Chapter 5

20.4K 490 7
                                    

Chapter 5
(Maniac)

SHARA'S POV

Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Hindi na ako nakapagtimpi. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang binabanggit ang buong pangalan ko sa harap nang maraming tao. Hindi naman kasi ito ang totoo kong pangalan.

Ricky Amarah Fortania Lavitus ang tunay kong pangalan. Nagtatago lang ako sa katauhan ni Shara Mai Coe.

Naaalala ko kasi sa pangalang 'yon ang lahat ng mga masasakit na nakaraan ko noon. Kung bakit kailangan kong lisanin ang tunay kong katauhan sa murang edad.

Nararamdaman ko ang pagpintig ng kamao ko sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya. Maya-maya pa, naramdaman ko na ang pagdaloy nang mainit na likido sa  likod ng kamay ko. Napasulyap ako sa baba. Nakita ko ang pagpatak ng dugo mula sa kamay ko.

Nako, napalakas ata?

Anong ata?

Malakas talaga!

Taimtim lang na nakatingin sa akin ang lalaking 'yon habang nakahawak siya sa panga niya. Nakabulagta siya ngayon sa sahig. Medyo nakaangat ang katawan niya dahil sinusoportahan ito ng siko niya. Nakita ko ang putok sa gilid ng labi niya dahil may dugong lumabas mula doon.

Nagmistulang simbahan ang buong gym dahil biglang natahimik ang lahat. Ang mga kaibigan niya sa likod ay nakanganga lang at gulat na gulat na nakatingin sa amin. Parang may nagsiawitang Angels sa kalangitan.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin para gawin iyon. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. Hindi pa nag-uumpisa ang pasukan, may record na agad ako!

Agad akong tumakbo palapit sa kanya para akayin sana siya sa pagbangon ngunit nang akma kong hawakan ang braso niya ay bigla niyang ipiniksi ang mga kamay ko.

"Ah, eh. Ah... Pasensiya ka na. Hindi ko sinasadya. Promise, hindi talaga!" Nauutal kong sabi.

Nakatingin lang siya sakin nang walang emosyon.  Tumayo na siya mula sa sahig pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. Naaasiwa tuloy ako sa klase ng tingin niya.

Mas gusto ko pa na galit na lang siya katulad kanina kaysa ngayon na hindi ko halos mabasa ang mga naglalaro sa utak niya.

"Ah, uy-" Napaangat ang tingin ko sa bulliten para alamin ang pangalan niya.

BYRLE  DANN LAVISTA SY...

Ang gwapo ng pangalan.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. "Bryle, este. Mr. Bryle Dann Lavista Sy. Hindi ko talaga sinasadya.Medyo masakit lang talaga ang pagkakabagsak ng puwet ko sa sahig kaya 'yon. Kahit nagpaalam ka lang naman sana bago mo ako itinulak ok lang sakin para napaghandaan ko. Pero 'yong biglaan, ibang usapan naman na ata 'yon." malumanay kong sabi baka sakaling lumambot ang puso niya.

"You really want to stay?" kalmado ngunit matigas niyang sabi.

"Ha?" kunot noong sagot ko.

"Then Welcome to the world of Hell. Make yourself comfortable while you are here. I'll make your staying more exciting." madiin niyang sabi.

Ipinamulsa niya ang mga kamay niya bago siya tuluyang tumalikod at naglakad palayo. Nakatingin lang ako sa likod niya habang naglalakad siya palayo.

My Maid is a Legendary Gangster (BOOK 1) [Under editing]Where stories live. Discover now