Chapter 3 Gusto Mo vs. Gusto Nila... Ano ang Pipiliin Mo?

601 52 20
                                    

"From where we are there is always a path toward love. What takes discipline is continually choosing that path."

Jesse Pender

Ano'ng childhood dream mo?

As in 'yung isang bagay na pangarap mo talagang gawin ever since?

Nu'ng una, katulad ng maraming bata, teaching ang trip ko. Pero nang sinali ako sa school paper staff ng English teacher naming si Ma'am Evian, nag-iba ang pangarap ko. Hanggang naramdaman kong infatuated na ko sa pagsusulat at tuluyan nang ma-in love. Mula sa pagsusulat kung pa'no magluto ng noodles, nagsimula kong maging takbuhan ang ballpen at papel kung pa'no ko hinaharap ang buhay (naks naman, deepness!)

Sakto, mahilig din ako sa news and current events. Kaya sinabi ko sa sarili ko, "Sa college, mag-jo-journalism ako!"

Eengkkk!

Request denied. Mag-business course na lang daw ako, mas maganda kung accountancy. E di ba nga, LQ kami ng mga numbers? Ayaw ko sa kanila, at mukhang ayaw rin naman nila sa akin.

Uso pa ba flash cards sa Math ngayon? 'yung may nakalagay na equation tapos ililipat-lipat ng teacher nang mabilis habang sinasagutan ng buong klase? Halos sunugin ko lahat ng makita kong flash cards noon. Hindi lang halata ng mga teachers at classmates ko, pero sobra sobra soooobrraaannngggg kinakabahan ako pag nagsimula nang magtawag isa-isa para sa recitation. Hindi pa sikat si Elsa, pero frozen na ang buong katawan ko sa panlalamig. Buti na lang, hindi ako tinatawag. Alleluia!

Kaya todong da moves ako para makalusot sa Journalism, wala talaga. Walaaaaa!!! Ang sama ng loob ko nu'n. Nagmamaktol ang sangkatauhan ko.

Long story short, nagtapos ako ng BSBA Major in Financial Management sa nag-iisang pamantasan sa Recto. So, anong nangyari sa writing dream ko?

Well, sa hinaba-haba ng prusisyon, sa publication din ang tuloy. Ebidensiya? Hawak mo ang librong ito ngayon.

Ang natutunan ko? Things may not happen the way you want them to, but everything — even the most disappointing event in between — is part of something better God has prepared for you. In Tagalog, bawat nangyayari sa atin, iba man ang paraan ni Lord, ay may mas magandang dahilan. Basta, something like that.

Hindi naman ako itinulak lang na mag-enroll noon. Pinili kong sumunod sa mga magulang ko kasi may tiwala akong alam nila kung ano ang mas mabuti para sa akin. Eventually, naintindihan ko na kung bakit hindi ako natuloy sa school at course na gusto ko. I found myself grateful on how things turned out. Dahil lahat ng experiences ko kung saan ako napunta, nakatulong ng bonggang-bongga kung sino at ano ako ngayon. Tao pa rin malamang, pero mas naging malinaw 'yung pagkatao ko.

Kaya kung tatanungin mo kung anong pipiliin mo, gusto mo o gusto ng ibang tao, eto ang isasagot ko: Piliin mo kung saan ka mas makakapagmahal. Because you can never go wrong with love. (PS: Just to be clear, love as in LOVE ang pinag-uusapan natin dito, ha? 'yung totoong love healthy at life-giving. Akala kasi ng marami, love pa rin kahit naaabuso na, totally dependent kahit capable nang mag-desisyon at tumayo sa sariling paa, o "love" 'yung tawag kapag nagpi-please lang talaga ng ibang tao.)

Mahal ko ang mga magulang ko kaya pumayag din ako sa gusto nila. Alam kong nag-aalala lang si Papa sa media killings nu'ng panahon na 'yun, at concerned lang si Mama sa macho kong katawan (kung kilala mo ko o nung book launch ka bumili, you know what I mean, hehe.) Higit sa lahat, alam kong mahal nila ko.

Hindi ko alam kung saan mo maia-apply 'to ngayon. Naiipit ka ba sa gusto mo at ng mga taong malapit sa'yo dahil sa mahalagang desisyon sa pamilya, love life, studies, career, o direksyon ng buhay?

Eto lang ang alam ko: Ang nagmamahal, nakikinig at umuunawa nang walang bias. Mahirap, pero pinipilit niyang gawin kasi nga, nagmamahal siya.

Kapag nagmamahal ka, handa kang magsakripisyo, ready rin lumunok ng pride. Hindi para kaawaan o hangaan, pero dahil alam mong sa KKK ng puso mo (kasuluk-sulukan, kalalim-laliman, at kadulu-duluhan), makabubuti sa lahat kung ano ang gagawin mo (o hindi mo itutuloy gawin.)

Pero kung kinakailangan, ang taong nagmamahal, marunong manindigan.

At higit sa lahat, ang taong nagmamahal, nagmamahal kasi nagmamahal. Hindi dahil natatakot. Hindi dahil nagtatago. Hindi dahil gusto niyang ibalik 'yung pagmamahal na binibigay niya para punuin ang puso niya.

Don't worry, Friend. Pag gulong-gulo ka na, basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan... ("Sana'y may luha pa, akong mailuluhaaaaaa...")

Pray. Consult God. Hindi ka maliligaw.

Gusto mo vs. gusto nila? Pinakamahalaga pa rin kung ano'ng gusto Niya: Magmahal ka.

Jesus is the Way. He is Love.

Munimuni Moves:

Torn among two/three/four/five opinions ka ba sa mga panahong 'to? Isulat mo NGAYON kung ano ang gusto mong mangyari at kung ano ang sinasabi ng mga taong mahahalaga sa'yo tungkol ditto. For each option, include the advantages and disadvantages. Basahin at maging fair sa pag-re-reflect. Pray for your decision.

From confused to courageous:

Father God, help me to decide. Guide me to where I should be, and may I accept it with open and trusting heart. Teach me to put my full faith in You whatever happens. The best is yet to come, in Jesus' name, Amen.

******

Okay Friend, take a deep breath... Inhale, exhale...

How are you so far? :) Before I post Chapter 4, I'm giving you some munimuni time para i-digest lahat ng mga naunang chapters. I hope nakakatulong sa iyo ang journey natin together.

Let me know your thoughts, okay? :) Message me or comment away. Kwentuhan tayo ng mga windang moments mo. You can vote for the parts/chapters that you relate with, too! Para malaman ko kung ano pang pwede kong ishare sayo. Follow me here in Wattpad para updated ka kung may next chapter na. Oraytee?? Enjoyyyy! ^^

Click next to continue reading. :)



Status: Confused  (What to Do In Your Windang Moments)Where stories live. Discover now