Chapter 5 Moving-On is Hard to do (Lalo na kung hindi naging kayo!)

505 40 10
                                    

"If you hold back on the emotions - if you don't allow yourself to go all the way through them - you can never get to being detached, you're too busy being afraid. You're afraid of the pain, you're afraid of the grief. You're afraid of the vulnerability that loving entails..."

Mitch Albom

Masayang kausap. May sense mag-isip, magsalita, at kumilos. Malapit kay Lord.

Ilan 'yan sa mga nangungunang qualities ng ideal man ko. At bingo! May nakilala akong ganyan. Complete attendance lahat ng hinahanap ko! Bonus pa na magkasundo kami sa pagsusulat at sa team sa PBA (never say die, men!) Every time magka-text kami, ang saya! Like, really!!!

Sa sobrang inspired ko sa kanya, nagawan ko siya ng blog, tula, kanta, atbp. (ay buking! hindi niya yan alam hanggang ngayon. Sareeee!!!)

Pero may problema. Bading? Nope! May girlfriend? Wala. May gustong iba? Hmmm... Kinda. It's complicated. Handa ka na ba?

Bibitinin muna kita. Kanta muna tayo.

"Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot, pag-ibig di mapapagod. Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos, pag-ibig di matatapos..."

Magbalik, Callalilly, 2008. Sa music video nyan, tumatak sa akin ang linya ng isa sa mga cast.

"Mahal kita... Pero mas mahal ko Siya." (Read: Siya. Capital S.)

Sinong nagsabi? Seminarista.

Boom! Nakarelate naman ng todo ang lola niyo. Dahil sa tunay na buhay, 'yung ideal man na nakilala ko, 'yung taong meron ng lahat ng magugustuhan ko, sumobra ang pagiging malapit kay Lord. Nasa seminaryo. Magpapari siya!

Anak ng frog! Minsan na nga lang maiinlababo, barado pa. Tubero please!

Ang sakit! Like, really!!!

Imagine, I've been spending sometime, thinking I'll be alright... don't know if I could really stay here tonight...

Grabe 'yung pag-eemote ko nu'n. In fairness sa kanya, hindi naman niya ko na-siopao zone. You know, ung binola-bola, kaya asa-dong asa-do ako. I just fell for him. And it was hard.

I really thought it was him already. Gosh, how can something so wrong feel so right all along? (Nabubuking mga theme songs ng buhay ko ng mga panahong 'yun, ah? Hehe.) How and where am I supposed to find somebody else like him?

Nu'ng akala kong nakakamove-on na ko, may nagpabasa sa 'kin ng "By the River Piedra I Sat Down and Wept" ni Paolo Coelho. Naalala raw niya kasi ako sa kwento. Patola naman ako. Hindi man lang ako nagtanong kung bakit.

Waahh! Ngalngal na naman. Hindi nakatulong. (Para hindi ako maging spoiler, hindi ko ike-kwento 'yung plot nu'n.) Basta, napa-Maalala Mo Kaya mode na naman ako. Bakit ba hindi pwedeng maging kami?

Bakit ba kailangan pa natin makilala ang ilan sa mga taong magiging mahalaga sa atin kung masasaktan lang din tayo?

I know of some people who invested years and years together but ended up breaking.

A few others risked their treasured friendship only to fail in their romantic relationship.

May ilan na hindi na talaga naka-move on from their last heartbreak. Takot ng magmahal ulit. O nagdududa kung may magmamahal pa ba sa kanila.

Looking back, I realize that my "falling in love" experience with Mr. Seminarian taught me a lot of things. I fell in love, but that wasn't real love. Masyado lang akong na-amaze sa personality niya. But of course, hindi ko naman agad naintindihan 'yan.

I've come to understand that not being with Mr. Seminarian is not the end of the world naman pala. I fell in love, alright. I was hurt, okay. It didn't end up the way I wanted to, fine. But I am grateful because through that phase, I learned that I am more capable of loving than what I thought. Stronger than I knew. More beautiful than what the mirror says. (ano raw?!) Hindi madaling tanggapin syempre. Like all essential matters, healing takes time.

Alam niyo ba 'yung congenital analgesia? Ito 'yung sakit na "nagpapamanhid" sa tao kaya hindi siya nakakaramdam ng sakit. May ilang batang nagkaro'n nitong na-damage ang mata, balat, at katawan dahil hindi sila nakakaramdam ng sakit. Meron pa nga, halos makain na niya 'yung buong dila niya. Pero hindi niya alam na napapahamak na niya 'yung sarili niya, dahil hindi siya nasasaktan.

Imagine what lack of pain can do to our lives? Argh. Mahirap masaktan, pero mas mahirap maging manhid. Mas nakakatakot pag wala ka ng nararamdaman at wala ka ng pakialam.

Pain teaches us to love more. Pain stretches our capacity to empathize. Pain opens our hearts for bigger things. Mas naintindihan ko ngayon 'yung pinagdadaanan ng mga nag-oopen sa 'kin tungkol sa heartache nila. Mas napahalagahan ko 'yung efforts at presence ng mga taong nagmamahal sa 'kin. Mas naging malinaw sa 'kin na kahit pala sa love life ko, involved si God. Pwede akong makipag-kwentuhan, umiyak, magsumbong sa Kanya, at walang magbabago. Kasama ko pa rin Siya. May darating, may aalis. Pero Siya, nandyan pa rin. Walang iwanan.

Hindi ko naman sinasabing maging masokista at sadista tayo para saktan ang sarili natin at ang isa't isa. The thing is, mahirap magmove on, pero mas mahirap maging stuck.

Kapag hindi na nakakatulong, kapag hindi na nakakabuti, let go na, friend. Tama na. Nasaktan ka na once. Learn from it and then walk towards your healing. Masyado kang precious kay God para lang umiyak araw-araw.

Let me close this chapter with the chorus of Laura Story's song entitled Blessings. Thanks Eka Coralde sa pag-share sa akin ng kantang 'to.

"What if Your (God's) blessings come through rain drops

What if Your healing comes through tears

What if a thousand sleepless nights are what it takes to know You're near

What if trials of this life are Your mercies in disguise?"

Move forward, friend. God is faithful. There's still so much ahead. He has instored so much for you.

Munumuni moves:

Get a bible. Read Jeremiah 29:11. Basahin with feelings. Believe with open heart.

From Confused to Moving On:

Jesus, I surrender to You my hurts. Help me to let go of what I have to and hold on to Your promises. May this pain bring out Your purpose for me, Amen.

*****

Pag-ibig nga naman! Ouch-ouch paminsan-minsan. Pero, mahirap din maghintay, tama? Hello, single kaya ako for the longest time! Pero sulit ang paghihintay. Waiting is a gift. Hindi lang sa lovelife. Sa lahat ng bagay. Pano? Continue reading. You'll know how and why. :)

PS: Baka makatulong ito sa kapatid, pinsan, kaibigan, kaklase, kabarkada, kaaway (oo kaaway!), ex ng jowa mo, kapitbahay, kabarangay mo... Share na! Libreng regalo mo sa kanila sa pasko. :) (para sa inyong lahat naman kasi to ^^)

PS 2: Your votes and comments can help us reach many. Game na! ;)






Status: Confused  (What to Do In Your Windang Moments)Where stories live. Discover now