X.

440 18 1
                                    

Pasensya na po kung ngayon na lang ulit nakapag update..huhuhu... hopefully ay every weekend na ulit ang update ko nito.. pasensya na talaga, at sa mag naghintay at nag pm sa akin, ito na po...salamat sa inyo.. ^___^ awavyu!!!!!

Enjoy reading!



X.



"Lyn listen to me!" narinig ko ang urgency sa boses nya.

Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya kahit ang totoo ay natatakot na ako sa pwede nyang gawin.

"Lyn... You have been fighting for the wrong side!"

What?

Bago ko pa man maitanong kung ano ang ibig nyang sabihin ay napalingon ako kay Harry na hindi pa nakakalayo ng lakad.

Hindi ako dapat maniwala kay Satur, ibig ba nyang sabihin na si Harry ay... isa na sa kanila?

Dahan-dahan ang ginawang pagpihit ni Harry palingon sa akin, sumisigok sya at parang nahihirapan sa paghinga. May tumutulong masagang laway mula sa nakabukas nyang bibig.

"Lyn." He said, almost whispering. "Tulungan mo ko."

At bigla na ring nahulog ang katawan nya sa lupa. Pero kasabay ng pagbagsak ng katawan nya ay ang paghiwalay mula roon ng isang nilalang. Tila isa itong usok sa simula, hanggang sa unti-unti ay nagkaroon ito ng hugis at porma. Hanggang sa maging tuluyan ng solido ang katawan nya.

And before I knew it, I am already looking straight into the eyes of the devil.

"It's already twelve midnight." Halos magkapanabay na sabi ni Satur at ng demonyo, na lalong ikinabuhay ng pag-aalangan ko kay Satur.

Naputol yata ang paghinga ko sa nakita kong namumuong kadiliman sa likuran ni Satanas. I can't say exactly what they are, they are darker than the night, than a shadow, I can feel pure evil emanating from its form. Iyon ang mga nilalang na humahabol sa akin kanina.

"Ang mga siklab." Narining kong sabi ni Satur. "Ang mga alaga ni Satanas."

Mga alaga? Napatingin ako sa bulto ng katawan ni Harry na nakalugmok.

At sa demonyong nakatayo sa likuran nya. Mahina syang tumatawa. Habang nakatingin ng diretso sa akin.

"Salamat, Evelyn. Maaasahan ka talaga." Sabi ng malagon na boses ni Satanas. "Sa paglabas mo kay Harry, you also let me out." Saka sya tumawa ng malakas.

Hindi ako makakibo sa pagkabigla sa sinabi nya. Ibig sabihin, kaya nagpa admit si Harry dahil alam nyan sinasapian sya ni Satanas? At ang pagkakakulong ni Harry sa loob ng hospital na iyon, ginawa nya yun para...

"Fuck this Harry, sukat ba namang pumasok sa Mental hospital. Hindi ko tuloy nagawa ang mga plano ko."

Ginawa ni Harry yun para hindi magawa ni Satanas ang anumang balak nito.

"But, buti nandyan ka. You let us out. Isa kang tunay at maaasahang kaibigan." Natatawa pa ring sabi nya.

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin, gusto ko syang murahin pero talo ako pag ginawa ko yun. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa walang malay na katawan ni Harry.

Naramdaman ko ang paglapit ng mga alaga nya, ang tinatawag palang siklab. Palapit ito kay Satanas at unti-unting pumaikot sa amin ni Satur. Naririnig ko ang mahina nilang pag ngalit na parang sa aso, at ang paghigop nila sa laway na para bang sabik na daluhungin kami.

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon