Chapter 2 The Most Untalented Person

752 65 34
                                    


"Use what talents you possess; the woods would be very silent if no birds sang there except those that sang best." -Henry Van Dyke

May mga kilala akong parang inspirasyon ni Daniel Padilla sa kanta niya. Nasa 'yo na ang lahat... Maganda na, agaw-atensyon pa sa galing sumayaw. Sobrang talino na, parang pinaglihi pa sa G-clef, whole note at sa buong musical thingy sa galing kumanta. Pwedeng ilaban sa kahit na anong contest!

May ilan namang umaapila sa customer service desk ni Lord dahil pakiramdam nila, pinainom muna sila ng matinding pampatulog bago nagpaulan ng talents, talino at ganda ang langit. Madalas tuloy napapakanta na lang sila ng, I did my best, but I guess my best wasn't good enough...

Tandang-tanda ko pa noong 3rd year high school ako, may iniyakan akong subject nang bonggang-bongga! TLE 'yun (Technology and Livelihood Economics), gumagawa kami ng mga blueprints, freestyle drawing, at techniques ng painting. Kahit hilong-hilo na ko kaka-imagine kung ano ang itsura ng front view, top view, at kung ano-ano pang views ng isang bahay na ginagawan namin ng blueprint, keribumbumbels lang! (Keribumbumbels - ibig sabihin sige pa, kakayanin, push. Parang gora o gorabels, ganun. Anyway....) Parang mapipiga ko pa naman ang utak ko at masisilayan ko pa ang liwanag sa susunod na araw. Pero nang magsimula na kaming mag-paint, especially sa mga brush strokes...

Waaaaaaahhhhhhhh!!!

Bakit parang ang dali lang para sa mga kaklase kong gawin, samantalang ako, napasma na kakapilit magstroke ng maganda para sa assignment namin, wala pa rin?! Nganga. Sabaw. 'yung blues clues na ginagawa ko, mukhang may galit sa mundo. Si Garfield, naging second generation ni Kerokeropi. 'yung bukid ko na dapat sunny day, parang dinaanan ng bagyo. What's wrong with the world, momma?! Nakaka-frustrate kasi iba 'yung nasa isip ko sa lumalabas. Grrrr!!!

Buti na lang, to the rescue ang best friends kong sina April, Celine at Grace, pati iba naming classmates. Gulay, pa'no na lang kung hindi nauso ang mga tunay na kaibigan?!

Ang nakakatawa lang, habang pinapatahan nila ko, lumalabas 'yung mga hinanakit nila sa mundo (alam kong biro lang nila 'yun, hehe. I love you, three!) Sina April at Grace kasi, parehong singers.... sa banyo. Minsan nga pati sina Tatay nila, nanghuhula pa kung kumakanta talaga sila o kung ano 'yung kinakanta nila. Partida, kapamilya na 'yun ha? Pero saludo ako sa kanila pagdating sa arts. Sa creativity. Sa pakikinig kahit sa mga pinaka-non sense mong kwento. Sa pagiging friends-on-call. Sa pagiging mabubuting anak, kapatid, at super duper na kaibigan. Sa laki ng puso nilang magmahal. Bonus pa na magaling magluto si April, at magaling makipag-communicate si Grace. Wow.

Si Celine naman, bright kid. Parang buong high school namin, hawak niya ang kaban. Dakilang taga-singil, at taga-tabi ng pondo. Treasurer siya, hindi lang dahil magaling sa Math, pero dahil sobrang mapagkakatiwalaan. Hindi marunong ma-pressure. Mahusay na leader. Ang isa pang sobrang hinahangaan ko sa kanya, kaya niyang maging matatag at magsakripisyo para sa mga taong mahal niya. At kahit malayo siya, hindi mo mararamdamang iniwan ka niya. Ganu'n siya magmahal.

Na-realize kong iba-iba lang siguro talaga ng galing ang bawat tao. At hindi totoong wala kang talino o talento. Paano ko nasabi? Obviously, based on experience.

Pero para mas maniwala ka, papakilala ko sa'yo si Howard Gardner, isang psychologist. Sabi niya, meron daw tinatawag na Multiple Intelligences. Sa theory na 'to, merong pitong kakayahan ang mga tao. Check this out at tingnan mo kung sino ka dito:

1) Visual-Spatial - sila 'yung mga dakila kong sinasaludo. Magaling sila sa drawing, painting, puzzles, pagbasa ng maps, pagpapagana ng imagination... ganun! Madali nilang maapreciate, at gawin, ang magagandang bagay na nakikita natin.

2) Kinesthetic - dancers, theater people, athletes. Komportable silang i-express 'yung sarili nila sa pagpapakilos ng katawan. Kung may kakilala kang animated magkwento at hindi nawawala ang hampas sa katabi kapag masyadong masaya, siya 'yun!

3) Musical - obviously, sila 'yung magagaling sa tunog, kanta, musical instruments. Mas effective sa kanilang magtrabaho o mag-aral pag may background music. Si Tenten, 'yung bunso naming kapatid, ay grabe! Ang galing sa gitara. Madali niyang natututunan 'yung kanta kahit walang binabasang nota. Papakinggan niya lang ng ilang beses (minsan nga isa o dalawa lang), alam na niya. Kalahi niya 'yun mga tao sa category na 'to. Pero nu'ng ako 'yung nag-aaral mag-gitara, habang ginagawa ko ung F#m, C#m, at iba pang ganyan, bigla kong pinagsisihan lahat ng desisyon ko sa mundo. Sa sakit ba naman sa daliri, hindi ka mapapaisip kung itutuloy mo pa? Gash!

4) Interpersonal - dito bagay ang mga Mr. and Ms. Congeniality awardees! 'yung tipong iwan mo lang saglit sa lugar na wala siyang kakilala, mayamaya lang, may mga kachikahan na siya. Magaling silang makisama sa ibang tao. Team player. Coordinator. Best in understanding! Street smart. Pwedeng tumakbong politiko.

5) Intrapersonal - sila ang kabaliktaran ng mga interpersonal. Mas nakakapag-isip sila kapag mag-isa lang, at preferred nilang magtrabaho nang walang nakatingin. Reflective silang tao, kaya aware sila sa paniniwala at nararamdaman nila tungkol sa mga nangyayari sa paligid. Deep thinkers, kaya kahit minsan lang magsalita, siguradong may laman. Oo Friend, kung ganito ka, talent 'yan. Masyadong gugulo ang mundo kung walang mga katulad mo.

6) Linguistic - Mahihilig magsulat, magbasa, at makipagtitigan sa mga salita. Nag-eenjoy silang maging best friend ang pen and paper, at hindi sumusunod kapag sinabing 500 words lang dapat 'yung essay/article/book review na dapat gawin. Malamang sa malamang, laging may sobra. Habang natutulog ang buong klase sa English/Filipino lessons, buong ngiti silang nagpaparticipate. Ganern!

7) Logical -Mathematical - next topic, please. Hehe! Eto ang mga henyo sa mga slopes, trigonometry, at geometry. Pwede silang detective. Nag-eenjoy silang magsolve ng problem, sumagot ng abstract, at hanapin nang walang kapaguran kung ano ang value ng "x." Nakagraduate na kong lahat, hindi pa rin na-fifind 'yang "x" at "y" na 'yan.

At kung tingin mo wala pa rin, heto ang ilan sa pinakaastig na kakayahang alam ko:

Pagiging mabuting kapamilya. Akala mo maliit na bagay lang ang magluto/magsaing/maghugas ng pinggan o maglinis? Aba naman! Hindi lahat, kayang gawin 'yun nang matino. Hindi lahat, may pakialam pa sa pamilya nila.

Pagtulong sa kaibigan. Hindi lahat ng tao may tiyaga, tenga, at puso para makinig sa mga nangangailangan. Hindi lahat, handang magbigay ng panahon para sa mga taong malalapit sa kanila. At kung nagagawa mo 'to, saludo ako sa'yo!

Pagngiti. Pagpapatawad. Pagmamahal. Mayroon kang kayang gawin!

Walang talino o talentong mas aangat pa sa pusong marunong magmahal.

Pag na-master mo 'to, believe me, nasa iyo na ang lahat!

Munimuni Moves:

Balikan at isulat lahat ng magagandang bagay na narinig mong sinabi tungkol sa'yo. Sa talents mo, sa galing mo. Isama mo na rin lahat ng alam mong kaya mong gawin. Walang malaki o maliit. Lahat, mahalaga. Appreciate yourself. May galing at magaling ka!

From Confused to Capable:

Dearest God, thank You for creating me the way I am. Tulungan Mo akong bigyan ng halaga kung ano ang pwede at kaya kong gawin, at hindi ikumpara ang sarili ko sa iba. Build my confidence, and may I share my giftedness to bless the world... slowly, but whole-heartedly, in Jesus' name, Amen.


********

Chapter 3 right away :)

Feel free to vote for this part kung nagustuhan niyo. Yeyy!





Status: Confused  (What to Do In Your Windang Moments)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon