XI.

380 20 3
                                    





XI.



Nakahiga ako sa pang isahang kama katapat sa pinaghihigaan ni Harry. May isinabit si Satur na mga pulang bagay sa bawat kanto ng kamang kinahihigaan ko, ganun din kay Harry, maya-maya ay may itinusok naman syang tatlong incense sticks sa pot nasa tapat ng ulo namin ni Harry. Bagaman ay hindi pa nya ito sinisindihan ay nagsalita na ko.

"Uhm, excuse me." Agaw ko sa atensyon nya. "Ayoko kasi ng nakakalanghap ng usok, di ba pwedeng sa ibang lugar yan?"

Matalim na tingin ang sagot nya sa akin kaya napairap na lang ako. Gwapo sana, papausukan naman ako. Tsk.

Nakatayo pa rin sa tabi ko si Michelle at parang naiiyak habang nakatitig sa akin.

"Mich ano ba? Hindi pa ako mamamatay. Pupunta lang ako sa impyerno. Babalik pa naman ako."

"Gaga ka talaga." Nangangatog ang boses na sagot ni Michelleat ipinikit-pikit ang mata para mawala ang namumuong luha.

"And don't worry," putol ni Satur. "Hindi pa naman sigurado kung nasa impyerno na si Harry."

Yeah. At hindi rin naman sigurado kung makakabalik pa ako.

"Teka, bakit pala hindi ako makakabalik? Kung sakali man?"

"Pwedeng makalimutan mo na nasa ibang mundo ka, at hindi ka na makabalik sa takdang oras."

"What??!" sabay na sigaw namin ni Michelle. Anong takdang oras? Akala ko kanina unli mag explore sa impyerno!

"Ano sa tingin mo? Kaya ng katawan mo tumagal na walang kaluluwa?" sagot ni Satur na hindi ko alam kung natatawa sa kahihinatnan ko pag hindi ako nakabalik.

"So, ibig sabihin kailangan rin naming makabalik at exactly 3:00 am, bago pa man makapasok si Satanas sa katawan ni Harry?" pagliliwanag ko.

"No. You have to be back bago maubos ang incense sticks na nasa tabi ninyo." Tiningnan ko ang nakatusok na stick, hindi ko alam kung gaano katagal ang itinatagal ng incense stick na kasing haba ng ruler. "Half of your chance to get back here relies on these incense sticks, pwedeng tumawid ang kaluluwa nyo mula sa ibang mundo pabalik dito gamit ang usok na nagmumula sa sticks na ito."

Half of our chance depends on those incense sticks. "Kung kalahati ng tsansa naming makabalik ay ang incense sticks mismo, ano ang kalahati pang chance? What's the other half that I can hold on to? To make sure we can make it?" tanong ko.

"Your other chance... is you." Tiningnan ako ni Satur habang mahinang nagsalita. "Your other chance is your 'will' to get back here."Napayuko sya pagkatapos magsalita. Saka sya umikot papunta sa tabi ko kaya mas malapit na sya ngayon sa akin. "Kung sakaling hindi mo marinig ang boses ni Michelle, may makikita kang usok at ito ang pwede mong sundan, and vice versa. At iba ang kaso mo sa kaso ni Harry, hindi kakayanin ng katawan mo ang matagal na walang kaluluwa sa loob, kaya pag naubos ang incense sdticks na ito, nangangahulugan din na tapos na ang oras mo sa labas." Nakita ko ang pagtigas ng bagang nya pagkatapos magsalita.

So dalawa ang silbi ng silbi ng incense sticks na iyon, una para maging tulay namin sya pabalik just in case hindi ko marinig ang boses ni Michelle. Pangalawa, yun ang magiging orasan para malaman nila na kailangan ko ng magmadali pabalik. Dahil pag naubos iyon at hindi pa kami nakakabalik, good bye world na.

THE DEVIL'S PRAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon