Mission Three: Tyler's Nightmares

226 12 0
                                    

Hindi maganda ang mood ni Asty nang makauwi sila sa bahay after the race. Kahit ang lola nila ang nagtataka kung bakit parang nasa foul mood ang kakambal niya. Dumiretso si Asty sa kwarto niya. Umupo naman si Tyler sa tabi ng lola niya. Nasa sala ito noon. Nagbabasa ng dyaryo.

“What happened to Asty?” tanong ng matanda.

“He lost.” natatawang sabi ni Tyler. Nakibasa ito ng dyaryo sa lola niya.

“Lost? What lost?” takang tanong ng matanda.

“He lost in a race,” sabi ni Tyler. “with a girl.”

“Aphrodite?”

“No, Lola, she’s a different girl. Remember Sei’s cousin Janri? She’s a grand prix racer. Nilait ni Asty kaya hinamon siya ng race ni Janri. And he lost.”

“Ahhh.” sabi ng lola niya. “No wonder he’s pissed.”

Pagdating ni Tyler sa classroom nila that morning, mukhang worried ang mga kaklase nila. Nagtanong siya sa isa sa mga ka-close niya sa klase. The nerd looking guy na magaling sa mga mathematic equations. His name was Deevo. Nakaupo ito sa likurang part ng classroom, nagbabasa ng libro.

“What happened?” tanong niya kaagad. Naupo siya sa seat na katabi ni Deevo.

“You haven’t heard the news?” tanong ni Deevo. Isinara na nito ang libro niya.

Deevo was certainly nerd looking pero magaling na estudyante ang lalaking iyon. Actually, rival pa sila ni Tyler when it comes to their Math subjects. Sa kanila nagpapatutor ang mga kaklase nila when it comes to complex computations.

Umiling si Tyler. “What news?”

Huminga ng malalim si Deevo. “It seems wala tayong klase today. Miss Adiyana met a car crash today. Nasa ICU sya.”

“What?!” gulat na tanong ni Tyler.

Their Professor Adiyana Ramirez was a good teacher. Sa katunayan, marami sa mga kaklase nila ang may gusto sa kanya. Magaling magturo at very accomodating. Hindi kagaya ng iba nilang professors na terrors.

“Yep. And I think maghahanap sila temporarily ng substitute teacher. Plano ng class na pumunta sa hospital kung saan dinala si Miss Adiyana. But delikado pa daw ang lagay nya, so hindi pa natin siya madadalaw.”

 Natigilan ang lahat ng mga kaklase nila nang dumating sa classroom nila ang dean ng college nila. May kasama itong lalaki. Probably nasa 23 or 25 years old ito. May suot itong salamin. Tumingin ang lalaking yon sa kanya, pero mabilis ding binawi ang tingin. Sa pagkakatanda ni Tyler, that man was a professor sa ibang Math subject sa ibang year level. ‘Baka siya ang magiging substitute for today.’

The dean is an old man. Probably around 60 years old. Ang balita nga nila ay magreretire na ito next year. Matagal na daw niyang pinaplano yon.

“Class, I know you are worried with Ms. Ramirez. We have heard from her family na wala na siya sa panganib but she is still in the ICU for monitoring. So habang wala pa siya dito, we will have Mr. Toffer Imago to take her place, as your subject professor.” sabi ng dean nila.

“Sir, pwede po ba namin dalawin si Ma’am once malipat siya sa normal na room?” tanong ng kaklase nila na babae. It was their class leader.

“Yes you may.” sabi ng dean. “Pero for the meantime, take your classes with Mr. Toffer. We will definitely let you know kapag bumiti ang kondisyon ni Ms. Ramirez.”

“Thank you po, Sir.” sabi ng mga kaklase ni Tyler.

Nang makaalis ang dean nila, nagpakilala si Toffer. Marami sa mga kaklase nilang babae ang na-amaze sa itsura ng teacher nila. Guwapo ito at mukhang approachable.

Series of Shadows: KhalifaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant