Chapter 9 Pagmamahal ng Pusong Pagod

303 21 3
                                    

"Our heavenly Father understands our disappointment, suffering, pain, fear, and doubt. He is always there to encourage our hearts and help us understand that He's sufficient for all of our needs. When I accepted this as an absolute truth in my life, I found that my worrying stopped."

Charles Stanley

Isa sa mga love languages, o paraan kung pano natin ineexpress 'yung pagmamahal natin ay service. According to my ninong Gary Chapman (wish ko lang inaanak niya nga ako), ang apat pang love languages ay Words of Affirmation (o kapag masaya kang sinasabihan ng words of appreciation ng mga tao sa paligid mo), Quality time (kapag gusto mong magspend ng oras kasama ang mga taong mahahalaga sayo), Touch (closer closer together ang peg mo with hugs and tap sa balikat), at Gifts (kapag contented at happy kang mabigyan at makapagbigay ng kahit simpleng token o pasalubong sa mga loves mo). 

At dahil service ang naging isang paraan ko para mag-express ng pagmamahal at pasasalamat, pwede ko bang kausapin nang heart to lungs ang mga taong naglilingkod dahil minamahal at nagmamahal? At kung hindi niyo napapansin, ang mga ganitong tao lalong nagmamahal dahil naglilingkod. Yep. Love goes around.

I loved back my God by serving Him. And service changed me big time. As in big time. From being insecure, I saw my worth. From running away from people, I learned to reach out. From just existing, I started to live. Sabi nga ni St. Paul, "If anyone is in Christ, he is a new creation; the old is gone and the new has come!" (2 Corinthians 5:17) You see, when one experience God's love, it's not possible to stay the same. His is the kind of love that has to be translated into action. It just has to.

Siguro kung hindi ako nag-yes sa Kanya, hindi na madidiscover ng mundo at ng ibang tao ang ganda ko. I mean, hindi ko na madidiscover ang ganda ng mundo at ng ibang tao.

14 years old ako nang nag-start ako officially sa service. Kung isasama sa bilang 'yung pag-aaction dance tuwing misa o pagiging angel naming magkakapatid tuwing mahal na araw dahil na-volunteer kami ni Mama, 5 or 6 pa lang, nagse-serve na ako. Sa tagal ng practice namin noon, pinakaproblema na namin kung ano'ng oras kami kakain. Ganern.

But as I grow in service, I faced bigger struggles and challenges. Lalo na sa Parish Youth Ministry (PYM) and eventually, sa Campus Ministry (Christian Communities Program/CCP). Mas masaya, oo. Mas lumawak ang mundo, oo. Mas nagkaro'n ng malalim na pagkakaibigan, oo. Mas maraming natutunan, oo. Mas naging makabuluhan ang bawat ginagawa at rason sa paggawa, oo. Hindi ako mapapagod ulit-ulitin na 'yung pinakamasasayang araw ng college life ko, kasama ko ang Campus Ministry family ko. CCP is my home; I'll always be grateful being a CCPian.

Pero sa paglilingkod, hindi na patibayan lang ng sikmura, kundi ng puso. At ng pinanghahawakan mo kung bakit ka ba nag-serve in the first place.

Nang magsimula akong magtrabaho, nabawasan ang pagpunta ko sa weekly prayer meeting namin (the Feast), pati pagdalaw at pagtulong ko sa Campus Ministry. Nu'ng una, keri lang. Nakakasingit at habol pa naman sa ibang gatherings. Pero habang tumatagal, lumalaki ang demand sa trabaho at lumiliit na lang ang natitira kong brain cells para sa ibang bagay. Dumalang nang dumalang... hanggang sa nawala na kahit pilitin ko.

Minsan naiiyak ako sa frustration sa byahe – bakit ba ang layo ng Ayala sa Bulacan (kung saan kami nakatira)? At bakit sa haba ng distansya nila, out of way pa rin ang Manila (kung nasaan ang spiritual communities ko)? I told you, I love long travels. Prayer time ko 'yun e. Pero sa panahong 'yun, luha at pagod na ang expression ng dasal ko. Araw-araw na byahe, araw-araw na tanong. Lalo ko na lang pinagdasal lahat ng mga taong gusto kong paglingkuran at makasama noon. 'yun ang naging service ko. Sa paglilingkod naman, hindi kailangang makita ng ibang tao ang ginagawa mo, di ba?

Status: Confused  (What to Do In Your Windang Moments)Where stories live. Discover now