Chapter 1 Bata, Bata, Bakit Ka Ginawa?

1.1K 75 33
                                    

"You are as amazing as you let yourself be. Let me repeat that. You are as amazing as you let yourself be."

Elizabeth Alraune

TIP: Bago mo maintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid mo, makakatulong kung naiintindihan at kilala mo ang sarili mo.

At ganito nagsimula ang journey ko palayo sa kawindangan...

"Bakit kaya buhay pa rin ako? Ano pa kayang dapat kong abangan? Parang wala na namang kakaibang mangyayari sa 'kin..."

Ganyan ang mga dramarama ko sa buhay noon, lalo na nu'ng nagkasakit ako.. Bigla na lang kasi akong nilagnat nang grabe isang araw pag-uwi ko galing school. Hindi na rin ako tumigil sa pagsusuka (sorry, eeeww.) Keribels pa naman nu'ng mga unang araw, linggo... Hanggang sa ma-effort na para sa 'kin kumilos at kitang kita na sa katawan ko ang changes. Nanghihina, sumesexy (ako dati ang pinakamataba sa aming magkakapatid. During and after kong magkasakit, byebye fats na yata ako for all eternity.)

Incoming Grade 4 ako nang maganap ang mga bagay-bagay. Pinahinto akong mag-aral for medication. Habang tumatagal, lalo akong nawawalan ng energy at dumadami ang pasa ko sa katawan. Until one day, kailangan na talaga akong buhatin at alalayan para lang makagalaw. Bedridden.

Hay.

So habang nasa labas ang mga kapatid ko at ang ibang batang masayang naglalaro, sitting by my window, watching in deep pain ang peg ko. At tuwing uuwi galing school ang mga kapatid ko't excited na magke-kwento kung anong nangyari sa buong araw nila, wala akong ibang mai-share (kapag napipilit ko ang sarili kong magsalita), kundi kung ilang langgam ang dumaan sa harap ko. I felt pathetic, insecure, indifferent.

So bakit nga ba kasi hindi na lang ako matuluyan? Feeling ko naman kasi dati, okay lang 'yung mundo kapag wala ako. Hindi kawalan, kumbaga. Hindi ko naman hawak 'yung axis na iniikutan ng planeta natin. Wala naman akong ganap sa pulitika ng bansa. Sa kondisyon ko, wala rin naman akong magagawa. Hindi naman ako kasing-halaga ng iba...

Boom. 'yun talaga ang ugat ng pakiramdam na 'yun e — hindi ako kasing-halaga ng iba, so bakit kailangan ko pang mag-exist?

Naramdaman mo na rin ba 'yun?

Dahil nasagot na ni Lualhati Bautista kung paano tayo ginawa, natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka ginawa?

OK, rephrase. Natanong mo na ba kay Lord kung bakit hanggang ngayon, nandito ka pa rin sa earth?

In relation to what I felt that time, naalala ko 'yung isa sa mga natutunan ko sa counseling lesson naming. May epekto raw sa personality ng bawat tao ang birth order nila —panganay, gitna, o bunso.

To summarize, ganito 'yun:

Generally, ang mga panganay, achievers. Cautious sa bawat ginagawa. Magaling sa maraming bagay. Responsible. Dahil na rin 'to sa mataas na expectations sa kanila ng mga magulang at ng parehong angkan. Madalas nga, paborito ng mga lolo't lola ang mga unang apo, di ba? And they get easily frustrated if things don't go their way. It's either they strive more or feel so low.

Middle children often have a sense of being left-out. Kaya nauso ang "middle child syndrome." Ito 'yung tendency na i-prove ang sarili para makakuha ng attention. Bakit? Dahil madalas ang napapansin 'yung panganay at bunso, kaya ang mga nasa gitna minsan nagiging people-pleaser. They're extreme – pwedeng sobrang dami ng kaibigan to fill the need for attention, or nabubuhay ng aloof sa paghahanap ng identity at lugar sa mundo. I'm a middle-child, by the way.

And finally, ang mga bunso. They're the carefree guys, typically. They have more creative spirit and outgoing personality. In general, they have their way to get through life. They can be manipulative but in a very charming way. Makarisma!

Status: Confused  (What to Do In Your Windang Moments)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon