Chapter 35 (August 16, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ewan ko sayo Philip!!! Ang gusto ko sundan mo ulit sila, gawan mo ng masama!"

"Ayoko na Elisa, tama na yung pagpapapunta ko ng press doon sa airport, napakahirap gawin nun Elisa, tama na..."

"Grrr!!! Ewan ko sayo Philip. I'll not talk to you again!!! Ever!!! Hindi naman talaga kita gusto! Dyan ka na nga!! Wala kang kwenta!!!!

Iniwan na ni Elisa si Philip.

***

Ilang minuto lang pagkatapos itext ni Kent ang lugar kung saan sila mag-uusap, natanaw niya na ang pulang kotse.

Bumaba si Harley at lumapit sa kanya.

"Buti walang tao dito?" sabi ni Harley kay Kent.

"Mabuti nahanap mo agad." Sagot naman ni Kent.

"Anong paguusapan natin? May dala ako..."

Binato ni Harley ang isang can ng beer kay Kent.

"Tsss, nagdala ka pa..." pero binuksan naman ito ni Kent at uminom. First time nilang mag-uusap ng maayos ni Harley. At sa gilid pa ng isang warehouse sa likod ng condo ng tatay ni Kent. May kasama pang alak.

"Iinomin ko talaga yan magisa, kaso nagyaya ka mag-usap... Magsasapakan ba tayo?" nagbibiro pa si Harley.

Umupo sila sa isang mahabang bench na bato.

"May mga ilang itatanong lang ako. Oo galit ako sayo. Galit ka rin naman sa akin diba? Pero para kay Phoebe, pwede naman tayong mag-usap ng matino?"

"Oo para kay Isabelle kaya lang naman ako pumunta dito eh." Diretsong sabi ni Harley.

"I'll say this straight, Phoebe thinks something happened between the two of you... that night, with the pictures." Sabi ni Kent sabay inom ng hawak.

"WHAT?!"

"I know walang nangyari... Basta alam kong wala... pero bakit ganun ang iniisip niya? At tska paano kayo napicture-an ng paparazzi? Dinala mo pa siya sa bahay mo?" pinipilit ni Kent kumalma, pero kapag naiisip niya yun, parang gusto niyang sapakin si Harley. Pero hindi niya ito pwedeng gawin ngayon.

"Kent... I love Isabelle."

"You LOVE her?"

"Makinig ka, alam ko asawa mo siya. Kaya may respeto pa rin ako sa kanya. May sakit siya nung gabing yun. Nagpaulan siya at mataas ang lagnat niya. Kaya niya nagawa yung kung ano mang nasa picture. I love her... that's why I didn't take advantage of her weakness. Tinawag ko pa nga ang manager ko para lang mapalitan siya ng damit dahil basang basa siya at inaapoy ng lagnat." Sabi ni Harley

"You seriously love my wife? Geez this so uncomfortable. Hindi ba dahil lang sa akin kaya mo siya gusto?? "

"Siguro nung una, oo. Natuwa ako nung malaman ko ang sikreto mo. Pero dahil sa nakikita ko... na nahihirapan siya sa yo... minahal ko na siya... asawa mo siya oo... nakakatawa"

"I didn't mean to hurt her! Eto ang kinakatakot ko kaya hindi ko siya pinapakilala, etong nangyayari ngayon." Depensa ni Kent

"She doesn't deserve any of this... she's very sweet and serene and..." parang tangang pinupuri ni Harley si Phoebe sa harap ng sarili nitong asawa

"I know I know... Oo alam ko.. Kaya nga kita kinakausap ngayon. I don't know what to do."

"Are you asking for my help?"

"No.. Yes... I don't know... Gusto ko lang maging malinaw sa akin ang lahat. At gusto ko lang malaman kung bakit nananahimik ka pa din hanggang ngayon."

"Honestly, I'm waiting for Isabelle to talk to me... What should I do? Sasabihin ko ba sa press na you are in an arranged marriage? Na it's impossble for Isabelle to do all the things that they are accusing her?"

"Hindi ko alam Harley... kung akala mo hindi ko siya mahal, nagkakamali ka..., kung mahal mo siya sigurado ako mas mahal ko si Phoebe. At mahal niya din ako."

Nakita ni Kent ang sakit sa mga mata ni Harley.

"I know...  Kahit naiinis siya sayo, kung paano ka niya tignan, alam kong mahal ka ni Phoebe... kaya nga siya nakatagal sayo... Pero kung mahal mo siya, eh di sabihin mo na sa lahat na asawa mo siya?" sagot din naman agad ni Harley.

"Hindi pwede... may kontrata ako... alam mo naman yun hindi ba?"

"Hindi ko naman problema yun hindi ba?"

"Hindi lang naman yun, pano ko ipapaliwanag na asawa ko siya kung... kung may mga pictures kayo? Siya lang din ang mapapahamak. Oo sinabi ko sa lahat na girlfriend ko na siya, pero hanggang doon lang, hindi ko na alam ang gagawin. Masyado na siyang apektado sa mga nangyayari. We can't take another step. Papasok na ulit kami sa school bukas."

Hindi na sumagot si Harley. Tuloy tuloy na uminom na lang ito ng beer. Sabay umiling.

"I don't know... I'll do the best that I can... pero this is not for you... this is for Isabelle." Yun na lang ang sabi ni Harley bago bumalik sa kotse.

Naiwan si Kent na magisa. Pero ilang minuto din, bumalik na siya ng bahay. Di muna siya natulog, ininom niya muna ang ilang alak na nakita niya sa cabinet. Di niya kasi alam kung nakatulong ba ang pakikipagusap niya kay Harley.

Bahala na bukas.

***

Kinabukasan, kinakabahan si Phoebe pumasok. First time nilang magsasabay pumasok ni Kent pero hindi niya maitago ang kaba. Babalik na sila ng school after ng mga intriga.

"Kent..." napansin kasi ni Phoebe na parang nakakunot ang noo nito.

"Mmm?"

"Problema?"

"Phoebe madami tayong problema..." sabi ni Kent sa kanya.

"Alam ko yun, pero masama ba pakiramdam mo?"

"Wala, hang-over lang."

"Huh? Bakit? Uminom ka??" nagaalala si Phoebe.  Bihira lang kasi uminom si Kent.

"Wala yun, uminom kami ni Harley... kagabi.." sabi lang ni Kent at lumapit kay Phoebe. Hinapit siya nito sa bewang.

"Uminom kayo? Ni Harley???" nagtataka si Phoebe. Wala sa hinagap niya na magiinuman ang dalawa.

"Wag ka ng magtanong engot... relax ka na lang dyan at papasok na tayo. Wag mo lang silang papansinin. Okay?"

"Okay..." sagot na lang ni Phoebe.

Pumunta na sila sa kotse ni Kent. Di sila mapakaling dalawa.

Kalalabas pa lang nila ng gate ng village ng may mag-ring na lang na cellphone.

Sinagot yun ni Kent.

"Mel? Oh?....

Si Mel? Yung manager? Bakit naman kaya? Naisip ni Phoebe

"Kahapon pa kami dumating... Ngayon na??? Nagpa-press conference siya????? Ngayong umaga? Nagsisimula na ba? Oh Shit!" tuloy-tuloy na sabi ni Kent.

Walang ideya si Phoebe kung anong nangyayari.

Nang patayin ni Kent ang phone, nagU-turn ito bigla pabalik ng bahay.

"Bakit Kent? Ano yun?? Sinong magpapa-pressconference?" tanong ni Phoebe pero hindi siya sinasagot ni Kent. Derederetso ito at mabilis na nagddrive pabalik sa village nila.

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon