XIX.

331 19 0
                                    


XIX.

Kung makakakita ka ng isang tao na nakangiti sayo ay nakakagaan ng pakiramdam.

Pero ang maktia ito mula sa isang demonyo ay ibang usapan.

Mas higit pa sa takot.

Lalong higit pa sa kahit anong negatibong pwede mong maramdaman.

Alam ko.

Dahil si Gino ay nakangiti sa harap ko ngayon. At halos ganap na demonyo na sya. Mapupula ang kanyang mga balat na lalong pinatingkad ng napakaputi nyang mata, ang itim na dapat na naroon ay isang maliit na tuldok na lang. Sa pagitan ng magulo nyang buhok ay hindi pa rin naitago ang mga mumunting sungay na umusbong mula sa kanyang noo. Mula sa nakakatakot nyang mga ngisi ay nakita ko ring tumalim ang mga ngipin nya.

"Did you like it?" maging ang boses nya naging mas malalim kumpara sa dati.

"What? You expect me to say you look good?" Itinaas ko pa ang kilay ko habang nagsasalita. "Well, to tell you the truth, mukha kang tae sa itsura mo ngayon!"

Bigla syang nagalit at nanlisik ang mga mata. Nahigit ko rin ang sarili kong paghinga sa isiping baka bigla na lang nya akong bugahan ng apoy at sunugin sa mismong kinatatayuan ko. If a devil can ever do that.

Humigpit ang hawak ni Harry sa mga balikat ko na para bang inaawat ako sa pang aasar kay Gino. Pero bakit nga sa kung anumang dahilan ay hindi nya ako sinugod.

Napangiti ako sa sarili ko.

Come to think of it. Pikon sya. At pwede ko yung gamitin laban sa kanya.

"LLyynnn! You are running out of time!!! GOOO!"

Napapiksi ako sa narinig kong sigaw ni Michelle.

Hindi na ako nag isip at basta na lamang akong pumasok sa pinakamalapit na lagusan habang hawak ang kamay ni Harry.

"Go! Get him!" sigaw ni Gino sa mga kasamahan nya.

Binilisan ko na lang ang pagtakbo habang hila si Harry. Bahala na kung saan kami mapunta. Ang mahalaga ay maligaw namin sila.

Teka.

He said GET HIM.

Him.

Ibig sabihin, si Harry lang talaga ang kailangan nila.

"Mich! Paano kami lalabas dito?" sigaw ko sa pagitan ng paghingal at pagtakbo.

Narinig ko ang bell. Ang matinis na tunog ng maliliit na bell.

Pero maging ang mga iyon ay hindi ko malaman kung saang direksyon nagmumula dahil nag e-echo iyon sa buong paligid.

Fuck.

"Mich! Yung incense!"

Naalala ko ang sabi ni Satur bago namin iperform ang ritual.

"Half of your chance to get back here relies on these incense sticks, pwedeng tumawid ang kaluluwa nyo mula sa ibang mundo pabalik dito gamit ang usok na nagmumula sa sticks na ito."

Maya-maya pa ay may nakikita na akong puting usok mula sa taas. At tumakbo na kami palapit doon.

Pero nanlumo ako ng makita kong sa di kalayuan ng tinatahak naming daan... ay dead end.

Hindi ko alam kung bababa ba hanggang sa amin ang usok o kailangan namin itong lapitan. Napailing na lang ako at agad ko ng hinila ulit si Harry pabalik bago pa man kami ma corner dito nila Gino.

And speaking of the devil...

Dahil sa pag ikot namin pabalik ay nasa harap na nga namin sya. Sila pala.

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon