24. Confusion

239K 9.2K 2.7K
                                    

24. Confusion


"Sabi ko na nga ba e!" Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko nung nagsitilian na ang dalawang naging dahilan kung ba't ako napaamin. This is such a facepalm moment. Nakakahiya. Why am I such a tatle tale?

"Hindi naman kasi malayong mangyari yun. Almost ideal guy na si Zion. Well, yung pagiging beki lang niya ang mali pero... kahit na! OMG! I am very happy for you," kinikilig na sabi sa akin ni Sab. Ako? Nanatili lang nakatulala. E sa hindi ako makapaniwala e. Sheez, did I really say that aloud?

"So, paano na yan? Kasama ka na sa federasyon namin ni Eunice. Right, Eunice?" Sab asked excitedly.

Ito namang si Eunice hindi maalis sa mukha niya yung malawak na ngiti. "Welcome to the club!"

They were about to hug me whe I stepped back. Iiharang ko pa ang dalawang palad ko sa kanila. "Actually, joke lang yun. Naniwala naman kayo. Osya, may gagawin pa pala ako sa bahay. Gotta go."

Aalis na sana ako nun nang mabilis silang lumipat sa harapan ko nung tumalikod na ako. Geez, paano ba ako makakalusot nito? "You've already said it, so why deny it?" sabi ni Sab.

"True, and what's so wrong about admitting that you like him? Sa amin mo lang namin inamin at hindi sa kanya. Your secret is secured with us," sabi naman ni Eunice.

I really wanted to cry in frustration! Argh! Siguro nga, tama sila. I need to trust them. Macoconsider ko naman silang kaibigan. Sa susunod kasi, mag-ingat ka na, Misty girl!

"Okay, promise yan ha?" mahina at medyo nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman sila bago nagkatinginan sabay baling ulit sa akin. "Promise!" Sabay pa silang nag-taas ng kanang kamay. I sighed in relief.

"At dahil dyan, i-treat mo kami sa cafeteria at ichika mo sa amin kung kailan ya nagsimula. Lezz go!" at sabay nila ako hinila kung saan.

Oo na, may gusto na ako kay Badaf. Ang sarap tuloy sabunutan ng sarili ko. Bakit hindi ko nakontrol?


***


"So, kailan nagsimula yan?"

Yan agad ang pambungad na tanong sa akin ng dalawa the moment when we started eating our snacks. Yung sabi ni Sab na ititreat ko silang dalawa, it turned out na ako pala ang trineat nila ng baked mac, coke in can and fries.

Tinignan ko lang sila at sa palagay ko, nagblush ako. Shems, nakakahiya namang pag-usapan ang tungkol dito. "Yieee, nagbablush siya. Para ka namang high school freshman. Such an innocent cutie!" Eunice said, giggling.

Napainom nalang ako sa coke ko bago ko sinagot ang binatong tanong sa akin. "Hindi ko rin alam. Basta na-realize ko nang gusto ko na pala siya."

"Ano yun? Parang nagising ka nalang isang araw na gusto mo na pala siya?" Eunice asked curiously.

Hindi ako sumagot. I just gave them a shrug before I gulped again on my coke.

"Well, hindi imposible yan. Lagi ba naman kayong magkasama e," sabi ni Sab na nakangiti pa.

Sab's somehow right. Almost 7 days a week na kaming magkasama ni Badaf. Kapag walang pasok, nagpupunta siya sa bahay dahil nga pinapunta raw siya ng Mama niya. Pinanliligaw ba naman siya sa akin e. Eto naman ako, nahulog din sa kanya. Nakakaloka mang isipin pero iyon talaga ang nangyari. Sa paningin ko ngayon, para na siyang isang hearthrob. Huhu! Malala na talaga 'to. Hindi naman ako ganito dati sa mga nagiging crush ko ah?

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now