalik ang tuon niya sa iniisip niya kanina, simula kasi nang araw na umiyak siya kay Rei ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Ilang araw na rin niyang ginagawa na nagmamadaling tingnan ang phone everytime na tumutunog ito sa pagbabakasakaling baka si Rei ang tumatawag o nagtext sa kanya. Naiinis siyang isipin na namimiss nga niya ang binata.

Ibinalik na lamang niya ang tuon sa mga papeles na kanina pa niya hawak pero hindi niya maintindihan ang nakasulat. Nang dahil sa pesteng pagsinta niya kay Rei ay naaapektuhan pati ang trabaho niya.

Nang hindi na talaga kinakaya ng utak niya ang mga nakasulat sa papeles ng kanyang restaurant ay minabuti nalang niyang pumunta sa kusina. Marami nang nakahilerang putahe roon ng dumating siya, starting from appetizer to dessert.

"Hi Ma'am Aya!" bati sa kanya ng mga Chef na nasa loob ng kitchen

"Ang dami naman palang bagong recipe" natuwa siya sa mga nakahilerang pagkain na nasa harapan niya

Tinikman niya ang tatlong appetizers na nakahilera. Pare-parehas itong mga nasa category ng Hot Appetizers at ni isa sa mga ito ay wala siyang maisukat kabigin kaya naman ng matapos ay inaprubahan niya ang paglalagay nito sa menu. Kahit napaka-elegante ng pagkaka-ayos ay super affordable naman ang price ng mga ito.

Sumunod ay ang mga Fish dishes naman na ginawa ng kanilang Poisonier o Fish Chef na si Chef Jeff. Sa lahi niyang Japanese ay nakuha niya ang karakter ng mga ito na mahilig sa isda. Unang tikim pa lang niya ay sobrang nasasarapan na siya. Na-attract pa siya sa isang luto doon, fillet fish siya na nakakorteng puso, nilagyan ito ng bell pepper sa ibabaw at tsaka binuhusan ng isang special sauce.

"Chef Jeff, anong name nitong heart-shape fillet?" tanong ni Aya na patuloy ang pagsuri sa dish na iyon

"Aya's Infinite Love" wika nito na nakangisi sa kanya

"Aba! Aba! Magandang bola iyan Chef Jeff hah" tinawanan niya ang joke nito

"Hindi Ma'am, totoo po iyon. Sa inyo po naming napag-isipang ipangalan yan tutal naman po ay ang lahat ng ginawang luto diyan ay imbento ko" pagmamalaki pa nito, natuwa siya at sa kanya ipinangalan ito sa kanya

I Do or I DieWhere stories live. Discover now