Prologue

1.7K 21 1
                                    

"Mama, punta tayo dun oh.
Please."

Pangungulit ni Armond sa kanyang ina. Nasa Star City silang mag-ina ngayon dahil kaarawan ng bata at bilang pasalubong ay dito siya dinala ng ina.

"Oo na, anak. Maghintay ka lang muna. Bibili muna tayo ticket. Hindi pa nga tayo nakakapasok eh.", nakangiting pagsabi ng ina.

Inip na inip na ang bata sa kahihintay kaya nagmuni-muni muna ito ng tingin. Ang dami nang dumadayo sa lugar. Wala namang okasyon o kaya'y nasakto lang sa araw na ito ang maraming may kaarawan. Mapa-bata, matanda, dagsaan talaga. Kaya masasabing patok na patok ang Star City.

Nilibot ng paningin ni Armond ang paligid. Hanggang sa may nakita siyang isang bata rin na may hawak na laruang sasakyan. Magkatabing pila lang sila ng batang kanyang nakita.

"Uy, bata!", sigaw nito.

Napatingala ang tinawag at bahagyang nanigas sa pwesto ang tumawag. Nabighani ito sa angking kagandahan ng itsura. Bilugan at malambot na pisngi, makinis na kutis, matangos na ilong, mamula-mulang labi, at kaaya-ayang itsura ng mata.

"Ba't mo ko tinawag?", tila pasupladong tawag nito.

"Eh kasi, san mo nabili yan, pogi?", tanong ni Armond.

Namula naman ang bata sa sinabi nito. Nangiti pa nang bahagya. Pero binawi niya ito at kunwaring nagsimangot.

"Eddie kasi pangalan ko tsaka regalo sakin ni Papa to. Hindi ko naman alam kung san niya nabili."

"Anak, tara na. Nakabili nako oh.", singit naman ng ina ni Armond habang papalayo sila kay Eddie.

"Bye bye, poging Eddie.", kaway ni Armond at natuwa pa ang bata nang makita nitong kumaway din si Eddie.

Tuwang tuwa ang mag-ina habang sila'y nagsasaya sa mga palaro sa loob. Ferris Wheel, Snow World atbp. Nagbanyo muna sila at patakbong lumabas na si Armond. Hindi niya alintana ang dumadaan hanggang sa...

"ARAY!!!"

Natumba si Armond at ang kanyang nabunggo.

"Sorry.", paumanhin nito at nakita niyang si Eddie ang nabunggo niya.

"Ano ba yan kasi? Hindi tumitingin eh. Sumbong kita kay Mommy!", sigaw ni Eddie.

"Sorry na nga eh. Grabe ka naman, pogi.", papuri nito na ikinapula ng mukha niya.

"Oh my gosh! Anong nangyari sa iyo, anak?!", tarantang tanong ng ina ni Eddie.

"Binunggo niya ako eh.", turo ni Eddie kay Armond.

"Hindi ko nga sinasadya eh.", kaunti nalang at iiyak na si Armond.

"Oh tama na. Naku, pasensya ka na ah. Makulit lang talaga, anak ko.", paumanhin ng ina ni Armond sa ina ni Eddie.

"Ok lang yun. Ganito na lang. Let me buy you something to eat para naman makapagbati na itong mga anak natin. Tsaka better for us to know each other.", alok ng ina ni Eddie.

"Naku wag na. Nakakahiya."

"I insist."

Pumayag na lamang sila para hindi na humaba ang diskusyon habang ang dalawang bata ay nag-aaway ang mga mata.

***

Masayang nag-uusap ang dalawang ina habang ang kanilang mga anak ay nagtatalo pa rin sa pagtingin.

"Uy sorry na, pogi.", paulit ulit na sambit ni Armond pero hindi pa rin siya kinikibo nito.

"Mommy, ang kulit niya oh! Tinatawag akong pogi.", sumbong ni Eddie.

"Anak, buti nga tinatawag ang ganyan eh."

"Armond, Eddie pangalan nya."

"Pero Ma, pogi naman talaga sya eh."

Tila hindi makapaniwala ang dalawang babae sa narinig. Una nang sumabat ang ina ni Eddie.

"Linda, hindi kaya...", alalang tanong ni Penny, ina ni Eddie na may halong pandidiri ang itsura.

Tila nagulat naman si Linda sa pagtanong ni Penny sa kanya. Kahit ano pa man ang anak niya'y tatanggapin pa rin niya ito pero nag-iba ang halo ng kanyang emosyon sa tono at itsura ng boses ni Penny nang itanong niya ito sa kaniya.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Mahal ko pa rin ang anak ko kahit ano pa man siya.", pasigaw na sabi ni Linda sabay tayo.

"Linda, hindi iyan ang ibig ko--"

"Huwag ka nang magpaliwanag. Kitang kita naman sa itsura mo na diring diri ka. Armond, halika na!", sabay hila kay Armond.

Ang dalawang bata ay litong lito sa kung ano ang nangyayari sa kanilang ina. Nagpaagos na lamang sila sa nangyayari. Sumama na si Armond sa kaniyang ina habang napatayo naman si Penny na may halong takot, kaba at pagkalito ang itsura. Ganoon din ang itsura ni Eddie.

"Bye bye, pogi.", malungkot na kaway ni Armond kay Eddie at sa kanyang huling tingin, kumaway din si Eddie na may patak ng luha sa pisngi.

Mahirap Lang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon