The Superstar: 1

38.2K 1K 108
                                    

N/N: 


Chapter 1 na talaga ako!  OMG, hindi ko alam kung bakit ganito kadami ang naging reads ng Prologue, na-pressure tuloy ako bigla.  Sana lang sa series na ito ay tigilan niyo na ang pangongopya ng kwento ko sa kahit na anong paraan mapa .txt format o word format or pdf, please lang!  Libre naman ang Wattpad at walang bayad, pwede kayong magbasa kahit saan. 


Dedicated ang chapter na ito kay marcecornetto, enjoy!  :) 




The Superstar: 1


"Whenever you look at me I wish I was her."


JADE'S POV:


Nangangamoy ang kape sa kinauupuan ko sa coffee shop. Kakaunti lang ang tao dahil tanghaling tapat, sino nga naman ba ang gustong magkape sa tanghali, 'di ba? Hinihintay ko ngayon ang kaibigan kong si Oning Bading. Hahahaha! Mas kilala siya bilang Oni pero ang totoo niyang pangalan ay Oniok at sobrang galit na galit siya kapag tinatawag siya sa real name niya.


Pinipilit kong maging masaya habang nakatingin ako sa isang tasang kape na nasa harap ko, pero kahit anong pilit ko wala pa rin eh.


"Tunganga ang bruha." Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko si Oni na nakapamewang at nakataas ang kaliwang kilay nito.



Umupo na ito sa harap ko, wala namang nagbago sa kanya ganun pa rin ang itsura. Kaming dalawang bakla ang baklang hindi tipikal dahil hindi lahat ng pambabae eh trip namin. Mas maganda kaya yung mapapagkamalan ka munang lalaki!


"Kamusta ka na?" Tanong agad nito nang makaupo siya. Uminom muna ako ng kape at huminga ng malalim.


"Akala ko pwede eh. Sana hindi ka na lang grumaduate para hindi ako tanga-tanga." Paunang salita ko na naging dahilan para umayos ang upo nito at inilagay ang mga kamay niya sa lamesa.


"Oh tapos? Sino naman 'yan?" Sunod-sunod na tanong nito at kinuha ang kape ko at ininom.


"Si JR! Tanda mo ba yung lalaking yon? Siya yung isang performer sa pinanood natin na program before." Sagot ko dito at tumango-tango naman siya.


"Yeah, yung lalaking hindi naman kagwapuhan pero nakipaglandian sa'yo? Nakwento mo yata 'yan sa chat."


Ngumuso ako tsaka uminom ulit ng kape. Ito ang pinaka-ayoko sa lahat, ang nawawasak ang puso.. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko para makaahon sa lalim ng pag-ibig na binigay ko.


"Ayun natuloy nga kami sa landian, masyado kasing sweet ang loko kaya ako naman asadong-asado." Pagpapatuloy ko.


"Kwento mo."


**

The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon