"Tara na?" Ani JR habang kakatapos lang ng klase nito, ganito kasi palagi ang routine namin, naghihintayan kami kapag tapos ng klase namin para sabay kaming mag lunch.


Sumunod na lang ako sa kanya, sa halos 3 buwan namin na magkasama, masasabi kong gusto ko na talaga siya at sa pagdaan ng mga araw eh lalo itong lumalalim. Ngayon balak ko nang umamin sa kanya pero pinapangunahan pa rin ako ng takot.


Inakbayan ako nito sabay inilapit ang bibig niya sa tenga ko, "Bakit ang tahimik mo?" Tanong nito, isa ito sa rason kung bakit ko siya nagugustuhan, napapansin niya ang mga bagay na kakaiba sa'kin which is very unusual.


"Wala lang, masama bang tumahimik minsan?" Sagot ko rito.


Noong una kaming nagkakilala, malaki ang problema niya sa babaeng nililgawan niya at since pinakilala siya sa'kin ng kaibigan slash kaklase ko ay sakin na siya nanghingi ng advices. Naranasan mo na ba 'yung ganito? Habang lalong tumatagal kayong nag-uusap nakikilala mo siya at iniisip mo na sana sa'yo na lang siya na-inlove dahil napakaswerte mo sana.


At ganun lagi ang nangyari sa'ming dalawa. Araw-araw magkasabay mag-lunch to the point na hindi na namin sinasama ang kaklase ko at kami na lang dalawa. Lagi rin kaming magkausap sa chat at text.


Ilang beses ko na ring pinipigilan ang sarili ko na magkagusto ako sa kanya kasi nga alam kong straight pa rin siya, at ilang beses ko ring pinapaalala sa kanyang bakla ako pero sabi niya naman nirerespeto niya ang mga katulad ko kaya ano pa bang magagawa ko kung ayaw niyang umiwas?


Nakarating na kami sa canteen at naloka ako ng umupo siya sa grupo ng mga babaeng hindi naman namin kakilala. So no choice kaya umupo rin ako.


"Uy girl, ayaw mo naman pansinin yung manliligaw mo?" Sabi nung isang babae.


"Uy JR, si Denden o!" Tili naman nung isa, ngumiti naman si JR dito at parang ako yung nawala bigla sa eksena.


"Bili na tayo?" Tanong ni JR tumango ako at tumayo pero nagulat din ako ng biglang tumayo yung babaeng katabi ko.


"Ay! Jade, si Denden nga pala.. Niliiligawan ko." Nakangiting pagpapakilala nito kay Denden na noong nilingon ko eh nakangiti pa sa'kin ang gaga.


**


"Ayun na 'yun? Nagpakilala lang ng nililigawan sumuko ka na? Malay mo gusto ka naman talaga at hindi niya lang talaga matanggap na sa bakla siya nagkagusto." Internalize ni Oni sabay sipsip ulit sa kape ko na paubos na.


"Hindi, after nung pinakilala niya sa'kin si Denden, nag-iba na ang lahat. Kahapon nga nagkita kami t'as nginitian niya lang ako." Umirap ako sa kung saan, "I mean ganun na lang 'yun? Parang naging therapist niya lang ako habang nagmo-move on siya sa babaeng wala namang gusto sa kanya? Ang galing lang 'di ba?" Push na push ako sa pagsinghal na hindi ko napansin na may ilang tao na sa katabi kong lamesa ang tumitingin sa'kin.


"Ewan ko ba sa'yo bakla, sana pinagpatuloy mo na lang ang pantasya mo kay Paulo Dela Fuente, edi sana hindi ka pa nasaktan."


Lumawak ang ngiti ko, mas malawak pa sa bunganga ni Anne Curtis dahil pinaalala niya na naman si Paulo.. Mygas, pulgas!


"Nakita ko siya kahapon papasok ng NRJ Building, mukhang gagawa na sila ng kanta!" Excited kong kwento dito at inalala ko pa ang pagngiti nito sa'kin bago siya pumasok.


"Wala ka pa ring pinagbago, isang taon pa lang ako nawala sa school patay na patay ka pa rin kay Paulo. Akala mo naman magugustuhan ka nun? 'Di ba nga may girlfriend daw yun? Si Czarina?" Umarko ang kanang kilay ko sa sinabi nito.


"Hindi sila no? Rumor lang yon, malandi lang talaga yung Czarina na 'yun." Defensive kong sagot dito at hindi niya na ako sinagot bagkus ay may kinalkal ito sa bag niya at inilabas niya ang isang parang ticket at inilagay sa lamesa.


"Raffle ticket 'yan, kakalabas lang niyan kagabi. Ang prize ay 3-days vacation sa isang beach with Paulo Dela Fuente."


Inagaw ko mula sa lamesa ang raffle ticket at nagkukumahog akong kumuha ng ballpen sa bag ko at sinulatan ko kagad ito ng pangalan ko.


OMG, PAULO.. 3 DAYS.. BEACH..


"Saan ihuhulog 'to?" Tarantada kong tanong at tinuro ni Oni ang box sa gilid ng cashier ng coffee shop. Nagtatakbo ako para maihulog ito at nakita kong ako ang unang naghulog ng raffle ticket.


Nang makabalik ako sa kinauupuan ay natatawa sa akin ang baklitang si Oni..


"May sayad ka na."


"Basta si Paulo, kahit makulong pa ako sa Mental dahil sa kung anong kagagahan ang ginawa ko. Wala akong pake." Confident kong sagot sa kanya na ikinatawa niya ulit.


Nararamdaman kong ako na ang mananalo sa raffle na 'to, mas maganda 'to kesa sa meet and greet dati nung isang tindahan ng gitara na hindi naman ako nanalo.


Para saan pa't mura lang ang softdrinks?



//COMMENT VOTE SHARE//









The Superstar (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara