Mission Twenty Seven: The Heir of Elixir

85 7 0
                                    

"Talk to Seiya. Sebastian doesn't know about him." sabi ni Janri. Pinagpapawisan na ng matindi ang babae. Hindi na nito matatagalan na gumamit ng magic. Both of them knew that.

Tumahimik si Alesha. Ilang segundo rin na tumahimik ito.

Napansin ni Janri na biglang namutla si Alesha. As if may nakuha itong balita kay Seiya na hindi maganda.

"What is it?" tanong ni Janri.

Hindi na narinig ni Janri ang sagot dahil biglang umangat ang katawan niya sa lupa. Dali-dali silang tumingin kay Throwa. It was only a split second nang biglang nawala sa sarili si Alesha, pero mukhang nakuha na ni Sebastian ang kontrol uli kay Throwa.

Sa isang kisap mata lang, biglang tumilapon ang katawan ni Janri sa malayo.

Throwa is standing sa tapat ni Alesha. Napapalibutan ng kuryente ang dalawang kamay nito. It seems as if Throwa has the intention of killing Alesha.

Pareng napabalikwas si Tyler at si Asty sa direction ng dalawang babae. Janri is nowhere to be found. Narinig na lang nila ang biglang paghalakhak ni Sebastian. At that instant they knew that Sebastian is controlling Throwa's body.

Nakakabingi ang katahimikan sa bahay nila Asty at Tyler. Ang isang minuto nang paghihintay nila ay parang isang oras na. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Mukhang pare-pareho silang kinakahaban sa maaaring mangyari at maibalita ni Seiya pagbalik nila.




Nagulat na lang sila nang biglang sumulpot sina Xynan, Athan at Radcliffe sa sala ng bahay. Dali-daling lumapit sina Carlos, Lee at Kzael sa tatlo. Tumayo naman ang mga babae para lumapit sa tatlong bagong dating.

"Anong balita? Hindi nyo pa rin sila nakita?" tanong ni Carlos.

Umiling sina Athan at Radcliffe. "Wala. Wala kahit anino o buhok man lang doon sa inikutan namin. Hindi na rin namin makita sina Seiya at Yhaen."

"Useless kung maghahanap pa kami don, kaya bumalik na kami dito." sabi ni Xynan. "Nalibot na namin ang property ni Sebastian Devour, pero wala talaga."

"Baka hindi lang kayo naghanap ng maigi?" tanong ni Kzael. "Sigurado ba kayong hinalughog niyo na ang buong bahay?"

Huminga ng malalim si Xynan. "Hindi naman siguro kami babalik dito nang walang kasama kung nakita na namin sila at nagtamad-tamaran lang kami sa paghahanap. Isa pa, mahirap kalaban ang mga Devour, mahirap na kung may biglang sumulpot don at kalabanin kami."

"So natakot ka lang?" tanong ni Lee. "Maaaring mamatay si Tyler!"

"Alam ko yon, Lee. Pero hindi ko pwedeng basta rin pabayaan sina Athan at Radcliffe. Hindi ako kasinglakas ng mga kamag-anak nung dalawang yon." sabi ni Xynan. "Malakas si Seiya hindi ba? Hintayin na lang natin sila. May pakiramdam ako, na makikita nila sina Asty."

Natahimik sila sa sinabi ni Xynan. Huminga ng malalim si Carlos. Tumingin siya kay Lee.

"Hindi mo ba pwedeng sapilitang gamitin ang premonition mo? Hindi mo ba makikita kung maililigtas nila Seiya yung kambal?" tanong niya.

Umiling si Lee. "Alam mong hindi ganun ang paggamit ko Carlos. Pero pwede ko sigurong subukan. Ang kaso lang, hindi iyon magiging madali."

"Mabuti na kung subukan mo, kesa maghintay lang tayo dito sa wala." sagot ni Carlos. "Parang mas mauuna pa ko kay Tyler sa sobrang pagwo-worry ko sa kanila."

"Wala rin bang balita kina Throwa? Hindi niyo talaga sila nakita?" tanong ni Vyolene.

Umiling si Xynan. "Hinanap namin sa buong paligid pero hindi namin sila nakita. Baka kasama ni Asty yung girlfriend niya. Kaya hindi namin sila makita."

Series of Shadows: KhalifaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon