Chapter 32 (August 13, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"OO!!"

"Bakit nga??!?!?!"

"WALA!! Basta ikaw ang problema."

"Ewan ko sayo baliw ka! Masungit, autistic, may attitude problem! Ayusin mo nga ugali mo!!"

Papasok n asana si Phoebe ng kwarto ng sumigaw ulit si Kent.

"Wala nga si Harley may nakita ka na agad"

"Anong pinagsasasabi mo?"

"Bakit may kausap ka agad na lalaki?" sigaw ni Kent

"Malay ko! Bigla niya na lang ako kinausap eh! Ikaw hindi mo nga ako kinakausap eh!!"

"IKAW KASI!!! ANG ENGOT ENGOT MO!!!"

"Ewan ko sayo!!! Abnormal!"

Pumasok na si Phoebe sa kwarto.

"Ang lakas ng topak ako pa sinisisi. Dami-dami na ngang problema uuwi na kami bukas!!! Grrrrr!!!! Ang sweet sweet kagabi tska kaninang umaga! Tapos ngayon????!!!"

Nagsasalita si Phoebe sa loob ng kwarto mag-isa.

Tska pumasok si Kent.

"Phoebe..."

"EWAN KO SAYO HWAG MO AKONG KAUSAPIN!" sagot ni Phoebe

"Eh di wag!!"

Humiga na si Kent sa kama.

Humiga na rin si Phoebe.

Magkatalikuran sila. Di nagiimikan. Pag nagkakasanggian sila ng braso ay agad naghihiwalay ng parang napapaso.

Akala niya! Sumosobra na siya!! Sira-ulo... Di maintindihan ugali Topak!!

***

Kanina pa di umiimik si Phoebe.

Ano bang problema ko?!?!. Naisip ni Kent. Nababadtrip lang ako kaninang umaga. Nakakainis! Di niya ba yun alam? Gusto ko lang na... na... tsss! Gusto ko maging akin muli siya!!! Nakakahiya naman aminin yun!

Pinakiramdaman niya si Phoebe. Di ito gumagalaw.

Nakakainis! Ang engot kasi!! Ayoko lang naman magsalita kanina kasi... kasi ang illogical ng dahilan ng pagkabadtrip ko. Tapos makikita ko na lang siya may kausap na agad na ibang lalaki? At ibinigay niya pa yung bag niya! Tsssss Nakakabadtrip.

Umikot siya ng higa. Nakatalikod pa rin si Phoebe.

Pero gusto ko naman siyang yakapin.

Nakatingin lang siya sa likod ni Phoebe.

Ilang minuto na ang nakalipas. Wala pa ring imikan.

***

Nagulat si Phoebe ng binigyan siya ni Kent ng backhug.

Ayy!!! Ano ba yan... Tignan mo to! Bigla na lang nangyayakap. Aaway-awayin ako. Anong utak meron siya?

"Baby..." bulong ni Kent.

Baby?? Bigla-bigla na lang akong tinatawag na baby nito Minsan. Bahala ka dyan.

Tinabig niya ang kamay ni Kent.

Pero niyakap siya ulit nito. Hinalikan ang pisngi niya.

"Baby..."

Nyanyanyayanyayaya! Wala akong nararamdaman. Hindi ako kinikilig.

Pero ang totoo. Naiihi na si Phoebe sa sobrang kilig.

Bahala ka dyan Mr. sungit.

"Phoebe naman... sorry na..."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon