Prologue

63.8K 1.3K 67
                                    

N/N:


Since na-stress ako sa mga pinag-gagawa ko noong Sembreak dahil kay Red at Fero, napagdesisyunan kong bumalik sa genre na push na push ko.  Hahahahaha.  Actually this story is not part of this series at iba dapat talaga ang title nitong kwento na 'to pero napagdesisyunan kong isali na siya kasi natutuwa ako dito.  


FYI, this is the story na medyo personal sa'kin.  Hahahaha!  Ayokong sabihin kung bakit :P  Hope you enjoy this hanggang ending :)


Dedicated to gingerbreadmans dahil sa kanya nagmamadali akong mag publish ng Prologue.  :) 



Prologue:


"He's so lucky, he's a STAR."


*****


"Ano? Gusto mo bang tanggapin 'tong offer na 'to?" Tanong sa'kin ng manager ko na si Reena habang nasa sasakyan kami papunta sa recording studio. Hawak nito ang contract para sa offer na 'yun at iwinawagayway niya ito sa mukha ko.


"Commercial 'to Paulo, sayang naman!" Angal nito at napailing na lang ako. Sawang-sawa na ako sa pagngiti habang hawak ang isang inumin na sa buong buhay ko eh hindi ko nga natikman.


"Isa pa 'to Paulo!" Kinuha niya ulit ang isa pang papel na nasa file case nito at tinapat sa mukha ko. "Cameo role daw para sa movie, I think maganda naman ang story line. Deal or no deal?"


"Pakisabi sa kanila na hindi naman ako actor katulad ni Jericho Rosales. Reena, I'm a musician, tanungin mo na lang sina Gelo baka gusto nila mag-cameo!" Balik kong angal dito at bumuntong hininga ito dahil itinuro ko na naman ang mga ka-banda ko.


"Okay, last na talaga 'to." Kumuha ulit siya ng papel at itinapat niya ulit ito sa mukha ko.


"Para 'to sa Soda Company, kailangan nila ng isang star para sa isang vacation raffle." Pagpapaliwanag nito.


Vacation! Sa wakas! Ilang taon na yata simula noong huli akong magbakasyon and besides para rin naman 'to sa fan. Ngumiti ako kay Manager Reena at ngumiti din siya sa'kin.


"Fine, send mo sa'kin ang copy ng contract sa e-mail and I'll sign it right away." Pagsuko ko dito at tumango ito habang ngiting-ngiting itinatago ang mga kontratang nilabas niya.


Huminto na ang sasakyan at kita sa labas na maraming nag-aabang. Haaay, kailan ba ako makakalabas ng walang hahabol na camera at mga tao? Gusto ko naman ang nangyayari sa banda namin for the last 2 years pero mahirap pala kapag wala nang pahinga.


"Bye Paulo." Ani ni Manager at binuksan ko na ang pinto sabay labas.


"OMGGGG! ANDYAN NA SI PAULO MY LABS!" Sigaw ng isang babae na parang kakalabas lang ng school dahil naka-uniform pa ito ng pang-high school.


"ANG GWAPO MO BABE! PA-KISS!!" Sigaw pa ng isang babae.   Marami ring camera ang nakatutok na hawak ng maraming kababaihan at may nakita rin naman akong hindi babae.


Mabuti na lang at may mga harang dahil kung hindi nakuyog na ako ng di-oras dito. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko ang isang lalaki na nakangiti sa'kin. Hindi naman siya masyadong mapapansin dahil nasa gilid siya masyado. 


Ang ganda ng mga ngiti niya.


Umiling na lang ako at ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papasok sa building kung saan nagre-record ang banda namin ng kanta. 



//COMMENT VOTE  SHARE//




















The Superstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon