“Samahan mo ako.”

 

“Ha? Saan?” At bago pa mag-sink in sa ulo ko yung mga sinabi niya, bigla ko nalang namalayan na nandito na pala ako sa motor niya nakaupo.

 

“T-teka...”

 

“Kapit kang mabuti ha?” Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi niya. First time ko lang na makakasakay sa ganitong klaseng sasakyan.

Nag-umpisa nang umandar yung makina. At pagkatapos rin ng ilang segundo, umandar na yung motor.  Sa simula ay medyo mabagal lang ang takbo ni Kier pero habang tumatagal, lalong bumibilis.

Napakapit tuloy ako sa waist niya, pero hindi pa naman sobra-sobra. Nakakailang pa kasing  dumikit masyado sa kanya lalo na't kakakilala ko pa lang sa kanya at hindi pa kami ganun ka close.

Pero hindi ko kasi mapigilang higpitan ang pagkapit ko sa kanya habang tumatagal. Eh paano ba naman kasi, habang tumatagal mas lalo pang binibilisan ni Kier ang takbo ng motor niya.

“Waaaaaaaa!”  natatakot ako. Baka kung anong mangyari eh.

“Kapit ka lang, Emieleen. Masaya ‘to!”

Bakit para sa kanya parang laro-laro lang to? Hindi ba siya natatakot na in any seconds kahit konting pagkakamali niya lang eh mawakasan na ang buhay niya? I mean, NAMIN?

“WAAAAAAAAAA!!!!” sobrang bilis na ng motor! Ano ba ‘to? Katapusan ko na ba?

Hindi ko nalang namalayan na nakayakap na pala ako kay Kier. Wala eh, hindi ko na kaya to. Feeling ko tatangayin na ako kapag hindi pa ako kumapit sa kanya.

At habang tumatagal, mas lalo na ring humihigpit ang pagkayakap ko sa kanya. Oy baka iniisip  niyo nagt-take advantage ako sa kanya ah. Hindi po, natatakot lang po talaga ako.

Nung medyo nasanay na ako sa mabilis na takbo ng motor, medyo kumalma na ako. Hindi na rin ganun kahigpit yung pagka-kapit ko kat Kier.

Dun ko lang namalayan, ang sarap pala ng hangin. (Weh, anong lasa?) Ang sarap sa feeling na nililipad yung buhok ko at ang lamig-lamig ng nararamdaman ko. Ang presko, kumbaga. 

Pero hindi ito yung first time na naramdaman ko tong feeling na to. Ganito rin kasi yung  naramdaman ko nung sumakay kami ni Kean sa Roller Coaster.

Nakakamiss rin pala yung lalaking yun.

“Wooohooooo!” Nag-eenjoy na nga siguro talaga ako. “Wag ka munang titigil Kier ha? Ang sarap pala nito! Weeeeeee!”

Virginity ListWhere stories live. Discover now