Sus, itapon kita riyan, e!

Nginisihan ko ang bulaklak habang nagluluto. 

Pagkatapos kumain at naligo ay dumiretso na akong bistro. Katanghaliang tapat pa naman kaya wala pang tao. Dinaanan ko na rin si Mirna sa kaniyang apartment.

"Grabe, ang sarap ng tulog ko kagabi. Wet dreams! Iyong ganun ba?"

Nalukot ang aking mukha. Pinandirihan ko ito ngunit tiwanan lamang niya ako.

Si Ivan at si Japeth ang nadatnan namin sa entrance. Nagyoyosi na itong dalawa dahil wala pa namang customers. Ngumiti naman ako sa dalawa. 

"Hi, boys! Anong ganap?" ngisi ni Mirna sa dalawa. Bumati si Ivan at si Japeth naman ay nahihiya lamang na tumango.

Tumaas ang aking kilay sa pagtingin ni Japeth sa aking kaibigan. Oh?

Sumabay na rin sa amin ang dalawa sa pagpasok. Nang binuksan ko ang pintuan ng kitchen ay napatigil ako sa paglalakad. Tumaas ang presyon sa aking mga pisngi sa inabutan. 

Naroon ang halos lahat ng mga empleyado at si Joel. Natigil ang kanilang mga masasayang pinag-uusapan at si Ram na kanilang pinalilibutan ay nilingon ako. Sa biglaan kong entrada ay natigil ang kanilang kasiyahan. Pumula pa ng todo ang aking pisngi sa hiya.

"Good morning..." puno ng pagkukwestyon ang baritonong boses ni Ram. 

Tinaasan ako nito ng kilay. Pinagtinginan at pinagbulungan pa akong lalo ng aking mga katrabaho. Sana ay kainin na lang ako ng lupa! Chrissy naman! Bibinggo ka na talaga!

"G-Good morning...s-sir..." Napaiwas ako ng tingin. Gusto kong takpan ang aking namumulang pisngi.

"Naku, andito pala kayo, Sir Ram! Good morning din po!" Samantalang sa akin tabi, si Mirna ay mukhang tuwang-tuwa pa sa naabutan.

Tumango lamang si Ram dito. Napayuko ako. Nang hilahin ako ni Mirna ay saka lamang ako natauhan. Napapailing na lamang ako sa sarili.

Ayon sa mga katrabaho ko ay kadarating lamang ni Ram dito kanina. Opisyal nang dineklara ni Joel na business partners na sila ni Ram. Pagmamay-ari na rin ni Ram ang bistro at siya ay aming boss. Ibig sahin noon, boss ko na rin siya. Tama? Napaismid ako sa pala-isipang iyon.

Sobrang sama ng tingin ni Mirna sa halos lahat ng kakilala niyang mahadera rito. Ni hindi man lang kasi nila kami sinabihan sa nangyayari! 

"May tatanggalin po ba sa'min, sir?" Nagtaas ng kamay si Japeth.  

"Wiz! Mga anak ko kayo, ano ba kayo? Anyways, magpakabait kayo ha! " Sa sobrang laki ng ngiti ni Joel ay pati bituka niya ay nakikita ko na.

Tumahimik na lamang ako sa gilid. Mas pinili ko na lamang maging maliit at mag-obserba. Napapailing ako kung kamakailan.

Hindi katulad kahapon na madilim, tumataginting ang sikat ng araw ngayon. Klarong-klaro sa aking mga mata na naririto na nga si Ram. 

Sa umagang ito ay nakasuot ng pormal si Ram. Nakalong sleeves at slacks. Para siyang pupuntang office ngunit walang coat. Ang mahabang sleeves ng kaniyang kulay abong polo ay nakatupi ng hanggang siko. 

Kumindat muli sa akin ang mamahalin niyang Rolex. Bumakat tuloy ang mga muscles nito sa braso at balikat nang gumalaw. Tumango siya sa aming mga staffs na mga nadedeliryo na sa presensiya niya.

Dahil lang naman iyon kasi mukha siyang importante, e. Mula damit hanggang sapatos ay mamahalin. De tatak lahat! Mga mukhang pera ang mga katrabaho ko kaya pinaglalawayan na siya ngayon, akala niya ba! Hindi dahil sa...presko siyang tingnan at...makapangyarihan at...napailing na lamang ako.

The PristineWhere stories live. Discover now