Chapter 34 (August 16, 2011)

1.1M 11.8K 1.3K
                                    

DATE POSTED: August 16, 2011


Chapter 34

Inis na inis si Phoebe sa maraming bagay. Una sa mga walang kwentang reporters, pangalawa sa sarili niya dahil wala siyang magawa at iniwan niya na lang si Kent sa airport, pangatlo dahil sa jetlag at panghuli kay Elisa dahil palagi na lang ito ang dahilan ng pagngingitngit niya sa buhay.

Hindi niya pinansin si Kent. Nilampasan niya ito at dumertso siya kay Elisa.

"You know what! Hindi kita kilala at hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa buhay namin, pero bakit sa tuwing nandyan ka, ang gulo-gulo ng lahat ng bagay?"

"HA! Kent what is she talking about? Hahaha" tumingin pa ito kay Kent

Lumapit pa si Phoebe kay Elisa dahil inis na inis na talaga siya. Sasabunutan niya na talaga ito.

"No Phoebe, stop... halika na" Inawat siya ni Kent.

"Bitiwan mo ako Kent!"

"Look how pathetic you are! Warfreak!" sabi ni Elisa at bumalik na ito sa kotse.

"Tara na sa loob Phoebe." Sabi ni Kent.

"Bakit kasama mo na naman yung babaeng yun?!!" sabi ni Phoebe kay Kent.

"Hey listen! Ikaw nga ang tatanungin ko kung bakit kasama mo 'tong lalaking to" turo ni Kent kay Harley.

"Don't shout at her Kent!" sabi naman ni Harley

"He saved me! Ikaw nasaan ka? Nakipagmeet-up ka pa kay Elisa ha!"

"HAH! Ang anong pinagsasabi mo?! Eh ikaw---"

Pero naglakad na para pumasok ng gate ng village si Phoebe.

"Thank you ha! Harley sa pagSAVE sa akin sa maraming reporters kanina!" talagang ipinarinig niya it okay Kent.

"Anything for you Isabelle." Malambing naman na sabi ni Harley.

"How could you say that Phoebe?!" sigaw ni Kent. Pero pumasok na si Phoebe sa loob ng village.

"I'll deal with you next time Harley!" sabi ni Kent

"Wala akong ginagawang masama, ikaw ang di marunong magprotekta kay Isabelle."

"Yeah right ikaw na ang magaling..." Asawa ng iba pinoprotektahan mo?" sarkastikong sabi ni Kent at sumunod na kay Phoebe.

Napailing na lang si Harley. Pero umalis na siya sa lugar na yun.

Hanggang doon lang naman ang magagawa ko para sayo eh... Isabelle. Malungkot na naisip niya habang inistart ang kotse. Sinundan niya na lang ng tingin ang dalawa na papasok na sa loob ng village.

***

Nakatingin yung guard kay Phoebe habang papasok siya ng village.

"Huy Phoebe, nagaabang dito nung mga reporters nung nakaraang araw. Mabuti na lang umapila na si mayor dahil naiistorbo na yung ibang nakatira dito sa village... San ka ba nagpunta?"

Wala akong panahon sayo kuya guard! Tsss!!! Hindi pinansin ni Phoebe yung guard

"PHOEBE!!" narinig niyang sumigaw si Kent.

"Sir Kent!!" nagsalita na naman yung guard.

"Kuya manong wait lang ha!!" sabi naman ni Kent dito at hinabol si Phoebe.

Sinabayan ni Kent si Phoebe sa paglalakad.

"Phoebe ayan ka na naman eh! Diba sabi ko sayo, ako lang ang papakinggan mo? Magusap tayo!"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon