12. Fall For You

237K 8.8K 1.4K
                                    

12. Fall For You

Nanghihinayang tuloy ako kung ba't 'di ko binawi yung pinahiram kong G-tec kay Mikorin kanina. Wala tuloy akong magamit ngayon. Ang haba pa naman ng lecture!

Siniko ko si Badaf pero hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Focus lang siya sa pagsusulat. "Psst... Pahiram ng ballpen?"

"Wala na akong extra pen," bulong niya pabalik. Nagpanic tuloy ako. Ang haba na nang nasusulat ni Sir. Baka hindi ako makahabol!

Nilibot ko ang paningin sa mga kaklase ko na lahat ay nakayuko at nagsusulat. Sa katunayan, ako lang ang bukod tanging naka-lift ang ulo. Kaya naman nung lumingon si Sir, nagkunwari akong nagsusulat kahit wala naman akong pen. Geez.

"Nakakainis," bulong ko sa sarili. Hihiram sana ako sa mga katabi ko kaso ang awkward naman nun, e 'di nga nila ako pinapansin. Si Eunice naman ay nakapuwesto sa bandang harapan. Kamusta naman yung puwesto kong nasa 3rd row diba? Baka mabulabog ko ang buong classroom kapag hiniraman ko siya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ulit binalingan si Badaf. Nakakadalawang pages na siya. Shemay.

"Wala ka na ba talagang ballpen?"

Umismid lang siya kaya kumunot na yung noo ko. Actually, kanina ko pa napapansin yung mood niya. Para siyang iritable na naiinis.

"Hmp. Edi kung wala, edi wala. Asar."

Kaya naman nung nag-dismiss na si Sir, nagmamadali na rin akong lumabas ng classroom. Lakad-takbo pa ang ginawa kong pagbaba sa hagdanan. Ano bang meron kay Badaf ngayon at ganun nalang ang mood niya? Kung babae lang siya, iisipin kong PMS-ing lang siya kaso we all know naman na lalaki siya, so malamang hindi yun PMS.

"Nakakaasar. Pwede naman kasing 'wag akong pag-ismiran at sagutin nalang ako ng maayos pero... Grr!" Naiiritang bulong ko sa sarili nang tuluyan na akong makalabas ng building.

Papunta na ako nun sa car park nang marinig ko yung boses niyang tinatawag ang pangalan ko. "Misty!"

Aba, asensado. Hindi na 'chararat' ang tawag sa akin? Ignore him, Misty. Lakad lang ng la---

"Ano ba!" May humila kasi sa buhok ko mula sa likod at syempre sino ba namang gagawa nun?

"Ang speedy mo." Medyo hinihingal na sabi niya. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Bahala siya dyan. "Chararat, anong kadramahan na naman ba yan? Nagtatampo ka ba kasi hindi kita pinahiram ng pen?"

Hindi lang yun, shunga!

"Ay, snobby?" Sinabayan niya ako sa paglalakad pero dedma pa rin ako. "Wala nga kasi akong pen. O," sabi niya sabay bigay sa akin backpack niya.

Pinagtaasan ko naman siya ng isang kilay. "Ano'ng gagawin ko dito?" pagtataray ko. Akala niya, siya lang ang may powers para magtaray. Pwes, noooo!

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon