Mission Eighteen: Palawan

153 11 0
                                    

Ikinuwento ni Lee ang lahat ng nakita niya sa past. Nakinig lang ang magbabarkada sa pagkukwento niya.

"May isa akong nabasa sa libro ni Dawn," sabi ni Lee. "Uisce Beatha. Alam nyo ba yon kung ano?" baling ni Lee kina Tyler at Asty. "Yon ang salita na iniwan ng kapatid ni Dawn bago siya nawala."

"I saw that before but I don't know it." sabi ni Tyler.

"That's another name or word for the Elixir." sabi ni Asty.

Napatingin silang lahat kay Asty. Seryoso pa rin ang mukha nito.

"Wow, pano mo naman nasiguro yon?" tanong ni Xynan.

"Mukha ba kong walang alam? Don't make me as the same level as you." sagot ni Asty.

"Same level?" tanong ni Xynan. 'Ano na naman ang pinagsasabi ng lalaking to? Matalino naman ako ah!'

"Uisce Beatha. It is an Irish, Scottish name for whiskey. Pero tinatawag din itong water of life. Sa ibang salita, Elixir of life." sabad ni Kzael. "Tama ba Asty?"

"Yes, that's right." sabi ni Asty.

"May isa ring madalas banggitin sina Don Aurelio at si Astyanax. Ang Elexia. Hindi ko nalaman kung ano ang bagay na yon. Pero tingin ko, gusto rin iyong makuha ni Sebastian, kung ano man yon. At ang aim ni Sebastian, gusto nyang marecognize siya ng angkan ng mga Devour. Tingin ko ay nagseselos sya sa nakuhang atensyon ni Dawn. Panganay siyang anak, pero si Dawn ang pinamanahan." sambit ni Lee.

"So in short," sabi ni Hyna, "Pinatay ni Sebastian ang mga magulang ni Dawn. Nakipagsabwatan sya kay Cid Quierhada at Laura para magawa yon. At ang gusto niya ay ang mamuno sa angkan ng Devour?"

"Parang ganon na nga Hyna. Hindi ko nakita kung paano sila naglaban ni Dawn, pero ang sabi ni Sebastian, lahat ng mahika na alam ni Dawn, alam din niya."

"Kung yon talaga si Sebastian, ibig sabihin, ang mahika na ginamit ni Laura para hindi siya tumanda ay maaaring tinuro ni Sebastian sa kanya, tama ba? Wala naman alam si Laura if ever, tinuruan lang siya ni Dawn." sabi ni Xavier.

"Hindi ko alam. Pero that's possible." sabi ni Lee. "So, Asty, Tyler, kayo ang target ni Sebastian. Di ba't parang pamilya nyo ngayon ang namumuno sa clan nyo? Also, you are a descendant of Dawn Devour. Mukhang malaki ang galit at inggit ni Sebastian sa kapatid niya."

Natahimik sila.

"Isa pa, if that Elixir is in the book, pwedeng kaya kinuha ni Sebastian yon ay para makuha nya yon. Kapag nakuha niya ang Elixir of Life, kung sakaling yun nga yon, magiging imortal siya. Literal na imortal. Hindi na niya kailangang gumamit ng magic to stay young." dagdag ni Lee.

"Then, we need to retrieve that book. Ang akala namin ni Asty before ay kailangan lang naming protektahan yon because of Dawn's magic. Kung may ganong laman ang libro, ibig sabihin, delikado ang clan namin." sabi ni Tyler.


Nang dumating sina Tyler at Asty sa bahay nila, nagulat sila sa nakita. Alesha is with their Lola. Kasama rin si Seiya at Marina. Nasa sala ang apat. Masaya silang naglalaro ng scrabble. Alesha is already smiling, although meron pa rin sa mga mata nito na lungkot.

'S-she's here.' isip ni Tyler. It's as if his heart stopped at that moment. Lalo na nang makita niyang tumingin sa kanya si Alesha. Matagal na niyang hindi nararamdaman yon, the last was when he's still dating Genesis.

"Oh iho, nandito na pala kayo!" sabi ng matanda. As usual, mukhang maganda na naman ang mood ng lola nila. Palibhasa ay naroroon na si Alesha.

Lumapit si Tyler sa grupo. Dumiretso naman si Asty sa kwarto niya sa taas. Hindi ito nagsalita.

Series of Shadows: KhalifaWhere stories live. Discover now