Reconciliation

154 12 0
                                    

“Buyset ang lesbianang sakang na yun.” reklamo ni Xynan. “Hindi ko na pag-iinteresan ang isang yon. Parang laging gustong pumatay!”

“Grabe nakakatakot siya.” sabi pa ng mga babae.

“Dapat ka siguro mag paliwanag Tyler. What is she talking about?” tanong ni Throwa.

Huminga ng malalim si Tyler. Naupo siya sa sofa na kanina ay puno ng bubog. 

“Ganito ang nangyari.”

Ikuwento sa kanila ni Tyler ang lahat. Simula sa panaginip niya, sa imahe na nakakaharap niya sa mga panaginip niya. Hanggang sa pagkakita niya kay Alesha sa kwarto niya. Nakikinig lang ang buong barkada sa kanya, even Asty. Matapos maikwento ni Tyler ang buong pangyayari, mabilis siyang nakwelyuhan ni Yhaen. Nagulat ang lahat.

“You’re stupid Tyler!” galit na sabi ni Yhaen.

“Yhaen relax, pag-usapan na lang natin ito.” sabi pa ni Carlos na inaawat ang dalawa. Hindi siya pinansin ni Yhaen. Nakatitig lang kay Yhaen si Tyler, hindi ito lumalaban.

“Ano bang ikinagagalit mo Yhaen?” tanong naman ni Xavier.

“Isa kang malaking tanga! Esha is a very sweet girl! That’s why everyone loves her. “ singhal ni Yhaen kay Tyler. “Given na pwedeng nyang gawin sayo yon, but didn’t it occurred to you? Kung may gusto syang mangyari, pwede niyang gawin yon kahit hindi sa panaginip mo!”

Natahimik na ang iba. Nakahawak pa rin si Carlos kina Yhaen at Tyler. Hawak lang kasi ni Tyler ang braso ni Yhaen.

“Don’t dare to touch her again, or I will fight you.” sabi pa ni Yhaen. Bitinitawan niya ang kwelyo ni Tyler at itinulak siya nito pabagsak sa sofa at mabilis na umalis si Yhaen.

“Mukhang galit na galit si Yhaen.” sabi pa ni Vyolene. “This is the first time, isnt it?”

“Never mind him Tyler, kakausapin ko siya. Palamigin lang natin ang ulo niya.” sabi pa ni Carlos.

Tumahimik naman si Tyler. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig kanina ng sabihin ni Janri ang lahat, at mas naniwala siya sa babaeng yon ng makita niya ang pulang aura na kagaya ng nasa panaginip niya.

“But, I’m worried.” sabi ni Throwa. “Kanina when she was here, mukhang kontrolado nya ang kapangyarihan niya. Ibig sabihin, they might’ve lied to us.”

“Oo nga, tama si Throwa.” sabi ni Xavier. “Hindi naman ata sina Asty ang may kagagawan nung kanina, hindi tayo lahat makagalaw.”

Tahimik lang si Asty.  Nag-iisip din siya ng reason kung bakit hindi umamin sina Janri at Alesha na may mga kapangyarihan nga sila. Although sinabihan na siya ni Seiya na nakakatakot ang kapangyarihan ng dalawa, hindi niya maintindihan kung bakit tinatago ng magpinsan ang bagay na yon sa kanila. It’s as if may pinaplano ang dalawang yon.

“Bakit hindi natin kausapin si Janri ulit?” tanong ni Hyna.

 

Mula noon, hindi na magpakita  si Alesha sa condo ni Kzael. Hindi na rin siya nakipag-communicate sa lahat maging kay Janri. Hindi na siya tinigilan ni Yhaen sa pagtawag at pagtetext. Isang text ang natanggap niya 12 midnight. Nakahiga siya sa kama habang yakap-yakap ang malaki at malambot niyang unan.

“Esha, I don’t know what is happening to you, I want you to know that I'm here. Can you call me to let me know you're okay. I'm so worried.”

Napangiti si Alesha ng mabasa ang text ni Yhaen.

Series of Shadows: KhalifaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora