XIII.

380 15 3
                                    

XIII.


Purgatoryo?

Kahit paano ay nagpasalamat ako dahil wala sya sa impyerno.

"Pero Harry, paano kita makikita? This place is a maze. What if... what if I take a wrong turn?"

"Lyn, ito ang lugar kung saan hinuhusgahan ang isang kaluluwa. Ang nakita ko sa bawat maling pagliko dyan ay maaaring iba para sa iyo. Ang desisyon mo sa bawat pagsubok na makikita mo ang magiging hatol sayo."

Teka, bakit ako hahatulan? "Buhay pa ako ah! Why do I have to go through the judgment?"

"I don't know, Lyn. Sinasabi ko lang ang mga bagay na nalaman ko mula ng makarating ako rito. Pero sa tingin ko dahil pumasok ka na rito, kailangan mo na ring pagdaanan lahat para makalabas."

Problema ko na nga paano ilalabas si Harry, problema rin pala paano AKO makakalabas. Pero alam kong hindi ako mahihirapan, buhay pa ako at hindi pa ako kailangang hatulan kung sa langit ba ako o sa impyerno.

Or at least, that's what I'm praying for.

"Harry, naririning mo ako di ba? Bakit kaya hindi ikaw na lang ang pumunta sa akin para mas madali tayong makalabas?"

"You don't understand Lyn." Sagot ni Harry.

"Look, kagagaling ko lang sa gate, mas madali tayong makakalabas kung ikaw ang pupunta dito sa akin." Paliwanag ko at itinuro ko pa ang likuran ko kahit hindi naman nya ako nakikita.

"Nandito ka na nga sa loob, hindi ka makakalabas kung hindi mo malalagpasan yung mga pagsubok na huhusga sayo kung makakaalis ka o hindi." Sagot ni Harry na naging dahilan para mapairap ako sa inis kasabay ng paglingon ko sa likuran ko at doon ko nakita ang usok na muli na namang nabubuo.

Unti-unti ulit iyong tumaas at kahit ayokong tanggapin sa isip ko ay alam ko na ang susunod na mangyayari.

"No, no, no!" tanging sigaw ko. Naisipan kong tumakbo palabas bago pa man iyon tuluyang maging solido at maging harang pero mangangahulugan din iyon na maiiwan ko si Harry sa loob. Kaya wala na akong ibang nagawa at halos mapaiyak na lang sa kinatatayuan ko at pinanood ng tuluyan ng mabuo ang harang na magiging mas madaling daan sana namin palabas.

Napailing na lang ako sa nangyari.

"Harry." Tawag ko sa kanya. Alam kong hindi ko naitago ang takot sa boses ko. "C-caan you... at least uhhmm... meet me at the middle?" punong pag-asang tanong ko. "K-kung hindi ka pwedeng pumunta dito baka pwede na salubungin mo manlang ako?" Parang ang selfish ng dating ko, kung lalapitan ako ni Harry ibig sabihin din nun ay babalik na naman sya sa mga napagdaanan na nyang 'pagsubok'. Pero bakasakali lang naman na pwede. Dahil ang totoo, natatakot din ako.

"Lyn, sa maze na ito ay may parang mga stages. You passed the first then you'll proceed to the second. Until you go to the exit. I'm sorry, nobody is allowed to go back once you started. You go in there, you go out there. That's how it works." Mukhang wala na nga akong choice.

Paano kung maling liko ang magawa ko? Ano ang naghihintay sa akin?

Eksaktong ito ang mga tanong sa isip ko ng magsalita si Harry.

"Lyn, umasa ka na lang hindi ka magkakamali ng pupuntahan mo. Maybe at least hope that magkamali ka man ay dead end ang makikita mo. Dahil kung hindi..."

"Kung hindi ano?" tanong ko. "Sabihin mo."

"Dahil kung hindi, dun mo na makikita ang pagsubok na sinasabi ko. At... at hindi ganun kadali ang mga yun."

No choice pala ako. Wala ng ibang paraan kundi lakasan ang loob ko.

Bumunot muna ako ng isang malalim na hinga at nagdasal sa isip ko.

May nabasa ako minsan ng nagsosolve ako ng ganitong klaseng laro sa isang pambatang magazine. Kailangan daw ay mag focus ka sa left side mo. Whichever way it goes, it will lead daw sa exit.

So hindi ko talaga alam kung tama ba yun pero wala naman akong ibang paraan. Itinaas ko ang kaliwa kong kamay at hinawakan ang pader na nasa kaliwa ko. Kahit saan man ito lumiko ay iyon ang tatahakin ko.

Nangilabot ang buo kong katawan ng dumampi ang palad ko sa inaasahan kong pader ng maze.

Kakaiba ang lamig na dulot niyon. Lamig na para bang nakuryente maging ang kaloob-looban ng katawan ko.

"Papunta na ako Harry."

"M-Mag-iingat ka."

Ipinagtataka ko kung bakit napaka lamig ng pader na hawak ko. Bako-bako rin iyon na parang may kung anumang mga nakabukol. Sinubukan kong tingnan kung bakit pero hindi ko masyadong maaninag dahil kulang sa liwanag ang paligid.

Nakakalayo na ako ng hakbang at medyo lumuluwag na ang paghinga ko dahil so far ay wala pa akong ibang nasasalubong, ibig sabihin ay tama ang daan na pinupuntahan ko.

Iniisip ko si Harry.


Nasaang parte ng maze na ito kaya sya?

Sa gitna?

Sa bandang dulo?


Ang daming tanong na umiikot sa isip ko ngayon.

Kung nasa dulo sya, dapat sana ay nakalabas na sya.

Ibig bang sabihin nito ay nasa bandang kalagitnaan pa lang sya?

Pwedeng nagkamali sya ng liko at nandun sya ngayon sa sinasabi nyang pagsubok para sa kanya?

Ibig bang sabihin, kaya hindi sya makaalis doon ay dahil hindi pa nya nalalagpasan ang pagsubok nya para sa lugar na iyon?

Ano bang pagsubok iyon? May kailangan ba syang sagutin? O may kailangan syang gawin?

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa isiping ang pagsubok nya ay may kailangan syang gawing isang bagay.

Dahil kung ganun, sigurado akong may kinalaman ako sa kung anumang pinagagawa sa kanya.

Dahil sa nakikita ko, ako lang ang hinihintay nya para makalabas doon.

Napalunok ako at umasang hindi naman sana nya ako ipahamak. Nandito ako para tulungan sya, at sana naman ay hindi sya gumawa ng isang bagay na ikapapahamak ko para lamang makalabas sya.


Hindi ko na alam.

Pero I trust him.

I have to.


Nasa ganito akong pag-iisip ng makaramdam ako ng mabibilis na yabag.

Mga yabag na papalapit sa akin.

Tumingin ako sa paligid at hinanap ko kung saan iyon nanggagaling. Pero puro pader lang ang nakikita ko.

kumawala ang isang malakas na sigaw mula sa bibig ko ng bigla ko na lamang naramdamang may humawak sa kanang braso ko.

"Sumama ka sa akin! Bilis!"

Hindi ko na nakita kung ano o sino iyon dahil mabilis na nya akong nahila papunta sa kung saan.




To be continued...


THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon