"Ang tanong ko, kung may nararamdaman ka. Hindi kung virgin pa sya. Mas okay nga yun eh! May experience na."

"Gago ka talaga."

"Baka sya na yung hinahanap mo."

"Ano ba hinahanap ko?"

"Ang tunay... na magmamahal sayo!" Napatawa naman ako nang sinabi nya yun with feelings.

Pareho kaming nagtatatawa nang tawagin kami ni Miguel. Isa rin sa Wi-Five, the name of our group. (It's kinda corny now but it's astig in our high school days.)

"Tara na. Dito na sila Josh at Brio.", sabi ni Miguel.

Nasa iisang table kami at kasama ni Josh si Jeanne. Si Miguel ay kasama rin ang girlfriend nya na hindi ko matandaan ang pangalan. May lumapit namang babae sa amin nila Jules at Brio. Si Jules, agad nakipag-landian, si Brio ay hindi manlang pinansin... at ako?

"Excuse me miss. Kay Jules ka na lang rin." Ngumiti lang ako. Umirap naman yung babae.

"Pakipot ka pa." Narinig kong bulong nya bago umalis.

"Salamat, pare!" Jules said.

MGA 11PM ay nag-drive na ako pauwi. May trabaho pa ako bukas. Buti at konti lang ang ininom ko.

Hindi ko pa rin makalimutan si Winter. Kung virgin pa sya, baka... wala.

"Wala namang kaso kung virgin pa sya o hindi, pare. Ang importante, sa kanya mo maramdaman ang pagmamahal na hindi mo pa nararamdaman sa kahit sino."

Naalala ko na naman yung sinabi ni Jules kanina bago ako umuwi. Sa itsura nya hindi mo aasahang magaling sya mag-advice pagdating sa mga ganitong bagay. O baka dahil lasing kaya lumalabas ang tunay na ugali.

"Wag mo nang pakawalan." Sabi pa nya bago umalis ang kotse ko.

Kung pwede nga lang maging possessive ako sa kanya, but that's too OA.

Tangna! Ayoko na nga. Matutulog na ko. Bwisit na babae yan! Sana hindi ko nalang sya pinatuloy dito... hinayaan ko nalang sya, my pillows smells like her. Para akong teenager na nginitian ng crush nya.

Alas-otso na nang umaga nung nagising ako dahil may nagdo-doorbell. Hayy. Inaantok pa ako, ang aga namang mambubulabog ni Ate.

Tumayo ako nang hindi manlang nag-ayos. Tss. Si Ate lang yun! Sya lang ang kakatok ng ganito kaaga dito.

I opened the door. Medyo nakapikit pa ako nun, hinihintay ko lang sya'ng pumasok dahil ganun lang ang usual nya'ng ginagawa. Pero... bakit ayaw pa nya pumasok?

Tiningnan ko sya... muli ako pumikit... shet!

"Winter?!!", nagulat ako nang sya yung tao. Halatang nagulat din sya. Shit. F uck. Narealize ko kung ano itsura ko... boxer shorts lang ang suot ko. Walang shirt, walang kahit ano! Damn! This is embarrassing!

"Ah... ano... kasi..."

"A-ano?"

"Gus...gusto ko lang ibigay 'to sayo." May inabot sya saking paperbag nang Penshoppe. "Gusto ko lang mag-thank you. S-sige... una na ako." Pagkatapos nun bigla na sya'ng umalis.

Nakakahiya pa rin.

Pagkasara ko ng pinto, tiningnan ko agad yung laman. White V-neck shirt... at pabango.

Napangiti ako ng parang baliw.

Ang sweet nya.

---

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon