Chapter 29 (August 09, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi pa!! Sa tingin ko hindi lang siya magbabakasyon! Nasabihan ko po siya ng masasakit na salita kagabi"

"Ano? Ano bang sinasabi mo Kent?"

"Pa!! Pupunta po akong Italy. Please..."

"Ha? Hwag magpadalos-dalos Kent."

"Please pa..."

"Hay! O sige! Buti na lang kamo alam ko ang address ni Fred sa doon."

"Thank you pa!"

"Hay! Basta ayusin niyo yan ni Phoebe. Magpapabook na ako sa secretary ng flight. I-email ko yung address. Di pa ba expired passport mo?"

"Di pa po pa, kakarenew ko lang... Thank you po."

"Sige papatawagan kita mamaya."

Binaba niya na. Pagtingin niya kay manang Lourdes nakangiti na ito pero umiiyak pa din.

"Manang naman tama na po..."

"Pangako mo sa akin iuuwi mo dito si Phoebe."

"Opo."

Umakyat na si Kent sa taas at nagempake. Alam niyang madali naman makakakuha ng flight ang papa niya dahil marami itong kakilala sa iba't ibang airlines.

Phoebe... galit pa din ako sayo. Pero di ko kayang mawala ka. Bakit ganun?

Nagring ang celphone niya. Si Harley tumatawag.

Sinagot niya agad ito.

"Ahas ka Villaluz! Damn You!"

"Kent, nasaan si Phoebe! Hindi niya sinasagot yung phone—"

"Hayop ka talaga Harley, mapapatay kita dahil sa lahat ng ginagawa mo. Diba I told you to contact me kapag nakita mo si Phoebe? Anong ginawa mo? Ahas ka!"

"Huh? Kent? Hindi ko alam na magkakaganito. It was just a kiss, hindi niya alam ang---"

Binabaan niya na si Harley. Wala siyang panahong makinig dito. Kung naiinis siya kay Phoebe, mas galit siya kay Harley.

Ilang oras lang bumabyahe na siya pupuntang airport.

***

"Okay ka lang anak" tanong ng tatay ni Phoebe sa kanya.

Ilang oras niyang iniyakan ang tatay niya. Sinabi niya dito lahat ng hinanakit niya. Pati na lahat ng sa tingin niyang nangyari sa kanila ni Harley at ni Kent.

"Thank you papa, for understanding me"

Pababa na sila sa airport. 13 hours din ang byahe hanggang Italy.

"Magrelax ka na lang muna dito anak. Namamaga pa din yung mata mo eh"

"Thank you pa."

Nakarating sila sa bahay ng papa niya. Hindi yun masyadong malaki dahil tatay niya lang ang nakatira doon.

"Magpahinga ka muna Phoebe, may pasok na ako maya-maya eh."

"May pasok na agad?"

"Anak, kaya nga tayo bumalik agad dito para maka-abot ako sa work. Magpahinga ka na muna sobrang haba ng byahe eh. May extrang kwarto diyan, Niready ko na talaga yun, kung sakaling sasama ka sa akin"

"Sige po..."

Nakaalis na ang papa niya pero ayaw pa ni Phoebe magpahinga.

Kapag tahimik kasi... naalala ko si Kent. Hay namimis ko naman agad yun. Bakit? Nakakainis. 13 hours pa lang ang nakakalipas eh. Tsss Magtiis ka Phoebe. Ang tanga mo kasi eh, kung anu-anong pagwawala ang ginagawa mo.

Lumabas muna si Phoebe at naglibot-libot. Masaki tang mata niya kaiiyak at pati na rin ang katawan dahil sa tagal ng byahe pero pinilit niyang magsaya.

May sumabay sa kanyang maglakad na isang lalaki.

Tinitigan niya pa ito dahil kasing katawan ni Kent.

"Kent?" sabi niya dito

"Che cosa?" sabi nung lalaki ng napansing nakatingin siya

"Ay sorry sorry... Mi dispiace!"

Umalis na ito. Hindi pala si Kent yun.

Italyano pala... Nakakahiya tinitigan ko pa naman yung mukha. Tsss As if naman susunod si Kent. Siguro oo pag magpapapirma siya ng divorce namin. Sino ba naman magttyaga sa asawang taksil. Hay

Naglakad-lakad pa siya. Pero feeling niya lahat ng nakikita niya ay si Kent.

Waaaah!!! Kent! Bakit ba ayaw mong maalis sa utak ko!!!! Ang unfair hindi niya naman ako iniisip pero iniisip ko siya. Haaay Lord. Di ko na po alam gagawin ko.

Nagpicture picture pa si Phoebe sa iba't ibang mga lugar. Mga ilang oras din siyang naglibot hanggang sa napagod na din siya.

Saan na nga ba yung pauwi?

Medyo hindi street smart si Phoebe kaya inabot pa siya ng mahigit isang bago niya nahanap ang daan pauwi sa bahay ng tatay niya.

"Ang lungkot... para gusto ko na ulit umuwi tapo magmamakaawa na lang ako kay Kent... Pero hindi eh, galit nga siya sa akin. I'm a whore"

Sobrang nasaktan siya sa sinabi ni Kent na yun.

Nang malapit na siya sa bahay nila, natanaw niyang may lalaki sa may foyer.

Jusme! Lahat talaga ng nakikita ko si Kent na....

Nakasandal ang lalaki sa may pader. Napansin niyang may papadating at tumingin ito kay Phoebe.

Shit... si Kent ba talaga to? O nagdedeliryo na naman ako?

"Phoebe..." nakumpirma niya nang si Kent yun.

Ano ginagawa niya? Hwag mong sabihing? Divorce na agad ang pag-uusapan namin?

Kinuha niya ang susi at binuksan niya ang pinto ng bahay ng tatay niya. Sumunod si Kent sa kanya.

"Let's talk" sabi nito.

Shit, divorce na ba?

Pinikit ni Phoebe ang mata niya bago pumasok sa bahay ng tatay niya.

"Why?" kinakabahang tanong ni Phoebe. Sobrang seryoso kasi ni Kent. Hindi pa rin siya makaniwala na nandito ito sa Italy.

"Mag-usap... tayo.." Parang galit pa rin si Kent.

"Mamaya na Kent... magpahinga ka muna dyan matutulog muna ako sa kwarto" gusto niyang idelay dahil natatakot siya sa mga sasabihin nito.

Dali-daling pumasok si Phoebe sa guest room ng bahay.

"Wait Phoebe, hindi na talaga pwedeng idelay ang sasabihin ko." Pinigilan ni Kent ang pagsara ng pinto.

"Kent..."

Pero niyakap siya ni Kent ng mahigpit na mahigpit, hanggang sa napaiyak na lang sa Phoebe dahil sa sari-saring nararamaman.

"Phoebe... please... love me."

"Kent..."

"Kakalimutan ko lahat ng nangyari... kalimutan natin... let's start anew."

Huh anong sinasabi niya? Ang dami kong ginawa tapos kakalimutan namin?

"Kent.. I'm sorry... hindi ko---"

Pero naputol ang sinasabi niya. Hinalikan siya ni Kent. Long deep kiss na nagpawala sa wisyo niya. Passionate kiss na nagpakawala sa mga nararmdaman niya."

"You're mine okay... you are mine Phoebe..."

Sabi pa ni Kent...

"Kent...."

"Please be mine.."

God... I can't do this.

"No Kent.... I'm dirty and I---"

"Wala na akong pakialam... God I missed you.."

Isinandal siya nito sa pinto at hinalikan ulit.

No... Hindi...

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon